Chapter 4

7 6 0
                                    

Alie Point Of View

Ff.

Nasa labas na ako ng bahay namin inihatid pala ako ni kairo dahil baka ano daw mangyari sa akin kahit hindi naman gaano kalayo ang bahay namin.

"So..i have to go na Alie".

"Sige salamat ha".

"Goodnight".

"Goodnight" sabi ko at pumasok na.

Pagbukas ko sa pinto ay hinanap ng aking dalawang mga mata sila lolo at lola ngunit kahit anino ay wala akong nakita.

"Lola,lolo?" tinignan ko ang paligid ngunit walang tao.

Maya-maya lang ay may lumabas sa kwarto,si lolo na kakagising lang at nagulat pa nga 'to ng nakita ako.

"Hi po lo magandang gabi" ani ko kay lolo't nagmano.

"Oh,apo galing ka naman sa ilog eh no,kakauwi mo lang ba?".

"Oo po lo,stiyaka nakasama ko nga po si kairo na nasa may tabing ilog rin at pagkatapos po lo ay inihatid niya ho ako".

"Ganon ba stiyaka parang pagod ka yata..magpahinga ka muna apo".

"Sige po lo,stiyaka nga po lo saan si  lola?".

"Mahimbing  natutulog ang lola mo apo,kaya kanina ay napa aga kaming umuwi dahil pagod ang lola mo".

"Pero nag enjoy ba kayo lo".

"Nag-enjoy naman kami ng lola mo apo,napagod lang kasi ang lola mo kanina".

"Ganon po ba lo,sige na ho pasok napo ako sa kwarto" sabi ko at pumunta na saaking kwarto.

Pagpasok ko ay kinuha ko ang aking tuwalya na nasa likod lang ng pinto nakasabit,pagkatapos ay lumabas na at pumasok sa cr para mag halfbath.

Ang bahay namin ay gawa lamang sa kahoy,simple lang sa labas ngunit maganda sa loob dahil si lola ay mahilig mag linis at mag arrange ng mga kagamitan sa bahay kaya'y gumanda ito lalo.

Si lolo naman ay siya ang panday at taga ayos ng mga sirang gamit sa aming bahay hindi lang sa loob ng bahay namin kundi sa mga kapitbahay rin,maraming nakakilala kay lolo sa brgy namin dahil masipag si lolo at matulongin kaya maraming nakakilala sakaniya.

Si lola ay nagtatrabaho bilang magsasaka sa bukid at si lolo naman ay hindi lang panday ang trabaho kundi guard din sa tinatrabahoan nito sa valie farm.

Oo alam ko ang mga valie dahil may farm sila dito at ikinwento nila lolo at lola ang tungkol sakanila na si Ma'am Celestine Bartolome Valie at si Sir Henry Quadior Valie,silay ang nag mamay-ari ng valie farm at sila ay mayayaman.

Noon hindi ko alam ang pangalan ng kanilang anak dahil nakalimutan nila lolo at lola,hindi kasi daw nakapunta pa ang anak nila dito sa probinsya,mga magulang lang daw ang nagbabakasyon dito,pero ngayon nang pumunta sila dito ay alam kona ang pangalan ng kanilang anak at first time kong nakita 'to sa personal.

Ff.

Nang matapos naakong maghalfbath ay pumasok naako saaking kwarto para magbihis.ang sosoutin ko ngayon ay pink pajama at t-shirt na kaparehas lang ang design nila.

Pagkatapos kong magbihis ay sinuklayan ko ang aking mahabang buhok at pagkatapos ay lumabas na sa aking kwarto,paglabas ko ay nakita ko si lola na busy sa pagluluto at si lolo naman ay tinutulongan si lola sa pagluluto.

"Lola,lolo ako napo diyan umupo muna kayo".

"Salamat apo" sabay sabi nilang dalawa.

      

Loved by youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon