Chapter 7

0 0 0
                                    

Ngayon ang araw ng acquaintance party namin, walang pasok ngayon kaya tinanghali ako ng gising. Pagmulat ng mata ko ay maliwanag na sa labas at naririnig ko na ang munting ingay mula sa kapitbahay. Dala na rin siguro ng pagod at kulang sa tulog kagabi kaya diretso ang tulog ko.

Pagbaba ko mula sa kwarto ay naabutan ko si mama na nanonood ng TV. Ganito pala ang usual niyang ginagawa kapag pumapasok kami, nanonood ng TV pero madalas ay may kausap na clients.

"Good morning, ate!" tumabi ako sa kanya sa sofa at sumandal sa kanyang balikat habang humihikab. "Pinuntahan kita sa kwarto mo kanina pero ang sarap pa ng tulog mo kaya hindi muna kita ginising."

"Hindi ko na nga po namalayan ang oras. May alarm po ako pero hindi ko rin naman po narinig, sadyang napahimbing ang tulog ko."

"Mabuti nga at nakabawi ka ng tulog dahil sigurado mamayang gabi ay kailangan mo ng energy."

"Parang nakakatamad nga po, eh."

Biglang tumingin sa akin si mama kaya napabitaw ako sa pagsandal sa kanya. "Anong nakakatamad? Isang linggo kayong hindi makahintay at nag prepare para sa party tapos ngayon ay tinatamad ka na? Sabagay, parang nakakawala na nga ng hype kapag sobrang naghihintay."

Hindi tulad ko ay mas excited pa sa akin si mama. Simula noong sinabi ko sa kanya na magkakaroon kami ng acquaintance party ay inasikaso na kaagad niya kung ano ang aking susuotin.

Habang nasa mood siya ay pinapakiramdaman ko kung kailan ko pwede isingit na magtanong tungkol sa papa ko. Alam ko na any moment, kapag nag open na naman ako ng topic ay mawawala siya sa mood. Pero hindi ako mapakali, parang hindi ko na kaya maghintay ng oras dahil sa kuryosidad ko.

"Ipapadala ko pala sa iyo ang digi cam para makakuha ka ng madaming pictures. Sandali, kukunin ko sa kwarto para hindi na makalimutan." akma siyang tatayo na sa sofa nang hawakan ko ang kamay niya.

"Ma..." huminto siya at napatingin sa kamay ko na nakahawak sa kanya.

"Hmm? Ano iyon? May kailangan ka pa ba?"

Umiling ako na parang tuta na nagmamakaawa ang mga mata. "May bumabagabag lang po sa akin."

"Ano?" umupo ulit siya at concern na tumingin sa akin. "May problema ba? Bumagsak ka sa subject? Napapagod ka na ba sa trabaho mo?"

"Hindi po." tumungo ako at muling pinaglaruan ang mga daliri ko. "Gusto ko lang po sana malaman ang tungkol sa totoo kong papa."

"Meg–"

"Please po, kahit pangalan lang po niya."

"Hindi ba ay ilang beses ko na sinabi sa iyo na huwag na huwag kang magbabanggit ng tungkol diyan? Ano ba ang hindi mo maintindihan?"

"Curious lang po talaga ako."

"Bakit? Kailan pa? Dati naman ay hindi mo iyan iniisip. Ano ang dahilan kung bakit ngayon ay ganyan ka na?"

"Na-curious lang po ako. Sorry po."

Pinutol ko na ang usapan, ayaw ko na lang pahabain dahil baka mas lalo siyang magalit sa akin. Kahit anong saya ng mood niya, kapag talaga nagtanong na ako tungkol sa papa ko ay biglang nagbabago ang mood niya.

Umakyat na siya sa kwarto nila ni Tito Anton at simula noon ay hindi na siya bumaba ulit. Kumain ako mag-isa ng breakfast, pagkatapos ko maghugas ng pinggan ay minabuti ko na magkulong na lang din muna sa aking kwarto.

Wala akong ibang mapagsabihan tungkol sa problema ko, kung kikimkimin ko pa ito ng mas matagal ay baka hindi ko na kayanin. Minabuti ko na tawagan na lang ang mga pinsan ko na sila Coleen at Champagne para ikwento sa kanila ang nalaman ko kahapon tungkol sa papa ko. Hindi ko naman masabi kay Sandra dahil hindi pa niya gaanong alam ang kwento tungkol sa buhay ko.

ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon