Way 4

34 10 18
                                    

Chapter four

[Hindi muna ako makauuwi ha!]

[Gaga ka! Ang paalam niyo, may date kayo, ta's hindi ka uuwi?]

Nagpaalam sila sa akin kanina pagkatapos ng dramahan nila. Hindi ko alam kung saan na nagpunta ang dalawang 'yon. At ngayon? Hindi uuwi?

[May party kasi kaming pinuntuhan! Kain ka na lang diyan!]

Party? Eh parang bar na yata ang pinuntahan nila!

[Gaga ka! 'Wag kang uuwing buntis!] Paalala ko.

[Sige, hindi na ako uuwi!]

Baliw talaga.

['Wag kang masyadong mag-iinom diyan ha! May saltik ka pa naman kapag nalalasi---] hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ay binabaan na niya ako ng tawag.

Bastos.

Naalala ko noong bumisita ako sa kaniya noong bakasyon, nagkaroon kasi siya ng problema kaya niyaya akong uminom. Hindi ako umiinom kaya sinamahan ko na lang siya, hindi ko inakala na magwawala siya pagkatapos niyang malasing!

Nakahihiya! Halos kaladkarin ko na siya pauwi!

Lumabas ako ng bahay para maglakad-lakad.

Sa 7/11 na lang din ako bibili ng pagkain, medyo tinatamad kasi akong magluto.

Habang naglalakad-lakad ay kumakanta-kanta pa ako. Madilim ang paligid, wala ring masyadong tao na nakakalat sa kalsada.

Malapit na ako sa 7/11 nang makita ko ang isang matandang babae na nasa tapat ng flower shop na halos kalapit lang ng 7/11, dinidiligan nito ang mga halamang nasa labas ng shop. 

Nang mapadaan ako sa flower shop ay agad ko itong binati. "Hello po, magandang gabi."

Napukaw ko ang atensyon nito kaya't pansamantalang tumigil sa pagdidilig. "Oh, magandang gabi rin sa'yo, Iha."

"Bakit po gabi na kayo nagdidilig?"

"Masyado kasing mainit ang panahon, baka malanta na nang tuluyan ang mga bulaklak," tinignan ko ang halaman na dinidiligan niya at oo nga, kung hindi ito didiligan ay malalanta na ito.

Maganda ang mga bulaklak na iyon, sayang naman kung mamamatay lang at hindi masisilayan ng ibang tao.

"Sige po, mauna na ako," paalam ko. "Dadalaw po ako rito kapag may time."

Nang makarating sa 7/11 ay agad akong pumasok. Kumuha lang ako ng isang spicy ramen at isang juice in can. Ito lang ang afford ko ngayon.

Gipit ako.

Binayaran ko na sa counter. Nanghingi na rin ako ng hot water, para makain na. Lumabas ako at pumwesto sa isang 'mesa.

Akma na akong susubo nang biglang may tumumba sa harap ko, hingal na hingal ito na halatang galing sa pagtakbo.

Nang tignan ko ang kinakain ko ay labis na panghihinayang ang naramdaman ko. Hindi pa man nangangalahati ang ramen ko, ngunit natapon na ito dahil sa pagsubsob nitong lalaking ngayon ay nakasubsob pa rin.

Tinignan ko kung sino ito, sakto naman ang pagtayo niya ng maayos at ganoon na lang ang gulat ko nang mamukhaan ito. Totoo ba itong nakikita ko?!

He's looking at my ramen na ngayon ay nakakalat na sa table. Then he looked at me using his judgemental look, "Eating this kind of food? Tsk, poor."

Parang nalunok ko ang dila ko. Natauhan na lang ako nang mawala na siya sa harap ko.

Isinawalang bahala ko na lang at niligpit ang natapong ramen.

Way back homeWhere stories live. Discover now