Chapter 6 : My Hero

220 9 3
                                    


Guys, pinalitan ko na yung cover. Sana nagustuhan niyo :)

Kung may mga pagkakamali man minsan sa gawa ko, sorry. Kung grammar man or else. I know dapat sa umpisa ko pa to sinabi, sorry baguhan lang hahaha

Kung may suggestions man kayo, feel free na sabihin yun sa comments section. I'll do my best na gawan ng paraan :)

Please vote and promote/share my work, kung nagustuhan niyo.

Enjoy!

Sam's POV

Papasok nanaman ako. Hayyyy. Ano nanaman kayang mangyayari ngayong araw. Hindi! Kaya mo to Samantha! Bakit ka matatakot sa mga yon? Wala ka namang ginagawang masama.

Lord, gabayan niyo po ko please. Thank you po. Sana maging maayos na ang lahat.

"Ma, alis na po ko."

"Oh, sige mag ingat ka ah. Mag pray ka bago umalis."

******

"Manong bayad po. "

Bakit kaya galit na galit yung lalaki na yon nung nagkita kami sa rooftop. Napakasama ng bibig nun. Kala mo naman kung sinong gwapo. Mukhang bakla naman. Eh, mas makinis at maayos pa yun kesa sakin eh. Siguro may ginagawa yung kababalaghan, tapos natatakot siyang mahuli ko siya. Bastos talaga yung loko na yon.

"Bmmmp Bmmmp Bmmmmp"

"Sam, text mo ko mamaya pag nasa school kana. Samahan na kita papasok sa first class mo. Baka may mang trip nanaman sayo. Kawawa ka naman. Mamaya wala ka nanamang palag :D"

"Tsssss. Isa pa tong mayabang na mokong na to. Kala mo naman di ko kayang lumaban! Aba! Kung alam lang nila!"

Ayyy. Nakatingin sila. Nako, napalakas nanaman. Tskk.

"Sorry po. Nacarried away lang po. Sorry."

Jusme nakakahiya ka talaga! Act natural nalang. Baka isipin nila nababaliw nako. Hayyy, nako namaaaaaaaan.

"Ayyy. Lagpas nako. Para! Manong paraaaaaaaaa!!! Nako si manong bingi."

Itetext ko pa pala si Ross. Kailangan pa kasi magkita, eh kaya ko naman magisa. Wow, may mga halaman na dito sa walkway. Buti naman at may magandang napupuntahan yung malaking tuition dito. Hay, thank God at nakakapasok pa din ako sa scholarship. Malaking tulong din yon kay mama.

Bakit nakatingin tong mga to sakin. Masama nabang dumaan sa walkway. Bakit pati mga lalaki ngayon. Nagsisitinginan na. Ano, fanboys naman ni Vince? Hahaha. Eto pa, aba pangiti ngiti nalang. Mukhang manyak. Grabe, kala mo huhubaran kana eh. Ano bang meron ngayon? Hmmm, baka mga palabas nanaman to ng mga gigil na gigil na fans ni Vince.

"Asan naba yung phone ko? Bwisit naman. Ngayon pa nawala. Kainis naman. What the.............. Ano to!? Ughhhhhh. Siraulo kayong mga babae kayo. Ako punong-puno nako sa inyo ahh! Humanda kayo sakin! Pag naabutan ko kayo, nako!!!"

Hayy. Ang mga baliw na fangirls nanaman ni Vince. Basain ba naman ako ng tubig gamit yung hose na pandilig sa mga halaman ni Mang Toto. Pano nalang ako papasok nito. Mga panira talaga ng araw!!! Shhhhhhhhh...

"Asan na yung mga yon?! Ahhhhhhhhhhh!!!!! Mga duwag! Kala mo kung sinong matatapang!"

Pano ako matutuyo nito ngayon. Wala pa naman akong dalang damit! Hindi, wag kang papatalo sa kanila. Kaya mo to. Wag mo ibibigay yung kung saan sila masaya. Dumaan ka nalang ng simbahan. Ipagdadasal ko nalang tong mga taong to. Nako, calm down. Calm down. Hoooooooo.

******

"Oh, anong nangyari sayo? Bakit basang-basa ka? Teka, parang alam ko na. Sila parin ba?"

"Oo eh, hahabulin ko nga sana para kalbuhin ko yung mga yon. Kaso nawala bigla eh. Hayaan mo na. Kaysa naman makiusap ako don sa Vince na yon. Mas hambog pa yon sa pinakahambog. Asa niyang susukuan ko sila."

"Yan eh, ang tapang naman pala eh. Wag ka mag alala kapag di pa tumigil yung mga yon. Magugulat nalang sila."

"Bakit naman? Ano namang gagawin mo?"

"Wala. Wala. Sige na. Eto oh kunin mo na."

"Teka. Teka. Anong ginagawa mo? Pano ka naman niyan wala kang susuotin."

"Ok lang ako no. Wag ka ng magalala. Kayo ko naman. I'm superman! Hahahaha. Basta importante ok ka. Tsaka, eh may dala kabang damit?"

"Wala. Alam mo salamat. Sobrang thankful ko na andyan ka palagi. Ang swerte ko talaga sa bestfriend ko! Pogi na. Maasikaso pa! Yan ang boyfriend material."

"Hahahaha. Wow naman. Lakas naman. Puring-puri naman ako don. Parang gusto ko na ipahiram pati pants ko ahhh. Hahahahahahaha"

"Eh, kaso walang forever sa love Ross. Kaya wala rin sayang ka lang hahahahahahaha jk"

"Awwww. Yun lang. Kahit tayo nalang?"

"Oo naman. Satin lang may forever hahahaha"

"Oh? Talaga?!"

"Forever Bestfriends! Kaya thank you talaga."

"Ahh.. Ganun ba. Ah, Sam. May sasabihin ako sayo. Sam...................."

Bakit ba nakatingin tong mga to sakin. Kanina pa papasok palang ako ah. Nakakainis naman. Ano, ako nalang center of attraction? Teka, ano yun??? Bakit parang... Ako yun ah! Ano tong mga nakasulat. (Samantha Andrade: The Fake Virgin. Couples beware. Girls wag niyo iiwanan bf niyo, malakas kamandag nito. Mangaagaw. Malandi. Masmatindi pa po siya sa bahay, always for rent. I saw her kasama si Sir, I wonder what they did. Iniwan ng tatay, ipinagpalit sa kabit.)

"Ano bang ginawa ko sa inyo? Mga hayop!!!!! Kala niyo kung sino kayo! Mga sinungaling!!! "

Mga taong mapanira ng buhay ng may buhay. Para masira lang buhay ng iba, kailangan pa halungkatin yung mga bagay na personal. Kailangan pa ipangalandakan sa buong school yung mga bagay na wala namang katotohanan. Oo ako na! Ako na lahat!

"Sam tama na! Sam! Isumbong nalang natin to sa department. Sila nalang magtatanggal niyang mga posters na yan. Tama na."

"Tingin mo ba makikinig sila satin. Hindi! Mga tuta lang naman sila ng mga mayayaman na yon!"

"Hoy! Lumabas kayo mga duwag! Mga matatapang lang kayo dahil sa mga pera niyo! Ano bang ginawa ko sa inyo ha! Dahil ba yon sa picture na yon! Hindi yon totoo katulad ng iniisip niyo! Kung sino ka mang kumuha ka ng picture na yon, makonsensya ka naman! At kayo naman, yung napakaliit na bagay pinapalaki niyo! Tigilan niyo na ko! Tama na!!!", Sam.

Minsan kailangan mo din ilabas yung sama ng loob mo na pasigaw sa mga tao. Tingnan mo, nanamihik tuloy sila. Minsan hindi rin sagot yung pananahimik. Umabot pa tuloy sa ganito. Kasalanan ko din to.

"Aray! Arayyyyy!! Tama na! Huwag! Tama na please. Tigilan niyo na ko. Ayoko na."

Hindi ko na kaya. Masmasakit pa yung hindi ka pakinggan at pahiyain kesa sa mga binabato nila saking mga bagay. Kung ano-ano. Itlog, harina, mga kung anong pagkain, mga nakasupot na tubig. Di ko nga alam kung tubig ba to. Wala nakong maramdaman, wala nakong marinig. Namamanhid na yung katawan ko. Masyado ng mabibigat yung mga bagay na binabato nila. Ayoko na. Suko na ko. Asan na kaya si Ross.

Teka, may bumubuhat sakin. Sino ba to? Hindi ko na maaninag yung mukha. Pagod nako. Pipilitin kong tingnan. Siguro si Ross to. Hindi si Ross. Parang pamilyar. Si Vince. Bumibilis nanaman yung tibok ng puso ko, mas lalo akong nabingi. Dug-dug-dug nalang naririnig ko. Bakit ganun diba galit ako sa kanya. Bakit ganito yung nararamdaman ko. Para siyang anghel. Napansin ko nanaman yung maamo niyang mukha. May sinasabi siya sakin.

"Ok na Sam. Sorry."

"V...vince."

Baka May Forever?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon