CHAPTER 1: YES OR NO?

72 42 15
                                    

CHAPTER 1

YES OR NO?

<||•••••×•••••||>

Nathaniel's POV

"Hoy! Okay kalang, Pre?" pagpapakalma sakin ni Troy.

"I'm not, ewan ko ba, takot ako, takot ako na baka sabihin nyang di nya naman talaga ako mahal, baka nga tama yung mga sabi nila Francine, panakip butas lang ako ni Lester," tugon ko at di mapakali.

I felt my hands na nangininig, yung paa ko kabina pa galaw ng galaw, itong si Troy naman di alam kung anong gagawin nya.

"Haysttt... Ako nang kakausap don, makinig ka nalang, what ever happened, tangapin mo yung sasabihin nya," saad ni Troy at napayuko nalang ako ng ulo.

Ilang minuto lang ang nakakalipas, nakita na namin si Lester na papasok ng Mall.

Nakaupo kami dito sa loob ng Mang Inasal habang naghihintay sa kanya, binilhan nalang ako ni Troy ng Halo-hali para daw lumamig ulo ko.

Ehhh mukhang sya tong may gustong manuntok ng tao ehh.

"Buti naman at andyan na sya, prepare yourself Nat!" saad ni Troy at kinawayan si Lester.

Nakita naman kaagad kami ni Lester kaya dali dali itong pumasok ng Mang Inasal papunta sa kinauupuan namin.

May bitbit syang Milk tea, Burger, at isbag bouquet ng Roses.

"Tsk! May pa bulaklak pa yung gago," pabulong na sabi ni Troy.

"Good morning Nat, good morning Troy, kumain naba kayo? Baka want nyo order na muna tayo?" mahinahong saad ni Lester.

"Shut it Les! Where here to talk, not to date, wag mo kong paandaran sa ganyan mo!" seryusong sambit ni Troy.

Nagbago naman kaagad ang mukha ni Lester, sa masaya naging mukhang takot na parang nahihiya.

"Nat.... Milk tea at Burger mo, at saka... Flowers for you," mahinang sabi ni Nat, at umupo sa bangang tabi ko.

"Thank you," sagot ko na walang ka buhay buhay.

"Kumain ka nalang muna dyan Nat, usap lang kami," tugon ni Troy at tiningnan ng masama si Les.

Ilang minutong natahimik kami, di ko naman alam kung anong sasabihin, si Troy tinutungnan lang ng masama si Les, samantalang ako kumakain lang.

Kala koba kakausapin nya tong si Les? Haysttt.

"Anong plano mo Les? Kung di ka pa rin makalimot sa ex mo, wag mo namang gawing Rebound si Nat!" seryusong sabi ni Troy.

"Uhmm... Hindi ko, hindi ko naman ginagawang Rebound si Nat, naalala kolang naman si-" di paman natapos ang sasabihin ni Les ay dumugtong nako.

"Danica?" dugtong ko.

"Kumain kanalang muna dyan Nat!" ani'to at napatameme nalang ako.

THE REBOUND [BxB] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon