Nakapanood ako sa tita ko at sa lola ko na abala sa paglabas ng mga pagkain mula sa loob ng bahay papunta dito sa front yard kung saan ay may nakahanda na mahaba at mababa na table at mga bilog na cushion na siyang magsisilbi na upuan.
"Meg, picture tayo!" sabi ng pinsan ko na si Coleen na may hawak na digi cam.
Ngumiti ako nang akbayan niya ako at sabay na tumingin sa camera na biglang nag flash. Biglang nag-iba ang paningin ko dahil sa ilaw.
"Mas maganda kung magkantahan muna kayo habang naghihintay sa pagkain." sambit ni Tita Mayeen na kapatid ni mama.
Naghanda si mama ngayong araw para magkasama-sama ang buong pamilya namin sa Nagcarlan dahil bukas ay lilipat na kami sa Cavite, sa bahay ng stepfather ko, para doon mag College.
"Ibigay na ninyo kay Meg ang mic. Siya ang pakantahin natin buong hapon para masulit niya bago siya umalis." natatawa na sabi ni Kuya Ron na pinsan ko rin.
"Bakit ako?" depensa ko naman. "Si Champagne na lang."
"Mamaya na kami, Meg. Pati araw-araw pa rin naman kami magkakasama-sama dito, sigurado na nagsasawa na sila sa boses ko." dinilaan ako ni Champagne.
Inikot ko na lang ang mata ko habang natatawa at kinuha ang mic. Si Kuya Ron na rin ang pumili ng kanta para sa akin.
Kumunot ang noo ko nang nakita ko ang title na Walang Kapalit by Rey Valera. "Bakit iyan? Hindi ko masyadong kabisado ang kanta na iyan."
"Ayan ang gusto ko, eh." ngumisi si Kuya Ron sa akin. "Sige na, kantahin mo na."
"Broken hearted ka ba, kuya?" nag tawanan ang mga pinsan ko maging ang mga tito at tita ko na nanonood sa amin.
"'Wag magtaka kung ako ay 'di na naghihintay
Sa anumang kapalit ng inalay kong pag-ibig
Kulang man ang 'yong pagtingin
Ang lahat sa 'yo'y ibibigay kahit 'di mo man pinapansin."
"Ayun, oh! Ang lamig ng boses!" pumapalakpak na sigaw ni Ricky, kapatid ni Kuya Ron.
Nahiya naman ako kaya nawala ako sa tono. Simula bata kami, kapag may ganitong salu-salo ay ako ang isa sa palaging pinapakanta. Pero kahit sa harap lang ng pamilya ko ay sobrang nahihiya ako.
"Huwag mangamba, hindi kita paghahanapan pa
Ng anumang kapalit ng inalay kong pag-ibig
Sadyang ganito ang nagmamahal
'Di ka dapat mabahala, hinanakit sa 'kiy walang-wala."
"At kung hindi man dumating sa 'kin ang panahon
Na ako ay mahalin mo rin
Asahan mong 'di ako magdaramdam kahit ako ay nasasaktan
Huwag mo lang ipagkait na ikaw ay aking mahalin."
"Aw!" nakita ko na magka-angkla ang braso nila Coleen at Champagne habang dinadamdam ang aking pagkanta. "Dave, para sa iyo yata ang kanta ni Meg." naghagikhikan sila kaya napatingin ako sa lalaki na pumasok sa gate.
Hindi ko na tinapos ang pagkanta ko at ipinasa na sa mga pinsan ko ang mic kaya mas lalo nila akong kinantyawan.
"Tita, dumating lang si Dave hindi na tinapos ang kanta na pinapakanta ko." sumbong ni Kuya Ron kay Tita Mayeen.
"Siyempre, mas pipiliin ni Meg si Dave kaysa sa iyo." panunukso ni Coleen.
"Diyan na nga lang muna kayo, aasikasuhin ko lang ang bisita ko." sabi ko sa kanila at hinila na ang kamay ni Dave papasok sa loob ng bahay.
BINABASA MO ANG
Chase
RomanceHave you ever fallen in love with someone you wouldn't know will have a tremendous impact on your life? He is just a stranger but suddenly made your whole life different. Like, you did not read that specific book because you found the cover page bor...