Alina's POV
"The court grants the defendant's motion for judgment as a matter of law. The plaintiff has not provided enough evidence to sustain their claims. The case is resolved in favor of the defendant."
Nagpantig ang tenga ko nang marinig ko ang sinabi ng Judge at hindi pa maiproseso ang mga nangyayari. Nagbunga rin ang ilang gabi kong walang tulog para maresolba ang problemang ito bago man lang bumalik si Yanna. "Oh gosh Alina! You won! You won!"
Naramdaman ko nalang na may yumakap sa akin dahil parang lumulutang pa ang isip ko kung saan pero ang mata ko ay naglulumikot hanggang sa mapadpad ito sa babaeng nakatingin na pala sa akin kanina pa. Binigyan ko ito ng ngiti at tumango lang siya sa akin bago ito lumabas ng hindi man lang ako nilalapitan. Nadismaya ako sa ginawa niya. "You literally won the case, Alina. You finally made it." Marcus as he ruffled my hair.
Napasimangot naman ako sa ginawa niya. "Tara treat ko dahil napatunayan na walang kasalanan si Alina sa nangyaring aksidente at pakulo lang pala ng pekeng pamilya ng lalake na iyon para huthutan ka ng pera." Sabay sabay kaming napatingin kay Zach nang magsalita ito.
"Weh? Libre mo? Totoo ba 'yan Zacharias? Baka nanguuto ka lang ha? Kailan ka pa natutong manglibre?" Sunod sunod na tanong ni Zeze sa kaniya at nagdududang lumapit siya kay Zach na ngayon ay nakakunot na ang noo at nakasimangot.
"Syempre hindi ka kasali, sila lang," Zach replied as he walked out of the room, shaking his head.
Lahat kami napatingin sa kabilang parte ng kwarto nang makarinig kami ng ingay. Kita ko ang pekeng ina ng biktima na nakatingin sa akin ng masama habang dinuduro ako. "Makikita mo ring babae ka. Balang araw pagbabayaran mo ito. Magkamatayan man." Madiin na turan ng ginang na siyang nagbigay ng kakaibang kilabot sa buong katawan ko.
"Don't mind her, Alina. She must be disappointed about this case." Hinila ako ni Zoe at hinayaan ko nalang siya na hilahin ako habang nakasunod lang sa amin ang iba pang mga kaibigan namin. Pagkadating namin sa parking lot ay nadatnan ko pa si Katalyna na papasakay ng kotse ngunit may kasama itong babae. Nakangiti pa siya na kinasimangot ko.
"Sino tinitingnan mo?" Jade suddenly asked me and glanced in the direction I was looking. However, Katalyna's car was already gone.
"Wala," Walang ganang sagot ko sa kaniya at sumakay na sa kotse ni Marcus at sila Zeze naman ay doon sa kotse ni Kalein.
Tahimik lang akong nakaupo. "Sa usual gala to go ba tayo?" Tanong ni Venny pagkapasok niya ng kotse.
"Yes, kay Tito Lino tayo ng resto." Turan ni Kalein kaya tumango lang kami at hindi na umimik.
Pansin ko naman ang patingin tingin ni Marcus sa rear view mirror niya kaya naman ay tinaasan ko siya ng kilay. "Are you okay?" He mouthed.
I just nodded my head in response and thankfully hindi na siya nagtanong pa ulit at tumingin sa akin hanggang sa makarating kami sa resto nila Tito Lino at as usual bunganga ni Zeze at Zach ang maririnig sa buong resto. Mabuti na lang ay mabait si Tito Lino kung hindi kanina pa kami napalayas rito. Wala rin naman kaming natatanggap na reklamo mula sa ibang customer. "Nandito na naman kayong mga batang kayo. Wala ba kayo mga trabaho ha?" Tito Lino asked, giving us the menu.
"Wala po Tito, We accompanied Alina, to the trial." Sagot ni Aelliana sa tabi ko kaya naman ay nagulat si Tito sa sinabi niya at maagap na tumingin sa akin.
"Why? What just happened?" Nagaalala niyang tanong pero ngumiti lang ako sa kaniya para masigurado kong ayos lang ang lahat.
"I won the case, Tito. Nagkaroon kasi ng aksidente sa site nu'ng mga nakaraang linggo at ang gusto ipalabas ng magulang ng biktima ay bayaran ko sila ng limang milyon kung hindi dedemandahan niya ako but to their dismay, gusto lang nila ako huthutan ng pera at ginamit lang nila ang kinukpkop nilang biktima." Pagpapaliwanag ko at tinuro ko kay Tito ang gusto kong orderin na pagkain kaya tumango tango siya sa akin.
YOU ARE READING
Rekindled Love
ФанфикTwo hearts in love found themselves wounded by a single mistake, a rift that seemed insurmountable. The question lingered: could they ever return to the way they were? Like a candle once snuffed out, could their love be rekindled to bring light and...