Chapter 12 : Q and A

172 5 0
                                    

A/N: Hi guys! Sorry napatagal po yung hiatus ko. Medyo naging busy lang po sa school at kung ano pang mga bagay. Hahahaha. Anw, ito na po yung update na ilang linggo ko ata ginawa. Actually, akala ko hindi ko to matatapos, but thank God for giving me new ideas. Salamat po pala sa mga nagsusupport parin. Natagalan po to kasi gusto ko po from now on, every UD is worthy of your time. At, sana nga worth it basahin. Hahahaha. Enjoy! :)

Vote na din po kayo and Comment para masaya :D

Sam's POV

Saan kaya ako dadalhin nito? Ano kayang ginagawa namin dito? Wala lang naman pasabi to. Sana naman may idea ako no? Ay, teka nga. Baka naman nagpapasama lang to magshopping tapos ako yung pagbubuhatin niya ng mga bibilhin niya! Pero, may mga bodyguards naman siya. Bakit pa niya ko kailangan dito? Hindi eh. May nasesense akong pinaplano nito eh.

"Hoy!" Nagulat naman ako dito. Napakahilig talaga nito manggulat eh no! Bahala ka hindi kita papansinin.

Tuloy lang ako sa paglakad. Bahala siya diyan. Ang sosyal talaga dito. Ang gaganda ng mga tinitinda nila. Nakakapanibago. Kailan bako huling lumabas para bumili ng damit? Hmmm.... Napabayaan ko na yung sarili ko simula nung iwan kami ni papa. Wala namang dahilan para magayos pako, lalo na't galit nga ko sa mga lalaki diba?! Hay nako, Sam. Tumigil kana kasi kaka-daydream na balang araw may dadating na prinsipe at sasagipin ang prinsesang hindi naniniwala sa forever and they will live happily ever after. Nooooo! Unang-una hindi totoo ang mga prinsipe sa mga fairytale kasi wala namang perpektong lalaki. Mas lalong hindi totoo si absolute boyfriend! Pangalawa, hindi ako prinsesa. Hindi ako maganda kaya wag na nating ipilit pa. Pangatlo, WALA PARING FOREVER!

"Hoy! Ano kaba?! Bingi ka ba?!" At isa pa, itong mokong nato ang dahilan kung bakit mas lalo akong nabi-bwiset sa mga lalaki! Napakabossy! Nakakairita! Buti nalang talaga at nasa mall kami kung hindi sinikmurahan ko na 'to.

"May pangalan ho kasi ako. Hoy ka ng hoy eh aba malay ko kung sinong tinatawag mo." Sagot ko sa kanya na may halong pangiinis. Sana naman at nainis siya.

"Arte mo." Aba! Aba, teka lang. Ako pa talaga yung maarte?! Eh sino kaya tong nagpasama dito para lang gawin akong alalay! Eh, sana nasa bahay ako ngayon gumagawa ng assignments at nagpapahinga. Wala! Nandito ako kasama ng pinakamayabang at pinakanakakainis na nilalang sa buong mundo!

Sasagot sana ako para sabihan siya ng 'gago', kaso natigilan ako ng hawakan niya ko sa kamay at hilahin papunta sa isang store. Tingnan mo naman talaga to. Ano ko? Aso na pwedeng hilahin kung saan-saan?! Pumapalag ako pero napakalakas ng halimaw na 'to.

"Teka nga. Teka nga! Bitawan mo ko! Nasasaktan ako!" Pinipilit ko paring makawala sa pagkakahawak niya sa kamay ko. Ang sakit ah! Kailangan ba sapilitan? Marunong naman akong maglakad!

"Tumahimik ka nga. You're acting like a kid. You're getting everyone's attention. We have no time to waste. Kaya sumunod ka nalang." Then, binitawan niya yung kamay ko. Hindi naman nako nakapagsalita kasi mukhang seryoso siya. Nakakapagtaka talaga 'to.

Pagpasok namin tumambad sakin ang naggagandahang mga damit. As in, wala akong nasabi. Grabe, pangarap kong makapagsuot ng mga ganito. Naaalala ko nung bata ako binibilhan ako ni papa ng mga dress tapos tuwang-tuwa ako kasi pagkatapos non alam kong kakain kami nila mama sa restaurant. 'Yon yung mga pinakamasayang araw ng buhay ko. Pero, bakit kaya kami nandito? Akala ko ba siya yung magsho-shopping? Oh my G! Hindi kaya may GF to? Hindi kaya bibilhan niya ng damit 'yon? Eh, bakit ako yung sinama niya? Eh di sana yung babae. Baka naman siya yung magsusuot! Sinasabi ko na nga......

Baka May Forever?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon