Patuloy ang kwentuhan namin sa table habang naghihintay na mag start ulit ang program. Patuloy din naman ang pag-iwas ko kay Reyver dahil sa kahihiyan nang mahuli niya ang pagtitig ko kanina.
"Sana hindi na sila bumalik dito." pagtukoy ni Sandra sa mga kasama namin sa table na hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik.
"Hindi na iyon. Edi kung bumalik sila sabihan na lang natin na humanap na sila ng ibang table, tutal ay sila naman itong pawala-wala."
"Sira ka talaga, DJ."
"Uhh..." napatingin sa akin si Sandra nang iurong ko ang upuan ko. "Kukuha lang ako ng dessert, parang naumay ako sa kinain ko kanina."
"Gusto mo samahan kita?"
"Hindi na, Sandra. Mabilis lang din naman ako, unless gusto mo rin?"
Mabilis siyang umiling. "Busog pa ako. Bilisan mo na lang na bumalik dito."
Tumango ako at mabilis na tumayo sa upuan ko. Gusto ko lang makaalis mula sa presensya ni Reyver dahil hindi ako komportable, pero hanggang sa paglakad ko ay parang nararamdaman ko pa rin ang mga titig niya na tumutusok sa likod ko.
Mabuti na lang ay may kalayuan ang buffet table mula sa pwesto namin, hindi nila ako makikita. Ewan ko ba, simula noong nahuli ni Reyver na nakatitig ako sa kanya ay bigla akong nailang.
"Hi, ma'am!" binati ako ng waiter na nakabantay sa cold cuts section.
"Good evening po!" bumati ako pabalik habang kumukuha ng platito at nilagyan ng iba't ibang klase ng cheese. "Salamat po."
Habang sinusuyod ko ang kahabaan ng dessert section ay ninanamnam ko ang cheese na dala ko. Napadaan ako sa kung saan ay may mga naka-display na charcuterie board ng fruits, biscuits, at chocolates. Naisipan ko na isahod sa chocolate fountain ang isang cube ng cheese na kinuha ko kanina at tinikman kung ano ang lasa.
"Ang sarap!" sabi ko sa waiter na pinapanood ang ginagawa ko. "Try mo po, kuya. Ang weird lang ng lasa pero masarap naman."
Iniisip siguro ng waiter na weird ako dahil sa ginawa ko, natawa lang siya nang alukin ko siya. Ngayon ko lang nalaman na masarap din pala na combination ang cheese at chocolate, gagawin ko ito sa bahay at ipapatikim ko rin sa kapatid ko.
Pagkatapos kong magpapak at magpatanggal ng umay ay lumabas muna ako sa venue at pumunta sa CR para mag freshen-up at mag gargle dahil hindi maganda ang panlasa at amoy ng cheese kapag naiwan sa bibig.
Bago ako bumalik sa loob ay napansin ko na may open area pala sa gilid. Hindi ko alam kung pwede pumasok dito pero hindi naman ako sinuway ng mga tao na nakatambay din dito.
Dito siguro ang after party dahil may mga cocktail tables, beer sa gilid, mayroon din DJ, at mobile bar. Tahimik pa dito dahil ongoing pa ang party sa loob, pero kung matuklasan din ito ng ibang estudyante ay sigurado ako na mapupuno kaagad ito.
"Pwede po ba?" tanong ko sa mga lalaki na nag-aayos ng cover ng cocktail tables kung pwede ako dumiretso sa pagpasok.
"Opo, pwede po."
Kaagad akong sinalubong ng malakas at malamig na hangin sa mukha. Biglang nagtayuan ang mga balahibo ko sa braso at parang nanginig ang kalamnan ko.
Humawak ako sa steel grills at tinanaw ang kabuuan ng Alabang. Namangha ako sa mga kumikinang na ilaw na nagmumula sa matatayog na building.
"Anong ginagawa mo dito?"
Nagulat ako sa nagsalita kaya mabilis akong lumingon. Sa boses pa lang ay kilala ko na kung sino iyon, dahan-dahan siyang naglalakad palapit sa akin habang ang kanyang mga kamay ay nakapaloob sa bulsa ng kanyang pants.
BINABASA MO ANG
Chase
RomanceHave you ever fallen in love with someone you wouldn't know will have a tremendous impact on your life? He is just a stranger but suddenly made your whole life different. Like, you did not read that specific book because you found the cover page bor...