Way 2

26 15 9
                                    


Chapter 2

Kisses's pov.

Gumising ako nang may namamagang mata, hindi rin ako pinatulog ng maayos dahil sa mga salitang binitawan nila na sumisilip sa pagtulog ko.

"Ready ka na?" Biglang sumulpot si Kuya Kian mula sa kinatatayuan ko, nasa harap ako ng salamin. "You looked beautiful, Kisses."

"Kuya, hindi ko alam kung kaya ko ba 'to," nakatingin ako sa kaniya mula sa repleksiyon ng salamin.

"You can refuse, kakausapin ko si Mama kung hindi mo talaga kaya." He brushed my long hair from my back.

"Kuya, you don't need too. Kakayanin ko 'to, matapang kaya ako," pangungumbinsi ko sa sarili. "Kahit minsan lang, Kuya. Let me stand using my own feet, I can step without your assistance."

"But---"

"Kuya, kaya ko po. Kakayanin ko, hindi tayo pinalaki ni Papa na umaatras dahil sa takot. At saka, kailangan ko na rin pong matuto sa sarili kong paraan, just let me explore this world."

"You're so adorable, sana totoo na lang kitang kapatid. Basta ha, kapag malapit ka nang madapa, nandito lang ako para alalayan kang tumayo."

"Ang sweet naman ng Kuya ko, parang ready na magkaroon ng asawa."

Mahina niyang hinila ang buhok ko. "Siraulo! Wala ngang girlfriend, asawa pa kaya."

"Bakit kasi hindi ka pa manligaw, hindi ka marunong 'no?"

"Kahit naman marunong ako, wala pa rin akong liligawan," patuloy pa rin niyang sinusuklay ang buhok ko. "Tama na nga 'yang usapang girlfriend na 'yan. Ayusin mo na ang sarili mo at ihahatid na kita."

"Opo, tatawagan ko lang po si Nova pagkatapos nito."

Kaklase ko si Nova noong Highschool, magkaibigan kami since elementary. Kaso lumipat siya sa Antipolo pagkatapos mamatay ng Papa niya, ang usapan nga noon ay sumama raw sa ibang lalaki ang Mama niya. Pinakiusapan namin siya na huwag nang tumuloy roon, ang sabi pa nga ni Mama ay pwede siya rito sa amin kung gugustuhin niya. Malapit si Mama kay Nova, matalik na kaibigan kasi ni Papa ang Papa ni Nova.

Tuwing bakasyon ay dinadalaw ko si Nova roon, pinapayagan naman ako ni Mama kasi hindi naman na raw siya iba sa amin. Kay Nova siya may tiwala, hindi sa akin.

I dialed her number. Nag ring naman ito na agad niya ring sinagot.

[Hello! Teka nagbibihis ako, bakit ka ba napatawag? Ang aga pa!] Sigaw niya sa kabilang linya.

[Papasok ka sa trabaho?] Kataka taka na ang aga niya ngayon, ang alam ko ay 9am pa ang pasok niya sa trabaho. Alam ko iyon dahil palagi kaming magkausap sa telegram.

[Gaga! Ang aga pa para pumasok, may date ako ngayon!] Rinig ko ang mahihina niyang hagikhik na parang kinikilig.

[Ang aga aga, ang landi landi!]

[Bakit ka ba kasi napatawag?! Istorbo ka sa pag aayos ko!]

[Papunta ako ng Antipolo ngayon, gusto lang kitang iinform.]

[Anong gagawin mo rito? Hindi pa bakasyon para dalawin ako, don't tell me may ka date ka rin dito?!] Ang oa niya pa rin. Bakit ba lagi niya akong iginagaya sa kalandian niya? Kawawa ang magiging boyfriend niya, mapupunta sa isang makamandag!

[Baliw! Ipinasok kasi ako ni Mama sa isang Modeling Agency riyan, ang alam ko ay malapit lang sa village na tinitirhan mo. Kapag maaga akong natapos, pupuntahan kita sa bahay mo.]

Way back homeWhere stories live. Discover now