Aiah's POV
Sa bahay
"Tulog na si Mama eh. Pero sige pa, kain ka lang." Sabi ko kay Mikha na halatang kanina pang gutom. Actually, ininit ko lang yung sabaw para sa kanya.
"Pano ka?." Nag-aalalang sabi niya.
"Okay lang, busog pa naman ako." Sabi ko.
Pero,
"Eto, share tayo. Di ka naman siguro maselan." Offer niya ng bowl niya.
"I'm fine, really." Kahit ang totoo kanina pakong gutom.
Nang walang ano-ano'y may food delivery na dumating.
"Andami naman nyan." Sabi ko.
"Syempre, di dapat ginugutom ang Reyna. Oh ayan, kain ka na." Sabi ni Mikha.
"Reyna?"
"I-I heard your name's Maraiah Queen. Reyna, Queen to naman asa agad haha." Sabi niya, sus pinipilit talaga ilusot eh no.
Mga galawan mo talaga Mikha Lim
So, nag-order pala sya online nung iniinit ko yung sabaw niya.
10 PM
Hinatid ko na siya sa labas at paalis na sya nang sabihin niyang,
"Sya nga pala, nililigawan kita. Pero wag masyadong feeling, di kita gusto."
At umalis na.
Lokong yun tsk sinasabi ko na nga ba.
May araw ka rin sakin Mikha Lim !!!KINABUKASAN
Ayan na naman sya,
"You can leave now, I can drive." Taray ko rito.
"Nope, not going anywhere." Sabi niya.
"Obviously binabasted kita duh."
"Okay lang kahit bastedin mo ko ng paulit-ulit di parin ako aalis." Sabi niya.
"This is harassment. Ano bang trip mo? Nung una sinasabi mong member ka ng kulto, tapos ngayon gusto mo kong ligawan pero di mo naman ako gusto. Siraulo ka ba?." Sabi ko.
"Hindi pa. Saka na siguro pag nagustuhan na talaga kita which is never in a million years mangyayari." Sabi ni Mikha.
"Ewan ko sayo." Sabi ko at pumara nalang tricyle at wala na nga syang nagawa.
LUNCH BREAK - OFFICE
"Ms. Arceta, para raw ho sa inyo." Sabi ni Kuya Guard sabay abot sakin ng isang card na may nakasulat na,
For my dearest Maraiah Queen,
Para sa puso mong patay na patay sakin.
Sincerely, MJ Lim♡Putek, pinadalhan ba naman ako ng bulaklak sa lamay.
Yung coworkers ko natutuwa na natatawa na ewan, pero ako hindi talaga.
Diyan sya magaling eh, ang sirain ang araw ko.
5PM
Naabutan ko sya sa labas. Pumasok ako sa loob ng sasakyan sabay sabing,
"Nakakatawa ka dun? Tsk." Sarcastically, of course.
"O ba't andito ka? Kala ko ba ayaw mong sumabay sakin?." Sabi niya.
"Che!." Sabi ko sabay walk out nang bigla nalang bumuhos ang malakas na ulan, so eto I'm back inside her car.
She lend me her jacket tsk corny. Napanood ko na to eh.
At ayun, nagdrive na siya.
So, dinala nya ko this time sa isang italian resto na mid lang. Di masyadong mahal, di rin super cheap.
"Parang eto gusto ko, may 15% discount." Sabi ko.
"Tange, para sa married couples lang yan. Di naman tayo kasal." Sabi ni Mikha.
"O edi eto nalang 8% for engaged couple. Magpropose ka sakin dali." Sabi ko sabay turo sa suot nyang ring.
"O tapos pag nagviral ulit tayo tegi ako. Ayoko no. Saka ayusin mo nga yang disguise mo." Sabi nya sabay ayos ng bigote ko.
Bakit kasi ako pa yung pinasuot nya ng panlalaki tsk.
"Wala bang medyo mas private dito? Yung di na natin kailangang magsuot ng mga ganto." Sabi ko.
"Di naman kailangan private eh. We can go out in public as ourselves. And I know exactly a place. Ano? Game?. This weekend."
WEEKEND
"Baliw ka nga talaga. Seriously Mikha? Switzerland?." Sabi ko.
"Bakit? Ayaw mo?."
"May magagawa ba ko eh andito na tayo."
Napangiti nalang ako. Of course Mama told her na childhood dream kong makapunta rito.
Nang makabalik kami ng Pinas ay chineck ko na yung Trip to Switzerland sa bucket list ko.
Tatlo nalang pala yung wala pang check:
□ Romantic Dance
□ Find the one
□ Get MarriedKINABUKASAN
9 PM
Hinatid nya ko pauwi gaya nga ng madalas nya nang ginagawa these past few days.
"S-sana nag-enjoy ka tonight." Sabi niya.
"Sobra. Feel ko lang na parang mamamatay nako kanina sa rides. Pero yeah, nagustuhan ko naman." Sabi ko.
"Sabi ng Mommy ko nung bata ako, when I'm older wag raw ako sasakay ng extreme rides during dates." Sabi ni Mikha.
"Ha? Bakit naman?." Tanong ko.
"Baka maconvince ako na gusto ko yung tao kahit hindi naman." Sabi niya as she stared intently into my eyes.
"Di mo pa talaga ako gusto sa lagay na yan ah." I smirked the moment I caught her staring at my lips.
"Oo nga eh. Pano nalang kaya pag minahal pa kita." Sabi nya.
"Ha?." Sabi ko kahit narinig ko naman.
"Ha?"
"Parang may sinasabi ka eh."
"Ah wala. Sabi ko--ano uhm-w-wala nga hehe. S-sige. N-next time ulit." Sabi nito tila kabado at nagmamadaling umalis.
Sus, tiklop din naman pala.
"Asa ka pa Mikha Lim, wala nang next time no."
Talaga ba Aiah?
Well, pag-iisipan ko.
..
Mikha's POV
What in the Truman is thaaaaat?!!!
I checked my phone at sobrang dami ko na palang namiss na texts at tawag from the 6 girls, Tita Mildred and Adrian.
The wedding will be in 3 days at iniatas ko lang lahat sa 6 girls yung planning and all habang eto ako nakikipagkita parin kay Aiah.
I know it's unfair, I know I'm selfish. But sometimes you have to be both in order to give the freedom that your people deserved. I will get them out of that island. I will get them out of hell.
Kaso si Aiah, papayag kaya sya?
Will she say "yes" if I ask her to be my 7th wife? Will she help me fulfill my mission to save people from this so called sanctuary? Or is she another enemy?
YOU ARE READING
How We Never Met (MIKHAIAH)
RomanceAiah, a spirited young woman, dodges her best friend Jeremy's love confession at her brother's wedding by befriending the captivating wedding singer, Mikha Lim. What begins as an escape turns into an unexpected romance as Aiah falls for Mikha's char...