Chapter three
"DOON ka muna kay Nova, just stay there for awhile."
"Pero Kuya, paano sina Mama?" Kapag umalis ako ay walang mag-aasikaso sa kanila.
"Ano ba naman, Kisses!" He breathe deeply, "Pwede ba? Kahit ngayon lang sarili mo muna isipin mo. Ayan ang problema sa 'yo, pagdating sa mga taong 'yan ang hina-hina mo! Lumaban ka naman, ipakita mong hindi ka mahina!"
Ipikita mong hindi ka mahina... mahina nga ba talaga ako?
"Kuya, pamilya natin sila. Hindi ko sila kayang pabayaan, kaya ko pa naman pong magtiis eh."
Mahigpit niyang hinawakan ang balikat ko. "Look at me, Kisses. You should learn to fight for yourself, hindi habang-buhay na nandito ako para ipagtanggol ka."
Kita ko sa mukha ni Kuya ang pagiging seryoso. Kanina niya pa pinipigilan ang sarili niyang ilabas lahat ng galit, alam kong gustong-gusto na niyang magwala.
Pagdating pa lang namin dito sa bahay ay puro mura na agad ang lumabas sa kaniya, galit na galit siya nang malaman niya ang nangyari. Nagulat pa siya nang makita niya akong kasama ng isang pulis, si Theo na ang kumausap sa kaniya tungkol sa nangyari.
Naalala ko na naman kung paano sila magsigawan kanina, kahit ako ay hindi makapagsalita dahil sa tindi ng sitwasyon.
"'Ma!!!" Sigaw na sumira sa katahimikan na bumabalot sa buong bahay.
Kauuwi pa lamang namin ni Kuya Kian galing sa Antipolo, ginabi na kami dahil sa traffic. Wala pa kami sa pintuan, ngunit si Kuya Kian ay parang handa nang sumabog.
Nang makapasok sa loob ng bahay ay sinalubong kami ni Mama ng isang abot taingang ngiti, napayuko na lang ako dahil sa ngiti na iyon.
"Ano, anak? Kumusta?" Lumapit si Mama sa akin at akmang yayakap. Hindi niya ako niyayakap dati, hindi niya rin ako tinatawag na anak.
Agad na hinila ako ni Kuya papunta sa likuran niya. Napamilamos ng mukha si Kuya, "Mama naman! Tigilan mo na 'yang pagiging mapagpanggap mo!"
Maang-maangang tumingin si Mama kay Kuya. "Ano bang sinasabi mo? May ginawa ba akong mali?"
"Hanggang kailan niyo ba balak ipahamak si Kisses? Hanggang kailan 'ma?!"
She's laughing like it's all a joke. "Hanggang sa mawala siya."
"'Ma! Ano bang problema niyo?!"
"Huwag mo akong sigawan, nanay mo ako!"
Ganoon ba talaga kalaki ang galit niya sa akin para gawin 'yon?
"Here’s your fucking excuse again! Respetuhin kita? Ayon ang sasabihin mo, hindi ba?"
"Nagiging bastos ka na, hindi mo na ako nirerespeto, Kian!"
"Respect us, bago kita respetuhin," hinila ako ni Kuya paakyat ng hagdan. Nakasunod sa amin si Mama na kung ano-ano ang sinasabi.
"Hindi pa ako tapos, Kian! Huwag mo akong talikuran!"
Huminto si Kuya at hinarap si Mama, hanggang ngayon ay nasa likuran pa rin niya ako.
YOU ARE READING
Way back home
General FictionIn a world full of evil, there's always someone you can lean on. Be your handkerchief to wipe your tears, a light to give hope, a pillow to hug when you feel heavy, a safe place you can rest and a home you can run to when you want to escape the comp...