CHAPTER 10 (Part 2)

3 2 0
                                    

Valentine Crimson

Natuluyan nga akong naka-tulog kagabi nang marinig namin ni Huiry ang yapak ng bakal na paa ni Papa. Ewan kolang si Huiry kung natuluyan din ba s'ya kagaya ko.

Eksangtong alasais ng umaga ako ginising ni Papa at Huiry, dahil may meeting daw na ipinatawag si Hilliary at kailangan kaming lahat na pumunta. Inayos muna namin yung hinigaan namin bago pumunta sa meeting.

Pagpunta namin sa meeting room ay nandon na lahat ng mga agents at mukhang kagigising lang din nila dahil nagkukusot pa ang iba ng kanilang mga mata at yung iba naman ay humihikab pa. Nang pumasok si Hilliary ay nagsi-ayos ang lahat ng kanilang mga ginagawa at umaktong professional agent.

"Agent, Mr. Valentine, and Mr. Crimson." seryosong sabi ni Hilliary. "Congratulations!" Nakangiti n'yang dagdag dahilan upang tapunan namin s'yang lahat nang may pagtatakang tingin.

"Why are you congratulating us, Boss K?" takang tanong ni Romulus.

"Si Joselito Ricalde Batimbang at ang apat n'ya pang natitirang kasamahan ay sumuko na. Meaning, our mission is success!" Nakangiting balita ni Hilliary dahilan upang tuluyang magising ang mga diwa nilang lahat at magtalunan sa tuwa.

"Yes! nag sukuan narin ang mga demonyon!"

"Good ang morning ng pilipinas ah"

"Nag sukuan sila kasi alam nilang wala na silang magagawa at kapag pinilit nila ang gusto nila ay magagaya lang din sila sa mga kasamahan nilang patay na" iiling-iling habang nakangiting sabi ni Romulus.

"Takot lang nila sa ChaseTine" nang aasar na sabi ni Hilliary sa'min ni Huiry. Oww she knew already ha.

"Takot lang nila sa mga agent mo" nakangiting sabi ko habang nakangiting nakatingin sa mga agent ni Hilliary. Nakita ko kung paano sila mag tulong-tulong sa isang mission, alam kong ayun ang unang mission na magkakasama silang lahat at nakita ko ang effort na binigay nilang lahat upang matulungan namin ang isa't-isa kahapon.

"Woy congrats ha, may fandom na kayong dalawa ni Agent Marquez! #ChaseTine" nakangiting sabi ni Romulus sa'kin at nakangiti ko naman s'yang tinanguan.

May nararamdaman akong kakaiba ngayon, I don't know pero malakas ang instinct mo at nakakasiguro ako na may dahilan kung bakit sila nagsukuan.

"Are you okay?" Narinig kong bulong ng boyfriend ko na nasa tabi kona pala. Tinignan ko s'ya nang nag aalala tingin saka tinignan ang mga kapwa n'ya agent na nagsasaya.

"I'm okay, mga what if things lang na gumugulo sa isip ko" nakangiting sabi ko rito at mas lalo namang naging seryoso ang tingin n'ya sa'kin.

"You're overthinking? What kind of what if 'yan? Care to share? I'll try to give you my opinion" nakangiting sabi n'ya at inakbayan ako.

"I think may rason kung bakit sila nag sukuan" panimula ko.

"Dahil alam nilang wala na silang magagawa pa" seryosong sagot n'ya.

"Pero what if may iba pang rason maliban don?" Seryosong sagot ko rin dito.

"Like what?" kunot noong tanong n'ya.

"Kagaya ng hindi sila makakapatay dito sa labas kaya sa kulungan nalang sila papatay. Maraming way para isagawa ang plano nila, Babe" deretsyong sagot ko sa kan'ya. Napa-isip naman s'ya saka nakangiting akong mas inakbayan dahilan upang mas mag dikit ang katawan namin.

"My Love, narinig mona ba ang kasabihang.. 'Hanapin mo ang positive sa negative world' " Nakangiting tanong nito sa'kin at naalala ko naman na sinabi ko sa kan'ya iyon kagabi.

"But Babe, narinig mo na rin ba ang kasabihang 'Hanapin mo ang positive sa negative world at hanapin mo naman ang negative sa positive world'..." Seryosong sabi ko rito dahilan upang mapatigil s'ya.

"Kung hahanapin ko ang negative sa positive world, hindi na ako magiging positive dahil alam kong kasunod nang pagiging positive ko ay may negative side na paparating" seryoso n'ya ring sagot sa'kin.

"Babe, minsan hindi masamang isipin ang negative side sa positive world.. Nang sa ganon ay mapag handaan natin at mapag-isipan ang hakbang na gagawin upang maiwasan ang negative side. Babe, hindi pwedeng saka lang tayo iisip nang solution kapag andyan na ang problema" mahabang paliwanag ko sa kan'ya at na-gets n'ya naman ang punto ko kaya tumango-tango s'ya.

"My Love, ang mga what if mo ay negative side sa positive thing na nangyari ngayon... at tama ka, kailangan nating gumawa ng solution para hindi mangyari ang negative side na'yun" nakangiting sabi ni Huiry saka kinuha ang cellphone n'ya sa bulsa at may tinawagan.

Umalis ako sa pwesto ko at lumapit kay Hilliary dahil tinawag n'ya ako. Nag usap lang kami sandali ni Hilliary at pinasalamatan n'ya kami ni Papa dahil sa pag tulong namin sa kanila sa mission na ito.

After maka-usap ni Huiry ang taong tinawagan n'ya ay sinabi n'ya sa'kin na sinabihan n'ya ang mga kapulisan na nakabantay sa presinto kung saan naka kulong ngayon ang limang natitirang kasamahan ni Robles na bantayang maiigi ang limang preso, at h'wag hayaang gumawa nang kung ano-ano— dahil pwedeng ang mga kapwa preso nila ang patayin nila.

After ilang oras nang pamamalagi namin sa Kquestra Agency ay nagsi-uwian narin kaming lahat. Sa amin parin titira si Huiry kahit pa sumuko na ang limang natitirang kasamahan ni Robles dahil ayun ang napag-usapan namin kanina.

Umabot nang kalahating oras ang ginugol namin para maka-uwi sa bahay namin. Nang makarating sa bahay ay dumiretsyo si Papa sa kusina upang mag luto; tinulungan ko naman si Huiry na ilagay ang gamit n'ya sa kwarto ko dahil sa kwarto ko s'ya matutulog.

Anim na kwarto lang ang meron kami rito sa bahay. Isa para sa kwarto nina Mama at Papa, isa para sa'kin, isa para sa laboratory room ko, isa para sa opisina ko, isa para sa kusina, at isa para sa banyo.

Yung kwarto ni Mama at Papa syaka kwarto ko ay parehong malaki, kaya kapag nandito dati ang buong barkada ay nagkakasya kami sa kwarto ko.

Hindi na namin need bumili ng kama dahil naka king bed size ako at kasyang-kasya kami ni Huiry don.

Tinulungan kona ring mag ayos ng mga gamit si Huiry, at habang nag-aayos ay nag uusap nanaman kami tungkol sa buhay naming dalawa. Natigil iyon nang tawagin kami ni Papa upang kumain na.

"Babe, anong balak mo bukas?" Takang tanong ni Huiry sa'kin na nasa harap kolang.

"Oo nga Anak, anong balak mo bukas?" Tanong din ni Papa na katabi ni Huiry. Nasa harap nila akong dalawa at kunot noo ko silang tinignan.

"Bukas? Anong meron ba bukas?" Takang tanong ko sa kanila at sumubo ng pagkain. Nakita ko naman ang reaksyon nilang dalawa kaya lalo akong nag taka. Ano bang meron bukas na hindi ko alam?

Isip ako nang isip kung anong meron bukas, pero wala talaga akong maisip kaya binalik ko sa kanila ang tingin ko habang naka-kunot parin ang noo ko.

"Tomorrow is your birthday Babe" hindi makapaniwalang sabi ni Huiry sa'kin dahilan upang pag taasan kos'ya ng kilay. Bukas naba 'yun? Ilang ulit kong iniisip kung kailan birthday ko pero wala akong maisip tangina.

"September 1 bukas Anak, 25th birthday mo" natatawang sabi ni Papa sa'kin dahilan upang maalala kona ang lahat.

Ilang beses konang nakakalimunan ang birthday ko dahil normal day lang para sa akin ang aking birthday. Walang handaan, walang ganap, normal day.

Alam ni Mama na ayaw kong nag hahanda ako tuwing birthday ko. Kung mag hahanda man s'ya every September 1 ay wala ako rito, dahil umaalis ako at pumupunta sa dagat upang mapag-isa.

Walang rason kung bakit gusto kong mapag-isa tuwing birthday ko, parang naging kaugalian kona rin 'yun. Kaya tuwing September 2 si Mama nagluluto ng handa, kahit makapag salo-salo kami at makapag blow man lang ako ng candle. Natigil ang celebration namin simula nang mamatay si Mama kaya tuluyan konang nalimutan ang kaarawan ko ngayon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 24 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Never Let Him Go || MstrGangster Where stories live. Discover now