CHAPTER 9

2 2 0
                                    

Valentine Crimson

Ngayong araw din na ito ay maari nang mailabas si Huiry, kaya bumaba muna si Dad para mag bayad.
Kinakalikot ni Huiry ang relo n'ya, nangunot ang noo ko nang makitang parehong-pareho ang relo n'ya at relo ni Dad.

Simula nung nakasama ako sa mission nila, napapansin kona ang relong iyon na suot n'ya ngunit ngayon kolang napansin na pareho sila ng relo ni Dad.

"Where did you get that watch?" tanong ko at umupo sa tabi n'ya habang nakatingin sa ginagawa n'ya.

"Binigay sa'kin ni Dad, bago tayo sumabak sa mission kay Ross" nakangiting sagot ng boyfriend ko saka pinindot ang isang button ng relo.

RECORDED VOICE: "Kuya, nakabit n'yo naba ang mga bomba?"

Nakatinginan kami ni Huiry nang marinig ang boses ni Robles sa relo. Naka auto recording nga pala ang relo ni Dad, kaya pala kinakalikot ni Huiry para malaman pa kung ano ang nangyari kagabi nung wala pa kami sa condo n'ya.

RECORDED VOICE: "Ako na magpapasabog ng bomba. Everyone knows about me, hindi kona kailangan pang pumatay nang hindi nagiiwan ng kung ano mang bakas. Matapos kong patayin 'tong si Chase, isusunod ko naman ang tatay-tatayan n'yang si Crimson." Matigas na boses na sabi ni Robles.

Mabilis na pumasok sa isip ko ang mga sinabi ni Robles, na narecord sa relo ni Huiry. At dahil don, mabilis kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Hilliary.

"Hilliary, may bomba ba na sumabog kaninang madaling araw?" kinakabahang tanong ko kay Hilliary. Habang si Huiry naman ay nag aantay ng sagot, kaya niloud speaker ko ang tawag.

"Nung tumawag ka sa'kin kaninang madaling araw, saying na nasa condo ng boyfriend mo si Robles, ay agad kong pinasunod ang mga agent. Sinamahan kita sa pag dala kay Agent Marquez sa hospital habang dinedefuse ng Dad mo ang mga bombang ikinabit ni Robles" mahabang sagot ni Hilliary, dahilan upang makahinga kami nang maluwag.

"Boss K, hindi pa tayo pwedeng mag-saya. May mga taong katulong si Robles." Biglang salita ni Huiry dito saka plinay muli ang recorded voice ni Robles sa relo n'ya. "Kuya, nakabit n'yo naba ang mga bomba?" Sandaling nahigil si Hilliary sa kabilang linya bago mag salitang muli.

"Tangina, akala ko patay na si Satanas, marami pa pala sila. Tsk." Iritang asik ni Hilliary sa kabilang linya.

"Hilliary, I suggest na h'wag nating ipublic ang nalaman natin. May posibilidad na mas lalong mag hasik ang mga kasamahan ni Robles kapag nalaman nilang alam natin ang existence nila" seryosong sabi ko rito.

"Yes, I agree. Kagaya nang ginawa ni Robles, binalak n'yang basabugin ang buong building ng unit na tinitirhan ko kapag napatay n'ya na ako" pag sang-ayon ng boyfriend ko sa'kin.

"Okay. Ipaaalam ko sa team ang bagong info na nakuha ko sa inyo, ako na ang bahala" sabi ni Hilliary kaya pinatay kona ang tawag.

Nang pumasok si Dad sa kwarto at sinabing
"okay na" ay doon na kami lumabas lahat at umalis sa hospital. Habang nasa kotse, sinabi namin kay Dad ang tungkol sa recorded voice at sinabi n'ya na simula ngayon sa bahay na namin titira si Huiry dahil mas ligtas s'ya roon.

Pumunta muna kami sa unit ni Huiry para kumuha ng mga gamit n'ya. Habang nag iimpake si Huiry ay dumaan sa news feed ko ang isang live video kung saan may malaking sunog na nagaganap ngayon sa Kawit Cavite.

Agad kong pinanood kina Papa at Huiry ang video. Alam namin na nag-sisimula na ang mga kasamahan ni Robles na pumatay, hindi dapat kami mag aksaya ng oras.

"Kailangan ako sa headquarters Babe, Dad. Kayo nalang po muna ang umuwi, susunod ako mamaya—" tumayo si Huiry at nag ayos ng mga gamit n'ya.

"—No. Sasama kami ng boyfriend mo sa'yo. Tutulong kaming hulihin ang mga putanginang taong nasa likod n'yan" seryosong sabi ni Papa dahilan upang matigilan si Huiry at seryosong mapatingin kay Papa at sa akin.

Never Let Him Go || MstrGangster Where stories live. Discover now