9-Sobrang sakit

67 5 0
                                    

Pinikit ko ang mga mata at hinintay na tumigil sa pagring ang telepono,pero hindi,ayaw niyang huminto at alam kong hindi ko siya matatakasan. Kailangan kong ipakita sa kanyang okay ako,kailangan kong ipakita na wala lang sa akin lahat ng nakita ko,lahat ng narinig kong masasakit tungkol sa kanya at sa magandang babaeng nababagay sa kanya.

Inipon ko ang lahat ng natitirang tapang na meron ako,para bumangon at harapin siya.

Lumabas ako ng boarding house at nakita ko siyang nakatalikod,naghihintay sa akin.

Nakahoodie siya ng puti,itim na cargo short at tsinelas,nakasuot din siya ng kulay kremang baseballcap.

At langya naman,likod niya palang at tindig nanghihina na ako,kaya ako nasasaktan ng ganito!

Huminga ako ng malalim saka pilit na ngumiti.

"Jeff!"tawag ko sa kanya.

Humarap siya sa akin. Malungkot ang mga mata at matamlay.

"O?anong problema mo?"nakangiti kong tanong.

Hinawakan niya ang kamay ko."Saan ka galing?kanina pa ako tumatawag sayo."

"Bakit?"tanong ko.

"Mag-usap tayo."

"Sure,anong pag-uusapan natin?"

Hinila niya ako at dinala sa lugar na makakapag usap kami ng maayos. Dinala niya ako boarding house nila ni Ton.

"Hi Cath!"bati sa akin nina Mat at Ton. Wala si Macky,umuwi sa kanila.Si Mat ay ang 4th year graduating student na kaibigan din nila,na parang nakakatandang kapatid,pero maliit si Mat,nasa 5'3 lang ata ang height niya.

"Hello!"sagot ko.

"Mag-uusap muna kami."Saad ni Jeff.

Hindi kami pumasok ni Jeff at nanatili sa labas. Sinarado naman nina Mat at Ton ang pinto.

"Cath,yung nakita mo noong isang araw,magpapaliwanag ako."

Bahagya akong nakatingala sa kanya saka tumango.

Sumandal ako sa pader,ang mga kamay ay nasa aking likod.

Sumandal din siya at pareho na kaming nakatingala sa kalangitan.

Ang payapa ng langit,pero hindi ang aking puso,ang ganda ng mga bituin,pero ang pangit ng nararamdaman ko ngayon.

"Siya si Yen,nakilala ko siya ng bridge program sa university.Naging close kaming dalawa,at may nabitawan akong salita sa kanya."

Nanatili akong tahimik.

"Salitang hindi ko na mababawi dahil ayoko siyang masaktan."

At ako pwede mo lang saktan?

Gusto kong itanong yun sa kanya,pero sa sobrang sakit,hindi ko na maisatinig. Parang alam ko na rin naman ang kahahantungan ng pag-uusap namin.

"Sana..sana ikaw ang una kong nakita,sana..ikaw,kasi...kasi Cath,pangalan mo palang alam kong gustong-gusto na kita e,kahit hindi pa kita nakikita.Alam ko sa sarili kong gusto kita."

Mapakla akong natawa sabay tingala sa kalangitan. Pinalobo ko ang bibig sabay buntong hininga.

Humarap siya sa akin. "Masaya ako pag kasama kita Cath,alam kong gusto ko siya,pero masaya ako na kasama kita."

"Hindi naman sapat na masaya ka sa akin para piliin mo ako di ba?at hindi mo naman kailangang pumili dahil magkaibigan lang naman tayo."

Natahimik siya.

"Sige na,okay lang ako,piliin mo siya at maging masaya kayong dalawa.Okay?sige,aalis na ako.Gabi na."

"Sandali Cath!"

Hindi na ako nakagalaw ng hawakan niya ako sa palapulsohan at niyakap ng mahigpit.

Kinuyom ko ang mga kamao sa tagiliran at pinigilan ang sariling mapaiyak.

"Ano ka ba?okay lang yan,okay tayo!"

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ako sa magkabilang braso.

"Cath naman e,hindi mo ba narinig ang sinabi ko,masaya ako sayo!"

Kinubli ko ang lahat ng sakit sa dibdib sa likod ng aking ngiti.

"Jeff,ayokong makapanakit ng damdamin ng kapwa ko babae,yang nararamdaman mo sa akin,hindi yan kasing bigat ng nararamdaman mo sa kanya,kaya Jeff,tama na.Okay?ta---"

He kissed me.

Hinalikan niya ako kasabay ng pagbagsak ng isang butil ng luha sa aking kanang mata.

Gumanti ako ng halik,at sa halik na yun,naramdaman kong sincere siya sa sinabi niya,na tama ako,masaya siya sa akin.

Pero---hindi,kailangan ko siyang bitawan dahil alam ko,may nararamdaman din sya kay Yen.

Pinagdikit niya ang aming mga noo,hawak niya pa rin ako sa mga braso.

Panay ang kanyang buntong hininga at paulit-ulit na inuusal ang salitang ...BAKIT.

Nanatili akong nakayuko,kagat ko ang labi habang pinipigilan ang pagluha.

"Alis na ako."Paalam ko sa kanya.

Wala akong inaasahan na kahit na ano,dahil sapat na sa aking malaman,na ayaw niya di niyang saktan si Yen.

Kailangan kong layuan siya dahil yun lang ang alam kong tama para sa sitwasyon naming dalawa.

Nagtuloy ang iyak ko sa boarding house,namumugto na ang mga mata ko. Ang sakit sakit,sobrang sakit. 

I love you,Cath (completed)Where stories live. Discover now