CHAPTER - NINE

793 36 6
                                        

Alina's POV

Tahimik lang ako na kumakain at nakayuko, maiwasan lamang ang mga titig ng babaeng hindi ko nanaisin na makita ngayon pero kapag minamalas ka nga naman. Ang liit ng mundo para sa amin dahil siya pa ang kinuhang abogado ni Lola Carlita para katulong nito sa Testamentary Will niya.

Sa dami dami ng abogado siya pa talaga, nandiyan naman si Attorney Cortez ang asawa ni Isla pero bakit siya? favorite ba siya ni Lord?

"Naku Attorney nag abala ka pa." Napatingin ako kay Lola na tila nahihiya sa hawak nito na sa tingin ko ay galing sa isang pisti.

May hawak na kahon si Lola at nang buksan niya iyon ay isang Wild Ginseng ang laman nito. Nanlalaki ang mata ni Lola nang makita ang laman ng kahon. "Ang mahal nito Attorney, hindi ko matatanggap ang ganitong bagay." Ngunit nang balak ng ibalik ni Lola ang kahon ay umiling ang isa.

"I insist po, this is really for you, Mrs. Vallega. I got it from Korea, and the moment I saw it, you instantly came to mind, so I just had to get it for you." Aniya kay Lola kaya wala naman nagawa si Lola kundi tanggapin ito at may pagiingat na nilagay sa may lamesa.

I sighed as I sat there, staring at my empty plate. I decided to get up without saying goodbye to Lola since they were both too busy with each other anyway. Dumeritso nalang ako sa kwarto ko at pasalampak na humiga sa kama. Tanging maleta at wallet ko lamang ang nandidito sa akin dahil nga ang phone ko ay hindi pa nababalik sa akin ng pisteng abogadang 'yon.

Kung may balak nga ba siyang ibalik 'yon.

With an annoyed huff, I got up and headed to my luggage to change into something more comfortable. Pulling on a pair of shorts and a spaghetti-strap tank top, I figured there was no need to dress up since I'd just be lounging around the house. Maybe I'd go out later or even tomorrow, depending on what mood strikes me. For now, the day was mine to let unfold.

After getting dressed, I stepped out of my room. There's no point in staying there if I'm just going to sit around doing nothing. Baka hindi ko pa maenjoy ang pagsstay ko rito, masayang lang ang ipinunta ko.

"Pinapababa po kayo ni Lola Carlita, Ma'am."

Napatalon ako sa gulat nang pagbukas ko ng pintuan ng kwarto ko ay bumungad sa akin ang isa sa mga katiwala ni Lola, sakto pa talaga na paglabas na paglabas ko.

"Ginulat mo naman ako." Turan ko sa kaniya pero bahagya siyang yumuko.

"Pasensiya na po, Ma'am." Paumanhin niya pero ngumiti lang ako riito.

"Ayos lang 'yon tsaka 'wag mo na akong tawaging Ma'am, call me by name Alina."

"Okay po, Alina." Napangiwi ako dahil may po talaga siyang ginagamit.

"And about that, 'wag ka na rin mag po sa akin dahil mukhang mas matanda ka lang sa akin ng ilang taon." Ani ko pa bago ito iwan na mag isa sa taas. Iilan sa mga katiwala ni Lola ay naglilinis ngayon.

Pagkababa ko ay isang binatilyo ang nakita ko at tila natuod sa kinatatayuan niya ng makita ako ngunit nang sikuhin siya ng katabi nito ay agad siyang umiwas ng tingin kaya ngumiti ng alanganin sa akin ang katabi niya na siyang sinuklian ko lang din ng ngiti.

I couldn't help but roll my eyes as Lola's voice echoed once more, chatting with the lawyer the one person I absolutely couldn't stand to see. Nasa may sala sila ngayon naguusap ngunit nilagpasan ko lang sila pero mali na ginawa ko pa 'yon dahil nakita ako ni Lola.

"Alina, apo ko." I sighed as I went towards their direction. I quietly sat besides Lola, avoiding ng gaze of that woman.

"Saan mo balak pumunta iha?" Pagkuwang tanong ni Lola nang makaupo na ako.

Rekindled LoveWhere stories live. Discover now