CHAPTER 4 (PART 1)

10 4 0
                                    

Chase Huiry Marquez

Ilang segundo ang tinagal namin ni Valentine sa posisyong iyon, nang maramdaman kong tatayo na s'ya ay tinanggal kona sya mula sa pagkakayakap ko.

"Hey, gimme your hands" sabi nito kaya ibinigay ko sa kanya ang kamay ko at tinulungan n'ya akong tumayo.

Nang makatayo kaming pareho ay nauna s'yang mag lakad ngunit agad ding napahinto nang lumingon s'ya sa bintana ay biglang nangunot ang noo n'ya, tinignan ko sa bintana yung tinititigan nya at kunot noong ibinalik sa kan'ya ang paningin ko.

Dalawang yacht lang ang nakita ko hindi kalayuan sa yacht na sinasakyan namin at ang mga tao ay kagaya lang din ng mga tao sa yacht na sinasakyan ko, mga nagsasayawan at umiinom ng alcohol at wine.

"Why? What's wrong?" I curiously asked.

"Hindi kaba nag tataka bakit may mga lalaking naka leather jacket na itim?" tanong nito sa'kin habang titig na titig na nakatingin sa mga lalaking naka-itim na sumasayaw.

"Bakit? anong napapansin mo sa kanila?" takang tanong ko rito.

"Yacht party ang pinuntahan nila pero ganyan ang mga suot nila, para silang... ikaw." Nangunot bigla ang mukha ko sa kan'ya nang sabihin n'ya iyon. He's being judgemental again.

Ibinalik ko ang tingin ko sa mga lalaking naka leather jacket at sa mga kasayaw nilang mga naka panty at bra, may ibang lalaki naman na match ang suot sa yacht party na nagaganap.

Nakakapag taka nga kung bakit tila pare-parehas ang mga suot nila—damn, tama nga si Valentine, there's something wrong with them.

"Huiry, lumalapit ang sasakyan nila sa'tin" mabilis na sabi ni Valentine saka patakbong umakyat sa taas kaya agad ko s'yang sinundan at pinigilan upang tanungin kung anong nangyayari.

"Tin, anong iniisip mo? pwede bang sabihin mo sa'kin" sabi ko rito nang mahabol ko s'ya.

"Ang mga lalaking iyon ay nilalapit ang sasakyan nila sa'tin para isali nila tayo dahil kung kumilos sila kanina ay makikita natin ang mga ginagawa nila kaya idadamay nila tayo ngayon para wala silang problema mamaya" paliwanag n'ya sa'kin ngunit kunot noo lang akong tumingin sa kan'ya. Hindi ko magets ang mga sinasabi n'ya.

—PAK!—

"Argh!" Inda ko nang sampalin n'ya ako bigla.

"Tangina Agent Marquez, gumising ka." Galit na sabi nito sa'kin dahilan upang makuha n'ya ang attention ng mga kasama namin sa yacht. "Everyone! bumaba kayong lahat, bilis!" malakas na utos nito ngunit hindi s'ya sinunod ng mga tao.

"Val, what's happening on you?" takang tanong ng isang babaeng kakilala n'ya.

"Basta gawin n'yo nalang ang sinabi ko" iritang sagot nito.

"Valentine, you're just drunk" natatawang sabi ng isa pang babae rito.

"Hanggang ngayon bobo ka parin Alfeha." Mariing sagot nito sa babae. "Kung ayaw n'yong bumaba, hahayaan ko kayong patayin ng mga lalaking iyan" walang emosyong dagdag n'ya at itinuro ang mga lalaking nag sasayawan sa yacht na palapit nang palapit sa'min.

Tumalikod si Valentine at bumalik sa ibaba ng yacht, nakita ko naman na lalapit si Mia sa'kin ngunit tumalikod ako at sinundan si Valentine sa ibaba.

Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Valentine na may hawak ng baril at nakatutok ito sa lalaking naka leather black jacket na basang basa at walang malay.

"Nahuli ko ang lalaking ito na sumasampa sa yacht at may dala pa s'yang baril. Ngayon, naniniwala kana?" walang tingin-tinging tanong ni Valentine sa'kin. "Now, kung gusto mopang makitang buhay yung ex-girlfriend mong si Mia, aakyat ka ron at pabababain mo sila rito." Malamig na sabi nito sa'kin at umupo sa upuan.

—BANG!—

Mabilis akong napa-takbo papunta sa itaas nang makarinig ako nang putok ng baril mula ron. Naabutan ko ang lahat na naka-yuko at takot na takot ang mga mukha, ang iba ay nagiiyakan na. Pati ang mga tao sa kabilang yacht ay mga nakayuko rin at mula rito ay kitang kita ko ang takot sa kanilang mga mata.

"Agent Marquez, ikaw pala 'yan HAHAHAHAHA" natatawang sabi ni Robin. Amerikanong pinalaki sa dito pilipinas para mag tayo ng drogahan.

"Kung ako sa'yo, aalis na'ko sa yateng ito bago pa lumabas ang alas ko" boring na sagot ko rito.

"Nakakatakot naman ang alas mo, Agent Marquez. Sino ba alas mo?.... s'ya ba? HAAHAHAHHAHA" kunot noo kong tinignan ang tinitignan nya sa likuran ko at laking gulat ko nang makita si Valentine na walang emosyon ang mukha at hawak ng dalawa nyang bata. "O.. si Mia?" nakangiting dagdag ni Robin saka sinenyasan ang mga tauhan nyang kuhain si Mia na naka Yuko at binabalot nang takot.

"L-let go of me, let go of me—Chase, help me. Get them off me" naiyak na pagpupumiglas ni Mia.

"Let's see kung sino sa kanila ang ililigtas mo Marquez, HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH" Malakas na tawa ni Robin saka pinag tabi nila Mia at Valentine.

Tinignan ko ang mga mata ni Valentine na walang emosyong nakatitig sa mga mata ko. Ilang segundo ang tinagal non matapos ay inilipat ko kay Mia na takot na takot, ang paningin ko.

Hindi ko sila kayang iligtas dalawa, kahit ang isa sa kanila ay hindi ko kaya dahil kaunting galaw ay mapupuno ng bala ang buong katawan ko.

Wala akong kahit anong armas na dala, wala akong laban sa kanila. Sa ilang taon kong pagiging police at ilang taon sa pagiging agent ay ngayon kolang naramdaman ang pakiramdam ng isang mahina.

"Argh!!".

I didn't know what to do until someone shouted. At nang makita ko kung sino iyon ay laking gulat ko nang makita kung paano pag untugin ni Valentine ang dalawang lalaking naka-hawak sa kanya matapos n'yang mag bartikal dahilan upang mamilipit ang mga braso na naka-kapit sa kan'ya.

"Don't just stand there!" Malakas na sabi ni Valentine saka binaril sa ulo ang dalawang lalaking naka-kapit kay Mia.

—BANG!—BANG!—

"Bend over!" malakas na sigaw nito sa'kin na mabilis ko namang ginawa saka pinaputukan n'ya ang kung sinong kalaban ang nasa likuran ko.

—BANG!—BANG!—BANG!—

Agad kong pinulot ang tumalsik na baril mula sa lalaking naka-hawak kay Mia kanina na ngayon ay patay na, saka ko pinaputukan ang mga lalaki sa likuran ni Valentine.

—BANG!—BANG!—BANG—

"Tin!" malakas na sigaw ko sa pangalan ni Valentine nang sa sobrang atras na ginawa n'ya upang mailagan ang mga bala ay nagkamali s'ya at nahulog sa dagat. Mabilis akong tumakbo at tumalon upang sundan s'ya sa ibaba dahil baka kung anong mangyari sa kan'ya ron lalo pa't gabi na at walang ilaw doon.

"Chasee!!" Rinig kong sigaw ni Mia sa pangalan ko.

—BANG!—BANG!—BANG!—BANG!—

Nanlumo ako bigla dahil sa sunod-sunod na putok ng baril ang narinig ko mula sa itaas habang ako ay pabagsak sa tubig dagat.

—Boogsh!—

"H-Huiry, PUTANGINA MO BAKIT MO SILA INIWAN DON!" Malakas na sabi ni Valentine sa'kin saka napatingin sa itaas nang makarinig kami ng helicopter.

—BANG!—BANG!—BANG!—BANG!—BANG!—

"WAHHHHHHH!!!!" malakas na sigaw nito habang pinapaulanan ng bala ang helicopter na pataas nang pataas.

—BANG!—BANG!—BANG!—BANG!—BANG!—

—BOGSHH!—

Ginawa korin ang ginagawa n'ya, pinaulanan korin ng bala ang helicopter na sinasakyan ni Robin at hindi namin ito tinigilan hanggat hindi sumasabog ang helicopter n'ya at bumagsak sa tubig dagat.

Never Let Him Go || MstrGangster Where stories live. Discover now