Way 1

35 14 18
                                    

Chapter 1

Kisses's pov.

"Kisses!"

Napatakbo ako dahil sa sigaw na nanggagaling sa kusina, agad kong pinuntahan iyon.

"Bakit po?" agad kong tanong. Hingal na hingal ako dahil galing pa ako sa labas ng bahay dahil nagdidilig ako ng mga halaman.

Ipinakita niya sa akin ang hawak niyang kaldero. "Ano ito?"

"Kaldero po," mahinhin kong sagot.

"Tangina mo talaga! Sumagot ka ng maayos!" Masama siyang nakatingin sa akin na parang handa na akong sugurin ano mang oras. "Bakit hindi ka nagsaing?! Alam mo bang gutom na gutom na ako?!"

"M-may ginagawa po kasi ako sa labas," napalunok ako. "Inutusan ko naman po si Ate na siya po muna ang magsaing..."

Ibinato nito ang kaldero na agad namang tumama sa paa ko. "Ang kapal ng mukha mong utusan ang anak ko, hindi ba't trabaho mo iyon dito?!"

Sumisigaw na naman siya, nakabibingi.

"M-ma, inuna ko po kasi 'yong halaman sa labas."

"Inuna mo 'yong halaman? Talaga?" Nakangiti siya na lalong nagpatakot sa akin. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang braso ko, mahigpit, masakit. "Sa tingin mo ba ay makakain ko iyong halaman?! Talagang inuna mo pa 'yon kaysa sa kakainin namin!"

"P-pero, ang sabi niyo po kasi ay dili---" naputol ang sasabihin ko nang kaladkarin niya ako. Mahigpit pa rin niya akong hawak sa braso.

"Huwag kang sumagot!"

Kinaladkad niya ako hanggang sa labas ng bahay. Wala akong suot na tsinelas kaya sumadsad iyon sa mga maliliit na bato dahil sa pagkaladkad niya sa akin, paniguradong sugat sugat na naman ang paa ko. Idagdag mo pa ang pagtama ng kaldero kanina.

"Inuna mo 'yang mga halaman na 'yan, hindi ba?" Patulak akong binitawan ni Mama, hindi agad nakakilos ang katawan ko kaya agad akong bumagsak sa isang halaman na ikinabasag ng pasong kinalalagyan niyon. "Pwes, kainin mo."

"M-mama."

"Kainin mo sabi!" Lumapit siya at pasabunot na hinawakan ang buhok ko. Pilit niyang isinusubsob ang mukha ko sa halaman, pilit ko namang tinatanggal ang kamay niyang nasa buhok ko.

Masusugatan ako kung maisusubsob niya ako sa halamang iyon dahil puno iyon ng tinik. "Mama, tama na po!"

"Hindi ako titigil, Kisses."

Alam ko, hinding hindi siya titigil hangga't hindi ako nasasaktan. Hindi sila titigil hangga't hindi ako nagmamakaawa. Sa bahay na ito, impyerno ang buhay ko. Sa pamilyang ito, nag-iisa lang ako. Wala akong karapatang magreklamo, kahit na magsalita ako ay hindi sila makikinig. Sumunod sa lahat ng gusto at utos nila, siguro ayon ang purpose ko sa mundo.

Sa ganitong pwesto, ramdam ko na nasa pinakababa ako ng lahat. Lunod na lunod na ang pagkatao ko, hindi ko na kayang umahon.

"Ma! Ano ba 'yan?!"

Dahil sa sigaw na 'yon ay lumuwag ang pagkakahawak ni Mama sa buhok ko, nilingon ko ang pinanggalingan ng sigaw.  Nakahinga ako ng maluwag, hindi dahil maluwag na ang hawak ni Mama sa akin kundi dahil may kakampi na ulit ako.

Way back homeWhere stories live. Discover now