Chapter 1

10 0 0
                                    

Naalimpungatan ako nang narinig ko ang pagtaas ng handbrake ng sasakyan. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at tiningnan ang paligid kung nasaan na kami.

Tumambad sa akin ang kulay pula na ilaw na nanggagaling sa stoplight at sa mga sasakyan na nakapaligid sa amin.

"Nasaan na po tayo?" tanong ko kay mama gamit ang inaantok pa na boses.

"Almost there!" lumingon siya sa akin at excited na ngumiti. "Fiona, wake up!"

Tiningnan ko ang kapatid ko sa aking tabi na ikinukunot ang noo habang nakapikit. Masarap ang kanyang tulog at sigurado ako na napagod siya dahil sa naging biyahe namin.

Pagkatapos ng higit dalawang minuto na paghihintay namin bago mag go ang stoplight ay kumaliwa kami at pumasok sa isang subdivision. Dito na siguro nakatira sila mama at si Tito Anton.

Umayos ako sa pagkakaupo at pinagmasdan ang aming dinadaanan. Ang unang makikita sa kaliwa ay ang billboard na may nakasulat na Cerritos at paglampas naman ay ang signage ng sales office.

Madilim ang daan pero madami ang sasakyan na pumapasok, may gawing kaliwa kung saan kami pumasok at may mga dumiretso rin papunta sa kanan.

"Good evening po!" pagbati ng guard sa amin nang ibinaba ni Tito Anton ang kanyang window.

Namangha ako nang bumungad sa amin ang malalaki at matatayog na bahay. Bihira lang ako makakita ng ganitong klase ng bahay dahil karamihan sa Nagcarlan ay gawa pa sa matibay na kahoy, ilan lang ang may sementong bahay at sila iyong medyo nakakaangat sa buhay.

"Fiona, we're here! Gising na!" tinapik ni mama ang binti ng kapatid ko na siyang nag-inat habang nag-uungot.

Tumigil kami sa isang malaking bahay na gawa sa mga bricks ang exterior at nakumpirma ko na ito na ang bahay nila mama dahil biglang bumukas ang gate kahit walang tao sa loob.

"Bumaba na kayo at pumasok. Ako na ang bahala sa mga gamit, mag park lang ako sa loob." sabi ni Tito Anton kay mama bago kami bumaba ng sasakyan.

Talagang maikukumpara ko ang buhay namin sa Nagcarlan dahil madami ang bago sa paningin ko. Hindi ako magtataka kung talagang ipinagmamayabang sa akin ng mga kaklase ko sa tuwing pumupunta sila sa Manila or sa kahit saang siyudad na may matatayog na bahay, mall, at building.

"Nasa taas ang kwarto mo, anak. Pag-akyat mo ng hagdan ay sa kanan." sabi ni mama habang ako ay iniikot pa rin ang mga mata sa loob ng bahay. "Pupuntahan kita mamaya, tutulungan ko lang si tito mo na mag-ayos ng mga dala natin."

"Sige po."

Bago ako umakyat ay tiningnan ko muna ang mga pictures na naka-display malapit sa TV. Karamihan ay puro pictures ng kapatid ko na si Fiona, pero pagtingin ko sa kanan ay nagulat ako dahil naka-display din ang mga litrato ko simula noong baby pa ako.

"Palagi ko rin iyan tinitingnan." napatingin ako kay Fiona na gumaya rin sa akin sa pagkakatukod ng mga kamay sa tuhod habang tinitingnan ang mga pictures.

"Puro pictures natin." sabi ko at nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang pagtango niya.

"Palagi kasi kita hinahanap dati noong nalaman ko na may ate ako kaya inilagay din diyan ni mama ang mga pictures mo." umayos ako ng tayo at ganoon din ang ginawa niya. "Masaya ako dahil sa wakas ay makakasama na rin kita, ate." ngumiti siya bago ako niyakap.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayong niyayakap niya ako. Bukod sa hindi ako sanay sa bahay na tinatapakan ko ngayon ay hindi rin ako sanay na may mas nakababata akong kapatid dahil sa buong magpipinsan namin sa Nagcarlan ay ako ang bunso.

ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon