CHAPTER 6 (Part 1)

6 2 0
                                    

Valentine Crimson

Ilang linggo na ang naka-lipas at ilang linggo narin kaming hindi nagkikita ni Huiry. Busy ako sa opisina at sa dress laboratory ko, si Huiry naman ay busy sa bagong mission na ibinigay sa kan'ya. Hindi kami nag kikita pero hindi dumadaan ang araw nang hindi kami vivideo call at nag tetext.

Hanggang ngayon hindi ko parin alam kung saan nanggaling ang 100 Million na pumusok sa number ko, hinayaan ko nalang muna yun sa number ko at wala akong balak galawin yun hanggat hindi ko nalalaman kung bakit yun napunta ron.

Pupunta akong airport para sunduin si Jerome. Hindi ko alam kung bakit gusto n'yang magpa-sundo sa'kin sa airport, eh naka-punta nga s'ya sa canada nang hindi ko sya hinahatid dito.

I just wear my: black crop top, black denim jacket, black baggy pants and my black formal leather shoes. As you can see today, I'm all black 'cause today is the death anniversary of my Hyuina. My first cat, My first child.

She died in an accident. Nabangga s'ya ng kotse kasi hinayaan ko s'yang lumabas ng bahay. Hindi na ako mag aanak uli, mas gusto kong bumalik nalang si Hyuina sa'kin.

I don't like putting make up on my face. Mas gusto ko yung natural face ko, pero syempre nag susunscreen ako para protection sa araw. Bago lumabas ng bahay ay kinuha ko muna ang black crimson bag ko at lumarga na.

Kotse ang dadalhin ko ngayon kasi alangan naman si Micro diba. Nang maka-sakay kay Czahil ay pinaandar kona agad ito papuntang airport.

Ilang minuto lang ang tinagal ko sa kalsada at nakarating narin ako sa airport. I took my phone nang maramdaman ko ang pag vibrate nito. Syuta naka silent pala.

Nag text si Jerome and he said sa entrance kona sila salubungin dahil palabas narin daw sila, kaya sa entrance na'ko ng airport dumiretsyo at inantay sila na lumabas doon.

"Antagal huh" iritang sabi ko kay Jerome pagka-labas ko ng kotse. Napatingin ako sa kanya mula baba hanggang ulo at bigla akong natigil dahil may lalaki s'yang kasunod sa likod nya na biglang ngumiti sa'kin.

"I miss you, my Valentine" nakangiting sabi ni Jerome habang nakikipag beso sa'kin, ngunit hindi kos'ya sinagot dahil nakatingin lang ako sa lalaking kasama nya.

Hindi kona kailangan pang tanungin kung sino ito, dahil alam kona... na boyfriend nya'to.

"Valentine, this is Hyuan—My boyfriend. Babe, this is Valentine, My Best friend" nakangiting pagpapakilala ni Jerome sa'min sa isa't isa. Sabi na eh.

"Hello, welcome to the Philippines" nakangiting sabi ko rito.

"Thank you for welcoming me, my name is Hyuan" nakangiting sabi nito at nakipag beso sa'kin.

"My name is Valentine, may I ask you something?" nakangiting tanong ko rito.

"Go ahead" nakangiting sabi nito.

"What did you eat? Why this asshole? For so many people here on earth, why this fucking asshole? My gosh, if I were you—I'm not gonna fucking choose this Man—arayyy" natigil ako nang biglang pingutin ni Jerome ang tenga ko.

"Babe, sa lahat ng kaibigan ko, ito ang h'wag na h'wag mong sasamahan dahil puro masasamang side kolang ang ikwekwento nyan sa'yo" sabi ni Jerome kay Hyuan dahilan upang matawa kami pareho pero natigil agad ako nang marealize kong naintindihan nya yung tagalog ni Jerome.

"You understand tagalog?" gulat at takang tanong ko rito.

"Yes" nakangiting tatango tangong sagot nito. "Pinanganak ako rito sa pilipinas. My mom is a Pilipino, and my dad is Canadian. When I turned 18 pumunta kaming Canada para iproclaim na Canadian ako" dagdag pa nito.

"Why are you guys talking here? let's go, sa kotse tayo mag kwentuhan" sabi ni Jerome na kalalagay lang ng mga gamit sa likod ni Czahil.

"Tin!" Napalingon ako sa sigaw ng pamilyar na boses at nang makita kung sino ito at anong gusto nyang sabihin ay mabilis kong hinila si Jerome pagilid sabay sipa sa ulo sa hinahabol nyang lalaki dahilan upang magpagulong gulong ito sa sahig.

Mabilis kong nilapitan ang lalaki at inapakan ito sa batok dahilan upang hindi ito maka-tayo.

"Jerome, mauna na kayo ni Hyuan. Bilis!" malakas na sabi ko rito nang makita mula sa malayo ang mga kotseng paparating.

Agad naman na nagsi-sakay sina Jerome at Hyuan sa kotse ko, saka pinaandar ito papunta sa ibang daan kung saan wala silang makakasalubong na kalaban.

"Where's your team?" takang tanong ko kay Huiry pagka abot nito sa'kin ng baril.

"Napuruhan ng gagong 'to lahat ng team ko" asik ni Huiry habang inihahanda ang gagamitin nya. "You ready" nakangiting tanong nito sa'kin matapos ihanda ang mga gamit nya.

-BANG!-BANG-BANG!-BANG-BANG!-

"I'm always ready Huiry" nakangiting sagot ko rito matapos maunang magpa-ulan ng bala sa mga kotseng papunta sa'min.

-BANG!-BANG-BANG!-BANG-BANG!-

Nag simula narin si Huiry na magpa-ulan ng bala. Nang magsimula narin ang kalaban ay hinila ni Huiry yung lalaki na nawalan nang malay dahil sinipa ko sa ulo at ako naman ay cinoberan sya para maka-kilos sya nang maayos.

Nang makapag tago si Huiry ay umalis ako sa tabi nya at mula sa malayo ay sinipat ko ang mga taong sakay ng mga kotse saka sila pinag puputukan isa-isa.

-BANG!-BANG-BANG!-BANG-BANG!-

Mas gumaan ang kundisyon ni Huiry ngayon kaya naka-labas sya sa tinataguan nya at maayos na nakipag palitan ng bala.

Makalipas ang ilang segundo pa naming palitan nang putok ng baril ay patay na lahat ng kalaban at kami nalang ni Huiry, at yung lalaking walang malay ang natira.

Sinama ako ni Huiry sa agency nila at nang makarating doon ay dinala na agad yung lalaking nahuli namin sa kulungan nila rito para paaminin.

"Agent Marquez, Mr. Crimson, Boss K, matigas yung lalaki. Hanggang ngayon ayaw parin sabihin kung saan nagkukuta ang amo nya" sabi ng lalaking kapapasok palang ng silid kung nasaan kami.

"Ginamit nila yung mga naka-kotse para mawala sila sa mata natin" seryosong sabi ni Boss K saka inabot sa'kin ang ipad nya.

Jhon Ross aka Bloody Hell, ay isang kidnapper na lumilibot sa pilipinas upang manguha ng mga bata at ibenta sa ibang bansa ang mga organ—What the fuck. May ganitong klase ng tao ang nabubuhay sa mundong ito?

Binasa kopa ang lahat ng laman ng ipad para mas maayos kong maunawaan ang punyetang pinasok ko nananaman ngayon.

Never Let Him Go || MstrGangster Where stories live. Discover now