Chapter 9

0 0 0
                                    

Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatitig sa message sa akin ni Reyver. Ang pagod at antok ko ay biglang nawala at pakiramdam ko ay biglang nabuhay ang diwa ko.


From: Reyver Samuel Mendoza

I forgot to tell you how beautiful you are tonight. Good night!


Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Parang kinikiliti ang kalamnan ko at hindi ko magawa na mag type ng kahit isang letra lamang.


Me:

Thank you, Reyver! :)


Mabilis kong itinago sa ilalim ng unan ang aking cellphone at dumapa sa kama. Hindi ako sigurado sa nararamdaman at nakikita sa akin ni Reyver pero kinikilig ako sa pag compliment niya sa akin.


Iyon ang una at huling mensahe sa akin ni Reyver, hindi na siya nagreply pagkatapos kong magpasalamat sa kanya. Hindi kaya naghintay din siya na i-compliment ko rin siya?

Mabilis nagdaan ang mga araw. Pagkatapos namin magsaya noong Biyernes ay balik na naman kami sa reyalidad na buhay ng pagiging estudyante.

"Hindi ko alam kung paano ko sisimulan at tatapusin ang mga projects, nagsabay-sabay na naman sila. Plus, may quiz pa bukas. Agad-agad!" ginulo ni Sandra ang kanyang buhok habang naglalakad kami papunta sa tambayan. "Tapos prelims pa natin next week! Hindi ko na talaga alam kung paano ko pa isisingit ang pag review."

"Oh? Bakit nakabusangot iyan?" tanong ni DJ sa kanina pa nagmamaktol na si Sandra.

"Paano kasi parang hindi nag-uusap ang mga professor, sabay-sabay na naman sila sa pag stress sa mga estudyante."

Sa halip na damayan ni DJ ang kaibigan ay mas tinawanan pa niya ito. "Akala ko naman kung anong bigat ng problema ang dinadala mo. Huwag kang bumusangot, pangit ka na nga tapos lalo ka pa nagpapapangit."

"Sira!" ibinato ni Sandra kay DJ ang bote ng tubig na walang laman. "Wala ka talagang kwenta!"

"Bro, bitin pa yata si Sandra noong Friday. Ang init ng ulo!"

"Madaling-araw ko na nga siya hinatid, eh." tumatawa na sagot ni Iyvens.

"Ewan ko sa inyong dalawa!" inis na sinabunutan ni Sandra ang boyfriend niya at si Iyvens.

Napapailing na lang ako sa kanila, hindi ko alam kung maaawa ba ako kay Sandra or mahahawa sa mga kalokohan nila DJ.

"Oo nga pala..." biglang nagging seryoso ang boses ni DJ kaya napatingin ako sa kanya. "Miss beautiful, saan ka pumunta noong Friday? Ang sabi mo ay kukuha ka lang ng dessert pero hindi ka na bumalik."

"Oo nga, saan ka pumunta? Actually, mas nauna kayong nawala ni Reyver?" bigla akong kinabahan ngayong lahat sila ay nakatitig sa akin at naghihintay sa isasagot ko.

"Uh..." hindi ko alam kung dapat ko ba sabihin sa kanila na magkasama kami ni Reyver dahil baka bigyan nila iyon ng ibang kahulugan.

"DJ, samahan mo akong kumuha ng order natin." nawala ang atensyon nila sa akin nang biglang ayain ni Reyver si DJ.

"Hay, naku! Siguradong kasama ni Reyver si Patrice kaya bigla siyang nawala." bulong ni Sandra. "Saan ka nga galing? Hindi ka man lang nag message sa akin."

"Tumambay ako doon sa open area katabi ng venue natin, pagbalik ko sa loob ay wala na kayo." tumikhim ako. "Kayo ang unang nawala."

"Ito kasi..." tinuro ni Sandra si Iyvens at naghagikhikan.

ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon