CHAPTER 1 (Part 1)

33 6 0
                                    

Valentine Crimson

I'm wearing my oversize plain black t-shirt at blue na maong. Then for my shoes, I just wear my white sneakers.

"Hi! My name is Valentine Crimson, and I am 24 years old" nakangiting pagpapakilala ko sa mga judges and interviewers.

Nandito ako ngayon sa Manila para mag audition dahil nalaman ko na may audition na magaganap ngayon para sa next project nilang BL series.

Wala lang, bored lang ako sa bahay kaya naisipan kong mag audition.

"Tell me about yourself Mr. Crimson" nakangiting sabi ng isa sa mga judges.

"Mahilig po akong umakting, magaling po ako sa mga aktingan aktingan na'yan. Maganda rin po ang boses ko para po kapag sumikat ako pwede tayong mag guess guess sa mga tv shows tas kakanta ako ron HAHA" masigla kong sabi sa kanila at good for me kasi napangiti ko silang lahat.

"Hehe ang cute mo, pwede kana umuwi" biglang nawala ang masigla kong energy pagkasabi ng isa sa mga judges.

"H-hindi n'yu pu ba ako papa-aktingin? b-bakit po gan'yan kayo?" tila naiiyak na sabi ko sa kanila at saka ko pinapatak ang mga luha ko sa mata. "Charizz! okay po, thank you po." Biglang sabi ko saka pinunasan ang mga luha ko at tumungo muna sa kanila saka lumabas na.

"Sa pinakita kong akting kanina for sure manghihinayang sila sa'kin—aray!" Gulat na inda ko nang mabangga ako ng lalaking naglalakad while using his phone. Nagkatitigan pa kami pero ang weird dahil biglang nag blur ang paligid at mukha n'yalang ang nagiisang malinaw sa paningin ko. He looks familiar.

"I'm sorry, I'm sorry" tila nagmamadaling sabi ng lalaki.

"Antigas ng balikat mo huh" iritang sabi ko rito at hindi na s'ya pinansin dahil nagpatuloy nalang ako sa paglalakad.

I don't know why? what's wrong with me? may mali ba sa'kin para tangihan nila ako? am I not enough? pangit ba'ko? kapalit palit ba'ko? Then why? eme.

Nag-ala Liza Soberano na'ko rito potek. Pero, hindi ko parin talaga alam bakit ako hindi natanggap? is it because sa mga sinabi ko kanina na guess guess sa mga tv shows? akala ba nila gagamitin ko sila para lang sumikat ako?

Sa sobrang irita ko ay pumunta nalang ako sa pinaka malapit na mall kung nasaan ako, para magpa-lamig ng ulo. Hindi ba nila ako kilala? Dress maker fashion designer 'to—ay kakasimula kopa ngalang pala sa business ko HAAHAHA.

"Antaray ng mall na'to, may bubong yung parking nila" nakangiti kong sabi saka na dere-deretsyo papasok upang humanap nang mapag paparkingan.

Nang nakahanap ng pwesto ay bumaba na'ko ng kotse ko at naglakad na palabas ng parking para pumasok na sa loob ng mall.

Nagpa-lamig lang ako sandali syaka bumili ng pellet gun para kay Mackcy, kasi nakita ko s'yang nakatingin sa bintana pinapanood yung mga batang nag babarilan gamit ang pellet gun.

Kapag talaga malapit na ang bagong taon ay palaging nauuso ang pellet gun tas naalala kopa gusto raw mag pulis ni Mackcy kaya kahit mag 4 years old palang s'ya dapat handa na s'ya para sa future n'ya HAHAHA. Bahala na si Asleir kung ipapagamig n'ya sa anak n'ya yung pellet gun, basta ako niregaluhan kolang anak n'ya HAHAHA.

Sinuksok ko yung pellet gun sa bulsa ko dahil malalim naman 'yun. Kaysa naman bitbitin ko edi pagkamalan pa'kong masamang tao ng mga pakalat kalat na guardya.

"Apaka syala naman ng mall na'to kahit maliit lang eh dalawa ang parking lot" nakangiti kong sabi habang nakatingin sa mga kotseng naka park sa kabilang side ng mall. Iba ang parking lot na'yun, walang bubong tas yung pinag parkingan ko eh meron.

Biglang bumuhos ang malakas na ulan, mabuti nalang at may bubong ang buong haligi ng mall kaya hindi ako nabasa habang papunta sa parking.

Kanina pa'ko nag tataka kung bakit maraming guardya ang nakapalibot sa mall at isa isang chinecheck ang ilalim ng mga kotseng mag papark tas hindi korin alam kung bakit lahat sila may bitbit na mahahabang baril. I mean, I know para sa safety 'yan ng mga costumers nila rito pero bakit andami naman ata?

Nabalik ako sa reyalidad nang makita ko yung lalaking nakabangga sa'kin kanina, may hawak s'yang sigarilyo at naka park s'ya katabi ng kotse ko.

"Augh agh! agh!" Biglang ubo ko nang bumuga s'ya ng usok tas yung usok ay pumunta sa gawi ko. "P-putang—nanadya kaba? augh! augh!" Nahihirapan kong sabi.

"I'm sorry, I didn't know you were here. Malalim lang iniisip. I'm really sorry Valentine" sinserong sabi n'ya dahilan upang ikalaki ng mata ko, hindi dahil sa seryoso s'ya, kundi dahil sa alam n'ya ang pangalan ko.

"How did you fucking know my name?" Gulat na tanong ko rito.

"Pag usapan nalang natin ito sa mga susunod na araw, I'm on my duty right now" biglang seryosong sabi n'ya saka lumingon sa paligid saka kunot noong tumingin sa'kin. "What are you doing here? this place is closed for anyone who's not working here" kunot noong sabi nito sa'kin.

"Nag park ako sa parking lot na'to... what do you mean? so para sa inyo lang pala 'tong parking na'to? shocks, I'm so sorry" pahina nang pahina na sabi ko dahil sa kahihiyan na ginawa ko. "I'm sorry, first time kolang kasi rito so, I didn't know na may ganito palang rules dito" Hiyang hiya na sabi ko sa kan'ya.

—NGIIIIIIIIII—

"Get in the car" biglang sabi nung lalaki nang makarinig kami nang tila bumubukas na sliding door na walang langis.

Patakbo akong pumasok sa kotse ko at s'ya naman ay naglakad papasok sa malaking pinto na bumukas.

Mabuti nalang mahirap makita mula sa labas ang kung ano ang nasa loob ng kotse ko, at ako naman sa loob ay kitang kita ang mga ginagawa nila.

"Putangina ano 'to? pabrika ng shabu?" gulat na sabi ko habang nakatitig sa loob. Kinuha ko ang cellphone ko at ikinabit sa tripod ko saka hinayaan itong kumuha ng video.

Naalala ko yung sinabi ng lalaki kanina "this place is closed for anyone who's not working here" Meaning, nagtatrabaho s'ya rito.

I don't know what to do, tatawag ba'ko ng pulis o aalis sa lugar na'to. I have a video naman kaya siguro mas uunahin ko nalang muna ang safety ko.

Pinagana ko ang kotse ko at minaneho, ngunit pagliko na pagliko ko ay may mga taong naka-tayo sa daraanan ko, at lahat sila ay mga nakatutok ang baril sa'kin.

Hindi customers ang pinapangalagaan nila kundi ang mga shabu na ginagawa nila sa loob ng mall na'to.

Sinenyasan ako ng isa na bumaba ng kotse ko. Pag lingon ko sa kaliwa ay nandon yung lalaki at kung tama ako nang iniisip ay nagaalala s'yang nakatingin sa direksyon ko habang sumesenyas na h'wag akong lalabas.

Kapag hindi ako lumabas, papaulanan nila ako ng bala sa loob and I can't afford to lose this car; regalo ng Mama ko'to sa'kin bago s'ya mawala. Mas magandang ako nalang kesa ang kotse ko.

Bababa na sana ako pero may lalaking kumatok sa bintana ko, kaya dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kotse ko.

"W-wait lang kuya, bababa nanga oh" sabi ko sa lalaki pero hinila n'ya ako palabas at ibinato sa gitna kung saan ngayon nakapalibot ang mga taong naka damit pang guardya na may hawak ng mahahabang baril na nakatutok sa'kin.

Putangina, kamatayan ko naba? ito naba 'yun? what the fuck naman oh. Gusto kopang laruin si Mackcy, gusto kopang ibigay sa kanya yung regalo kong pellet gun—right! yung pellet gun.

Never Let Him Go || MstrGangster Where stories live. Discover now