Alina's POV
"Miss Vallega!"
Nilingon ko ang tumatawag sa akin at napakunot ang noo ko ng humahangos na lumapit sa akin ang isa sa mga tauhan namin. Habol hininga, tagaktak ang mga pawis at tila hindi mapakali dahil sa mukha niyang nababakasan ng takot.
"What is it?" I asked, eyeing him.
"Nagkaroon daw po ng problema sa construction site, may isa daw pong worker ang naaksidente at sinusugod na po ngayon sa hospital. His family knows about it and wants to sue our firm due to their beloved son's accident." Pagpapaliwanag niya, kaya pala ganiyan ang itsura niya na tila hindi mapakali at halata ang kaba sa ayos.
Napahilot ako ng sentido atsaka napapabuntong hininga, malaking problema ito. Ayaw ko naman sabihin kay Yanna dahil nasa bakasyon na siya kasama ang asawa nito, gusto kong bumawi ang pinsan ko sa pamilya niya at huwag niya naman masyadong ituon lahat ng pansin niya sa trabaho.
"Please don't tell this to Yanna. Inform the others not to tell her about it. Understood?" Utos ko sa kaniya at agad itong sumunod.
I hurriedly returned to my office, and almost all the employees I passed by were avoiding me, probably because of my unkempt appearance. Who wouldn't, right? I'm facing a big problem now all by myself, but I need to face it because it's my responsibility as their boss.
Kinuha ko lang ang mga gamit ko at susi ng sasakyan bago ako dumeritso sa may parking lot, may pagmamadali ko ding isinalpak ang susi sa may ignition switch at nang umandar na ay tsaka kong minaniobra ang sasakyan papunta sa construction site. Damn ito ang unang pagkakataon ko na makaengkwentro ng ganito sa tagal kong katrabaho si Yanna.
Alam ko na sinisiguro namin ang bawat kaligtasan ng mga tauhan namin ngunit paanong nagkaroon ng aksidente? Bago pa namin sila isabak sa kanilang trabaho ay may pinapabasa pa kami sa kanila na Safety Protocols.
I sighed deeply. Lost in my thoughts, I didn't even notice that the stop light had turned red until someone honked at me, jolting me out of my reverie. I mentally cursed myself, madadagdagan pa ang problema ko dahil sa kalutangan ko.
"What the hell?!" Napabulaslas kong turan ng may isang kotse ang humarurot papunta sa harapan ko at agad na hinarangan ang dadaanan ko, dahil doon ay napapreno ako bigla.
What's with me today? sunod sunod ang kamalasan ko.
Bumaba ako para puntahan ang siraulong balak ata akong patayin pero ganu'n nalang ang pagkunot ng noo ko ng mamataan ko ang pamilyar na kotse na siyang kamuntikan ng bumangga sa aking noong mga nakaraang araw.
Kinatok ko ang bintana nito ngunit wala ata siyang balak pagbuksan ako kaya sa inis ay mas nilakasan ko ang katok, maya maya ay bumaba ang nasa driver seat, revealing a guy in suit.
"Do you have plan to kill me?" I calmly asked, glaring at him.
Instead of answering, it just slightly bowed his head, which surprised me. but the door at the back of the car opened. Dahan dahang bumaba ang taong sakay nito, only to see a woman whom I hate. "Attorney?" Wala sa wisyo kong tanong.
She's wearing Yuna Tailored High Rise pants as her bottom, while her top is the Ling Belted Tailored Vest paired with an Ardeen Tweed Jacket and a pair of beige heels. Her refined sense of style exudes both elegance and class, making her a timeless icon of sophistication.
And I can't help but stare at her. She's...
She's breath-taking beautiful. Ang simple lang ng suot niya pero bumabagay sa kaniya, kahit nga ata ipasuot mo siya ng basahan magmumukhang mamahalin ang basahan dahil sa ganda niyang taglay.
YOU ARE READING
Rekindled Love
Hayran KurguTwo hearts in love found themselves wounded by a single mistake, a rift that seemed insurmountable. The question lingered: could they ever return to the way they were? Like a candle once snuffed out, could their love be rekindled to bring light and...