Chapter 4

0 0 0
                                    

Pagdating namin nila Fiona at Tito Anton sa bahay galing sa school ay kaagad akong umakyat papunta sa kwarto nila mama para puntahan siya.

"Ate, turuan mo ako sa assignment ko, please!" sigaw ni Fiona mula sa sala.

"Sige, may sasabihin lang ako kay mama."

Nang nasa tapat na ako ng kwarto nila mama ay kumatok ako ng tatlong beses at sumigaw naman siya mula sa loob. Marahan kong binuksan ang pinto at sumilip muna para tingnan kung ano ang kanyang ginagawa, may mga hawak siya na dokumento at siguro ay para iyon sa clients niya.

"Hi, ate! How's your day?" tinanggal niya ang kanyang eyeglass at inilahad ang kanyang kamay para yakapin ako.

"Okay naman po, ma. Nag start na po kami ng lesson sa ibang subject at may binubuo naman po kami na sayaw para sa PE class namin."

"Oh, that's good." umupo siya sa kama. "Bakit mo pala ako hinahanap?"

"Hmm..." ngumuso ako dahil hindi ko alam kung paano ako magpapaalam sa kanya. "Kanina po kasi ay nakita ni Sandra ang classmate niya noong highschool. Nabanggit po ng friend niya na may part-time job daw po siya sa KFC."

"And then?" nag half smile si mama na parang alam na niya kaagad ang gusto kong ipahiwatig.

"Nasabi rin po ng friend ni Sandra na nakakadagdag sa allowance niya ang sweldo niya galing sa part-time job. Naisip ko po na what if mag apply din ako para at least nakakatulong po ako sa inyo sa mga gastusin ko."

"Why? Ano pa ba ang mga kailangan mong bilhin? I can provide naman, anak."

"Alam ko naman po iyon, ma. Pero ayaw ko na po sana makadagdag pa sa gastusin ninyo kung anong materyales man ang gusto kong pagkagastusan para sa sarili ko. Gusto ko po na mapaghirapan ko mismo ang isang bagay bago ko po makuha."

Tumingin sa akin si mama at hinila ako para makaupo sa hita niya. "My first baby has grown up already. Naiiyak ako." niyakap niya ako ng mahigpit.

Habang nasa kandungan ako ni mama ay bumukas naman ang pinto ng kwarto, at sa pagpasok ni Tito Anton ay parang biglang nagsumbong si mama.

"Dad, matured na ang panganay natin." sabi ni mama kay Tito Anton na parang naiiyak ang boses.

"Why?"

"Gusto raw niya mag part-time job para makaipon na siya ng sariling pera niya at mabili ang mga gusto niya."

"Like?" tanong ni Tito Anton habang nagtatanggal ng necktie. "You know naman that your mom and I can provide whatever you want."

"That's what I exactly told her pero gusto raw niya na siya mismo ang magpapakahirap bago niya makuha ang gusto niya." sagot naman ni mama.

Lumapit sa amin si Tito Anton at bahagyang ginulo ang buhok ko. Mas lalong humigpit ang yakap sa akin ni mama at pinatong niya ang baba niya sa balikat ko.

"Where's Fiona? She should learn this from her ate." biro ni Tito Anton. "Let's give her a month so she can experience it."

"Pero promise mo sa amin na hindi mo dapat mapabayaan ang studies mo?" ang kondisyon ni mama.

Tumango ako. "Opo. Maaga pa naman po ang dismissal time namin sa ngayon, sayang po ang oras na kaysa wala ako masyadong ginagawa sa bahay ay magtrabaho na lang ako para at least ay may maiipon ako."

"Saan mo isisingit ang pag-aaral mo?"

"Madami po kami vacant hours, gagamitin ko po iyon para mag review."

"Okay, deal with one month. Kapag hindi mo kinaya ay hihinto ka na." tumango ako. "At ang maiipon mo ay para sa sarili mong gastos, para sa mga bagay na gusto mong bilhin para sa sarili mo. Hindi ka maglalabas ng sarili mong pera kapag may kailangan sa school, obligasyon namin iyon."

ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon