"Mag-usap tayo Cath!please!"
May mga dumadaan ng nakatingin sa kanya,kaya wala akong nagawa kundi ang puntahan siya. Naglakad ako,sumunod siya sa akin.
"Sige!mag usap tayo!bakit mo ginawa yun?bakit mo ako hinalikan?!di ba okay na tayo!di ba sinabi ko sayo na tama na!okay lang ako!alin ba dun ang hindi mo maintindihan?!okay na di ba?bakit mo pa ginugulo lahat!"
"Dahil gusto kita!dahil masaya akong kasama ka!sayo parang ang gaan ng lahat!at hinalikan kita para iparamdam sayo na miss na miss na kita!Cath!"
"E paano si Yen?ha?kaya mo ba siyang iwan?!kaya mo ba siyang saktan?!alam mo bagay kayo at alam kong siya ang pipillin mo dahil mas maganda siya sa akin!sa kanya!marami ang magsasabi tama!bagay kayo!sa akin?masaya ka lang sa akin!pero hindi—hindi mo naman ako kayang ipagmalaki,ipaglaban!"
"Kaya ko!ayaw mo lang akong bigyan ng chance na iparamdam sayo kung gaano ka kahalaga sa akin!"
"Ngayon pa?!bakit hindi noon?!bakit?mas pinili mong ako ang masaktan?ha?kung mahalaga ako sayo sana sa umpisa pa lang pinaglaban mo na ako.Hindi yung bibitawan mo ako at babalik ka dahil alam mong kaya kong magkagusto sa iba,sa kaibigan mo!kay Ton na mas deserve ang pagmamahal ko!pero tangina naman!bumabalik pa rin ako sayo!at yung ginawa mo kanina,pinatunayan mo lang sa akin na kahit anong gawin ko,ikaw at ikaw pa rin ang laman ng sinisigaw ng pesteng pusong 'to!"
Sa ilalim ng ulan,sa makulimlim na kalangitan ay niyakap niya ako ng mahigpit.
Marahil, umiiyak din siya.Sa higpit ng yakap niya alam kong wala na siyang planong pakawalan ako,pero---
Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at naglalandas ang mga luhang hinaplos ang kanyang pisngi.
"Hindi ko hihilingin sayo na piliin mo ako Jeff,ang gusto ko lang,mahanap mo sa puso mong maging matapang at harapin kung ano ba talaga ang gusto mo,sa ngayon,hayaan mo na muna ako,na ako naman ang mamili,na mahalin ka,o tuluyan ng kalimutan ka.Pasensiya na Jeff."
"Ikaw ang mahal ko...Cath..."
"Pero sa una palang,hindi na ako ang pinili mo Jeff.."
Pinahid ko ang mga luha.
"Paalam Jeff."
Tinalikuran ko siya,bumalik ako sa boarding house at doon na umiyak ng umiyak.
Kinabukasan.....
Hindi ko inaasahang matatamaan ako ng lagnat.
Pinaalam ko iyon kay Macky para masabihan niya ang mga professors namin at ma excuse ako sa klase.
Nakahiga lang ako nang biglang tumunog ang cellphone ko.
"Hello?"nanghihina kong sagot.
"Cath?"
Umubo ako."Je-Jeff?"
"Oo,may sakit ka raw?"
"Okay lang ako."
"Buksan mo ang pinto."
"Ha?ba-bakit?"
"Basta buksan mo."
Bumangon ako at binuksan ang pinto.
Si Jeff,may dala siyang prutas.
"Anong---"
"Ssshhh...humiga ka na ulit.Nandito na ako,akong bahala sayo."
"Pero—"
"Sige na."Hinawakan niya ako magkabilang braso at pinabalik sa pagkakahiga.
"Diyan ka lang,pagbabalatan kita ng orange."
"Jeff,ano bang ginagawa mo?umalis ka na..sige na.."
"Cath,hindi!dito lang ako,babantayan kita."
Wala na akong nagawa sa pamimilit niya.
Inalalayan niya akong makaupo,saka binigyan ng orange.
"Matamis?"
Tumango ako.
"Sandali at kukuha ako ng bimpo."
"Okay na ako,umalis ka na Jeff."
Tumayo siya,lumabas ng silid at bumalik na may dala ng maliit na bowl na may face towel.
Nilagay niya iyon sa noo ko."Matulog ka na..."
"Jeff...."
"Cath,hindi ako aalis sa tabi mo,kahit ipagtulakan mo man ako,hindi kita iiwan."
"Pero---"
"Ssshh...matulog ka na."
Nakagat ko ang labi at tumagilid ng higa.
Di nagtagal ay nakaramdam na naman ako ng panlalamig.
Nanginginig na ako.
"Cath?Cath?"niyugyog ako ni Jeff.
"Dadalhin na kita sa doctor!"
Pinigilan ko siya sa kamay ng akmang aalis na siya.
"Jeff,kaya ko,please,ayoko sa ospital,mahihirapan lalo si Mama,alam mo namang mahirap lang kami di ba?dadagdag sa pasanin ni Mama pag na ospital pa ako,kaya please!"
"Pero Cath.."
"Kaya ko,Jeff,ka-kaya ko!"
Pinisil niya ang aking kamay at dinala sa labi niya.
Hinipan niya at nakaramdam ako ng konting init dahil dun.
Ngunit...
"Ang—ang la-lamig!"
"Cath,sorry!pero ito lang ang alam kong mas makakatulong para maibsan ang lamig na nararamdaman mo."
"Te-teka—"
Hindi na ako nakapag react dahil tumabi na siya ng higa sa akin at niyakap ako.
"Ngayon lang 'to Cath!huwag kang mag-alala wala akong masamang gagawin sayo."
Wala akong nagawa kundi ang pumikit at hayaan siyang nakayakap sa akin.
Hanggang sa tuluyan na akong nakaidlip.
Kinagabihan...
Nagising akong nakayakap kay Jeff, na ngayon ay sobrang himbing ng nakatulog sa aking tabi.
Hinaplos ko ang kanyang pisngi at nilapatan ng halik ang tungki ng kanyang ilong.
"Salamat Jeff.."mahina kong usal.
Babangon na sana ako para umalis sa kanyang tabi ng maramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya sa aking beywang.
Gising ba siya?
Namilog ang aking mga mata ng dumilat siya at ngumiti.
"Welcome..."usal niya.
Ngumiti ako.
Inipit niya ang takas ng aking buhok sa kanang tenga.
He stared at me,na parang tumatagos a aking kaluluwa ang mga titig niya.
Pansin ko ang pangingilid ng kanyang mga luha. "I'm sorry na naduwag ako Cath,I'm sorry na kailangan kong mamili at mas pinili kong saktan ka,ang akala ko,okay ka lang,dahil..dahil yun ang pinakita mo sa akin,ang akala ko,okay lang para sayo na bitawan ako at kalimutan ang lahat ng masasayang alaala natin,akala ko---"
Hinalikan ko siya sa labi kasabay ng pagpatak ng aking mga luha.
"Ang akala ko—kaya ko—kaya kong bitawan ka nalang ng basta-basta,pero Jeff..Im fallen for you,sobrang---"
Siniil niya ng halik ang aking labi. Pareho na kaming umiiyak habang magkalapat pa rin ang aming mga labi.
Natapos ang halik pero nakatitig pa rin kami sa isat-isa.
HInalikan niya ako sa noo at niyakap ng mahigpit. He kissed my temple and hugged me tight once again.
"I LOVE YOU,Cath."
YOU ARE READING
I love you,Cath (completed)
RomanceIt takes time to heal and move on, so it's important to be patient and embrace every moment. This phase of life can teach you valuable lessons that you won't find in books, so try to learn from it and avoid regret. Remember that everything happens f...