Chapter 3

1 0 0
                                    

Sinamahan ako nila Sandra, Iyvens, at DJ na maghintay sa pagdating nila mama para sunduin ako. Naglakad lang kami simula sa bahay nila Sandra hanggang sa main gate ng subdivision nila dahil hindi ako naisabay ni Reyver noong pauwi rin siya.

"Nakakainis talaga ang isang iyon." hindi pa rin mawala ang inis ni Sandra kay Reyver. "At nakakainis din naman ang Patrice na iyon dahil palagi na lang siya panira sa mga ganap namin."

"Huwag ka na mainis, malay naman natin ay emergency talaga ang ipinunta ni Reyver doon kaya siya nagmamadali." pagpapaliwanag naman ni Sandra.

"Hindi ko alam kung ako lang ba or nature talaga ng mga babae na mainis kapag napapaasa. Isipin ninyo, umasa na si Meg na makakasabay siya palabas, ilang segundo na nga lang ang pagitan noong biglang tumawag si Patrice na sana ay pasakay na si Meg sa motor niya." umirap siya sa kawalan na parang nakasanayan na niyang gawin. "Paano kung nakasakay na nga si Meg, bigla na lang niya papababain?"

"Kung ako si Reyver ay malamang ganoon na nga ang gagawin ko, lalo na at hindi pa naman kami masyadong magkakilala ni Meg." napangiwi ako sa sinabi ni DJ na abala sa paglalaro sa kanyang cellphone.

"See?" humarap si Sandra kay Iyvens na para bang sinasabi niya na huwag na niya ipagtanggol ang kaibigan niya.

"Wala naman kaso sa akin ang nangyari kanina." malumanay kong pagsasalita. "Kalimutan na lang natin ang nangyari kanina. Pati hindi rin naman siguro iyon ginusto ni Reyver, nagkataon lang kasi dahil may emergency na kailangan ng help niya."

"Naku, sinasabi ko sa iyo, Meg. Huwag ka masyadong mabait sa mga tao dahil baka abusuhin ka."

"Miss beautiful, kung sino man ang nagababalak na mang abuso sa iyo ay sabihin mo lang sa akin at ako na ang bahala."

"Isa ka pa! Sigurado ako na mas uunahin mo rin ang paglalaro mo if ever. Hay! Hindi ko alam kung paano ko naging kaibigan ang mga ito, ang hirap intindihin."

"Grabe ka na, ha?" ibinaba ni DJ ang cellphone niya. "Ang tagal na natin mag kaibigan tapos parang ngayon ka pa nagsisisi."

"Talagang nagsisisi na ako sa inyo. Hindi ko alam kung anong mga klase ng ugali ang minana ninyo. Hay!"

Bago pa sila magsimula sa pagbabangayan ay bigla ng dumating ang sasakyan ni Tito Anton sakay si mama at ang kapatid ko na si Fiona.

Pinakilala ko ang mga bago kong kaibigan kila mama at natuwa naman sila dahil hindi sila nahirapan na pakisamahan ako.

"Tita, ang bait po ng anak ninyo at ang galing pa kumanta. Noong unang beses ko po na narinig ang boses niya ay bigla akong tinamaan." bibong pagmamayabang ni DJ kila mama.

Napasapo ng kamay si Sandra sa kanyang noo na para bang hiyang-hiya sa ginagawa ng kaibigan niya, kabaligtaran ng reaksyon nila mama na tuwang-tuwa sa mga ikinikilos nila.

"Salamat at nakatagpo si Meg ng mga bagong kaibigan katulad ninyo." tumingin si mama kay Sandra. "Maraming salamat din sa pabaon mo na pasta sa amin, hija."

"Walang anuman po, tita." nag bless si Sandra kila mama at Tito Anton na sinundan nila DJ at Iyvens. "Sayang lang po at hindi na ninyo naabutan ang isa pa namin na kaibigan, si Reyver. Nauna na po kasi siya umalis kanina dahil may kailangan pa puntahan."

"Ganoon ba? Hindi bale at madami pa naman pagkakataon na magkita ulit tayo." ngumiti si mama sa kanila. "Sige, mauna na kami. Ingat kayo pauwi."

"Thank you Sandra, Iyvens, and DJ! See you tomorrow sa school." kumaway ako sa kanila bago pumasok sa loob ng sasakyan.

Bumusina sa kanila si Tito Anton senyales ng pag-alis namin. Habang nasa biyahe ay nagsimula na ako magkwento sa kanila tungkol sa mga nangyari kanina kila Sandra at kung gaano naging panatag ang loob ko sa kanila.

ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon