Chapter 11 : First Kiss

173 6 2
                                    

Author's Note: Pasensya na po at natagalan sa update. Napansin ko po kasi na parang nagiging sabaw na yung mga chapters lately. Sorry din po kung puro dialogue yung last chapter. Tuwang tuwa lang ako sa mga eksena, kaya puro dialogue nalang hahahaha. Pero nagbabasa na rin po ako ngayon para naman madagdagan yung nalalaman ko, tsaka para sa new ideas. Pasensya na talaga first story ko po kasi to :D

Malapit na din po pala tayo mag 2k reads! Thank you po sa patuloy na nagbabasa at sumusuporta! :* Ito na po yung bunga ng ilang araw kong pagpupuyat hahaha.

Enjoy! Vote and Comment kayo hahahaha :D

☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆

Sam's POV

"Huy! Bakit di mo ginagalaw yang pagkain mo? Aba'y kanina ka pa tulala ah. May problema ba?" Tanong ni mama na napansin ang pagkawala ko sa aking sarili.

Iniisip ko pa din yung nangyari kanina. Bakit niya kaya ginawa 'yon. Anong dahilan at hinalikan niya ko. Parang naghahalo yung nararamdaman ko. Hindi ko alam kung magagalit ba ko o matutuwa. Teka! Bakit naman ako matutuwa! Hoy, Samantha! Umayos ka. Hindi pwede! Hindi ka pwedeng mafall sa kanya. Kasunduan lang 'to, walang personalan. Tsaka.... malabo din naman na magustuhan niya ko. Bakit ba ganito yung nararamdaman ko? Posible bang may gusto na ko sa kanya? Sana kasi nasabi niya kung bakit!

"Si Vince ba?" Biglang tanong ni mama na nagbalik sa akin sa reyalidad at nakapukaw ng aking atensyon. Bakit ganon pag naririnig ko yung pangalan niya, nagiging alerto ako.

"Sabi ko na eh. Alam mo kung may problema kayo normal lang yan. Lahat ng relasyon dumadaan diyan. Bata ka pa, wag mo masyadong pagtuonan ng pansin ang buhay-pagibig. Hindi ko naman sinasabi na 'wag mo seryosohin, dahan-dahan lang. Hindi ordinaryong tao si Vince, hindi ordinaryong relasyon ang meron kayo." Sabi ni mama na seryoso akong pinapayuhan. Kung alam lang niya na hindi totoo 'to, siguro nabatukan at napalo na ko. I'm sorry, ma. Ayoko lang naman na magalala pa kayo. Sana pagkatapos ng palabas na 'to ay magkaroon na ko ng lakas ng loob na aminin sa inyo ang lahat.

"Ahhh. Opo. Salamat, ma." Pagpapasalamat ko sa kanya para sa lahat ng bagay. Kahit kailan hindi niya ko pinabayaan, kahit dalawa nalang kami. Lagi siyang nandiyan.

Natapos ang aming hapunan at tinilungan ko si mama sa paglilinis ng mga hugasan. Umakyat na din ako sa taas, pagkatapos.

Binuksan ko ang aking laptop at nagcheck ng facebook. As usual, hindi nako nagulat at sabog ang inbox ko dahil sa mga pagbabanta, pananakot, at pagtatanong. Eh, asan sila ngayon? Takot lang nila kasi palagi kong kasama si Vince. Tama nga siya, unti-unti nang nagiging maayos ang lahat.

-Phone rings-

"Sunduin kita bukas. Si Vince to. Pano ko nakuha number mo? Wag kana magtanong."

Ano daw?! Alam ko naman na araw-araw mo kong susunduin. Hindi mo na kailangan sabihin! Sino nga kaya nagbigay ng number ko sa ugok na to? At teka! Wala parin siyang paliwanag tungkol sa nangyari kanina?! Ano to hinalikan niya ko tapos, tapos na! I deserve an explanation! First kiss ko yon! Tapos ganun lang?! Hindi pwede to. Kailangan ko siyang harapin, kailangan kong malaman. Kung may gusto siya sakin, fine! Magkalabasan na ng feelings!

"Hoy, walang hiya kang lalaki agahan mo ang punta dito bukas. Maguusap tayo!"

-message sent-

Flashback

Bigla kong nalang naramdaman ang kanyang mga labi. Hinahalikan niya ko?! Oh my! Pero bakit ganito, hindi ako makagalaw. Gusto ko siyang itulak, sampalin. Pero parang wala akong lakas. Para akong napako sa kinakatayuan ko, para akong binubuhusan ng maligamgam na tubig. Ramdam ko yung init ng kanyang mga labi. Pumikit ako at masnaramdaman ko ang presensya niya. Parang kaming dalawa nalang. Mabilis ang kabog sa aking dibdib at parang may mga lumilipad na paru-paro sa aking tiyan. Nararamdaman ko na para kaming umiikot habang mabagal ang paggalaw ng lahat. Posible bang....Posible ba na may nararamdaman na ko para sa kanya?

Baka May Forever?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon