Chapter 8 : The Players

152 8 5
                                    

Katamtaman na liwanag. Malalim na katahimikan. Dalawang tao sa loob ng isang silid. Ang isa ay mahimbing na natutulog at nagpapahinga at ang isa naman ay pinagmamasdan siya. Mukang may malalim na tumatakbo sa isipan niya. Hindi maitatago sa kilos ni Vince na nagaalala siya para kay Sam, kahit ano mang pilit niyang pagtanggi. Sabi nga nila "Actions speak louder than words".

Hindi iniwan ni Vince si Sam. Marahil hinihintay niyang magising si Sam para ipaliwanag dito lahat ng nangyari. Hindi niya alam kung pano ito sisimulan pero alam niyang kailangan niya tong sabihin sa kanya. Importante na malaman ito kaagad ni Sam para hindi na siya magtaka sa mga maaaring mangyari na pagbabago sa kanyang buhay. Paniguradong kumalat na ang balita sa loob at labas ng EmpireU. Ang nagiisang anak ng pinakamayamang pamilya at pinakamatunog na pangalan sa bansa, may girlfriend na. Si Sam lang naman ang kauna-unahang naging girlfriend ni Vince, pwera lang kung sinagot sana ni Kate si Vince. Sana ay mapaghandaan ni Sam lahat ng pwedeng mangyari. Siguradong pagkakaguluhan siya ng mga tao.

Maayos na ang lagay ni Sam. Hindi naman siya nagtamo ng malalim na mga sugat, ngunit nagkaron siya ng mga galos at pasa. Nagamot na ng maayos ang kanyang mga sugat at nabigyan narin siya ng pain reliever para maibsan ang mga sakit at makapagpahinga siya ng maayos. Sandaling oras nalamang, maaari na siyang magising.

Hinihintay na lamang ni Vince na makarating si Mrs. Andrade para masundo si Sam kung sakaling magising na ito. Kailangan niyang ipaliwanag kay Mrs. Andrade kung anong nangyari sa anak nito. Siguradong nagmamadali at sobrang nagaalala na ito kay Sam sa mga oras na yon. Sasabihin ni Vince ang totoo at hihingi na lamang siya ng tawad.

"M...Ma? Ma?", nagising na si Sam at hinahanap nito si Mrs. Andrade.

"Ahh...Sam. Tinawagan na namin yung mama mo. Papunta na siya dito", Vince.

"Vince? Bakit? Nasaan si.....", nagtataka si Sam kung bakit hanggang ngayon ay wala parin si Ross ngunit alam at natatandaan niya na si Vince ang nagdala sa kanya sa clinic. Hindi lang niya maintindihan kung bakit wala parin ang bestfriend niya at saan nagpunta ito.

"Ako ang nagdala sayo dito. Sakin ka magpasalamat", marahil alam na ni Vince kung saan papunta ang sinasabi ni Sam.

"Vince, salamat. Maraming salamat. Hindi ko naiintindihan kung bakit mo to ginagawa. Nung isang araw lang magka....."

"Gusto ko lang bumawi. Alam kong sobra na yung ginagawa nila sayo. I just can't stand the fact that they are doing that to you even though our problem has nothing to do with them. I'm.... I'm Sorry.", pagpapaliwanag at paghingi ng tawad ni Vince na parang ayaw pang aminin na nagkusang loob siyang tulungan si Sam.

"Ahh...... Sorry din.", medyo nabigla si Sam sa mga sinabi ni Vince. Siguro, hindi niya akalain na kaya naman palang maging mahinahon at humingi ng tawad ng pinakamayaman at akala niyang pinakahambog na tao sa Pilipinas. Siguro minsan hindi nga nagtatagal yung first impression.

"So, I guess patas na tayo. May utang na loob ka pa nga sakin.", tila parang nagpaparinig kay Sam.

"Oo na. Salamat na poooo."

"And because of that, you have to repay me.", mukang may naisip na plano si Vince.

"Ha?! Ano nanamaaaaan? Akala ko ba patas na tapos meron ka pang I have to repay you na drama diyan.", nagtataka na sagot ni Sam.

"You will be my girlfriend for the whole semester, and it involves doing things for me. By the end of this sem, hopefully bayad mo na lahat ng utang na loob mo sakin."

"Ano?! Hindi! No! There's no way na papayag ako sa trip mo. Pagtritripan mo lang ako for sure. And, niligtas mo lang naman ako. Eh, hindi mo pa nga nililinis yung pangalan ko sa kanila!"

Baka May Forever?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon