CHAPTER 7

6 2 0
                                    

Valentine Crimson

Goodbye Ross, see you in inferno. Mahigit 100 na kabataan ang nailigtas ng Kquestra Agency at kasalukuyan silang lahat na nasa hospital upang matignan ng mga doctor ang katawan nila.

Hindi ko napigilan ang luha ko kanina nang pasukin namin ang isang kwarto at makita ang katawan ng mga batang patay at tila mga manok na kinatay. Kung ganito ang naging reaction ko, what more pa kaya sa mga magulang ng mga batang ito.

May listahan si Ross ng mga batang kakatayin at kinatay na, mabilis na dinumog ang lugar na 'yun ng maraming tao nang makita ang balita na mabilis pumutok. Tinatanong kung kasama ba ang mga anak nila sa listahan ng mga kinidnap na bata ni Ross.

"Hilliary, anong balak mo sa mga taong bumili ng organ kay Ross?" tanong ko kay Boss K saka ibinigay sa kanya ang isang folder na naglalaman ng mga contact number ng mga taong bumili kay Ross ng organ.

"Sisiguraduhin kong mag babayad sila at ang mga hospital na nag kabit ng organ na nabili" seryosong sagot ni Hilliary dahilan upang mayakap ko sya.

"Akala ko hahayaan molang ang mga taong nabuhay dahil sa mga organ ng mga batang pinatay" natutuwang sabi ko rito.

"Karapatan nilang malaman kung kaninong organ nanggaling ang organ na inilagay sa katawan nila, ang mga magulang ng mga batang pinatay na ang bahala kung anong gagawin sa mga nabentahan ni Ross. By the way, gusto ko yung pagtawag mo sa'kin ng Hilliary. I like the accent" nakangiting sabi ni Hilliary saka tinapik ako sa balikat bago umalis at nilapitan ang isa sa mga agent nya.

"Hi! my name is Romulus Cayabman" nakangiting pagpapakilala ni Romulus nang lumapit sya sa'kin.

"Valentine Crimson" nakangiting sabi ko at nakipag shake hands sa kanya.

"Grabe, ang galing mo talaga. Expect another high amount of money on your number" nakangiting sabi nito dahilan upang mangunot ang noo ko.

"Expect another high amount of money on my number?" taas kilay na tanong ko rito. Don't tell me galing sa Kquestra Agency ang 100 million na pumasok sa number ko.

"Yeah, malaking tao si Ross, at malaki ang perang nakapatong sa ulo nya. Lahat ng perang iyon ay ibababa sa Kquestra at lahat ng parte ng mission ay masasakupan" sabi ni Romulus at nang makita ang reaction ko ay tila nagulat sya. "Why? hindi moba alam na sa Kquestra galing ang perang pumasok sa number mo? hindi ba sinabi ni agent Marquez sa'yo?" kunot noong tanong nya saka napatingin sa likod ko at tumango bago umalis.

May naramdaman akong presensya ng tao sa likod ko at nang tignan ko'yun ay napangiti ako nang makita si Huiry na naka-tayo.

"Hindi ka galit sa'kin? I didn't tell you about the money" kunot noong tanong ni Huiry sa'kin ngunit nginisian kolang sya.

"Hindi ako nagagalit dahil lang sa maliit na bagay Huiry. Kung ganito pala ang kitaan nyo ay napaka yaman pala ng manliligaw ko" tila nang aasar na sabi ko rito dahilan upang matawa sya.

"Good choice talaga na nag resign ako sa pagpupulis at trinaining ng Kquestra Agency para maging agent" nakangiting sabi nito.

Kahit anong laki nang kitaan nila sa Kquestra Agency ay hinding hindi ko ipagpapalit ang fashion brand ko. Kapag nakilala ang Crimson sa buong mundo ay paniguradong hindi lang 100 million ang kikitain ko.

"Kung ganito pala ang nililigawan ko ay napaka swerte ko palang tao kapag ako ang naging boyfriend mo" nakangiting sabi ni Huiry habang nakatitig sa mga mata ko. Hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti dahil sa sinabi nya.

"Iyun ay kung mapapa "Oo" mo ako" tila nangaasar na sabi ko rito at tinapik-takip s'ya sa balikat.

Kung magiging boyfriend man kita hinding hindi kana makakawala sa'kin tanga. Ikaw ang magiging una't huli kong taong mamahalin Huiry, kung magiging boyfriend man kita.

Never Let Him Go || MstrGangster Where stories live. Discover now