Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa buhay ko. Ginawa ko naman lahat, pero talagang minamalas ako. Hanggang ngayon, wala parin akong stable na trabaho. Palagi akong naaalis dahil sa kamalasan ko.
Kung ano-ano na ang trabahong napasok ko, pero hindi ako tumatagal.
Habang naglalakad ko ay dama kong may parang sumusunod sa akin. Hindi parin ako mapakali at umiba ako ng landas para sana magtago. Pero huli na ang lahat at may humawak na sa kamay ko.
"Tulong." sigaw ko.
Tinakpan niya ang bibig ko. "Shh. Luna, ako 'to."
Hinawakan niya ang kamay ko.
"Sky?"
Tumingala ako. Nakita ko si Skylar.
"Anong ginawa mo dito? Paano mo nalaman ang bahay ko?" tanong ko.
"I just came here because I know exactly where you are."
"Ha? Paanong alam mo? Eh, hindi naman tayo nag-uusap at hindi ko sinabi sayo kung saan ako nakatira, ah." gulo kong sagot.
"Because your here in manila. At sinundan kita nung last time na nagkita tayo. I just want to know kung saan ka nakatira." aniya.
"What happened?"
"Anong what happened ka diyan. Wala. Wala kayang nangyari. Nagulat ako kasi nandito ka. Bakit ka nga ba nandito? Anong ginagawa mo dito?"
Hindi ko siya maintindihan. Hindi ko din alam kung bakit siya nandito at nagawa niya pa akong sundan.
"Wala." tinignan niya ako. "Nag-aalala lang ako.
"Ikaw? Nag-aalala? Kanino, sakin?" Umarko ang kilay ko. "Wala ka dapat ipag-alala Sky. Umalis ka na."
Lumapit siya sakin. Tinignan niya ako ng malupitang tingin pero hindi ako magpapatinag sa kanya. Kung kaya niya mas kaya ko din. Bakit siya nagparamdam na parang multo. Bigla bigla na lang siyang sumusulpot. Nagtago na nga ako para hindi niya mahanap.
"Ano? Diba ikaw ang unang nagtaboy sa akin... sa building nyo, and now what? Babalik ka na parang walang nangyari. Umalis ka na lang, please. Kahit nandito ka pa wala din namang mangyayari. Kaya umalis ka na lang Sky."
Huminga ako ng malalim at kinabahan sa sinabi ko.
"Uhh... Gusto ko lang naman iche-"
"No. Hindi muna kailangan. Kaya ko ang sarili ko Skylar."
Limang segundo siguro bago siya umalis. So, he's watching me all time. Hindi ko talaga maintindihan. Why do people come back if they keep hurting other people? Naghihintay ba siya na patawarin ko siya.
Even I, who feared no one, could sometimes get nervous around him. Minsan lang naman. Kapag nakikita ko siya naaalala ko yung dati. Ayoko na maging punching bag niya dahil gusto niya lang. Isang malaking katangahan 'yon. Tapos ngayon babalik siya na parang wala siyang ginawa sakin.
Sumandal ako sa sofa. Iniisip ko kung paano ako mag-aapply ulit. Matatapos na naman akong baluktot kung katangahan na naman ang iisipin ko. Ano ba kasi talagang purpose ko dito sa mundo, magdusa?
Nakakainis naman, oh.
Umaga na nang nagising ako dahil sa sinag ng araw. Ito na naman ako sa walang stock sa bahay. Parang dumaan lang sa palad ko ang naging sahod ko nung mga nakaraang araw. Sabagay, maliit lang naman ang naging sahod ko hindi ko naman expect na mataas.
Tumayo ako para pumunta ng CR naghilamos lang ako ng mukha ko at nag-toothbrush. Gusto ko sanang pumunta kanila Gette para kamustahin sila. Pero ma-magkano na lang din ang laman ng wallet ko. Masyadong malayo din kung sasakay ako dahil panigurado papunta lang don ang budget ko.
Ang hirap maging mahirap.
Inayos ko nalang ang pinag kainan ko at lumabas labas nalang muna. Ilang buwan na din pala at hindi ko pa nakikita kung saan inilibing si mama. Naalala ko din si tita kung ano na kayang ginagawa niya ngayon kung tanda niya pa ba ako o hindi na.
Dumaan nalang muna ako sa Mall. Hindi naman kalayuan sa bahay kaya naisipan kong dumito muna pansamantala. Magpapahangin lang. Habang naglalakad ako hindi ko maiwasang mapa-isip na sana balang araw makapasok din ako sa mga magagandang store. Yung kaya ko nang bumili ng mga gusto ko.
Habang naglalakad ako para akong namamalikmata sa nakikita ko ngayon. I saw Calvin, and he's not alone. He's with someone. Hindi ko alam ang gagawin ko kung tatakbo ba ako o magtatago. Hindi kami pwedeng magkita at lalong ayoko siyang makita. Anong ginagawa niya dito Manila? At sino yung kasama niyang babae.
Tila may kirot sa puso ko ng makita ko siya. Ayoko 'tong maramdaman dahil panigurado ako ang mag-mu-mukhang bitter saming dalawa. Hindi ko din pwedeng isipin na naka move on na ako ngayong may nararamdaman parin akong sakit. Sa totoo lang ang hirap para sakin na makita ko siyang masaya sa iba. Iniisip ko yung mga panahong kami pa. Naalala ko lahat simula nung pumasok ako sa isang relationship na akala ko totoo ang lahat. Nung una hiyang hiya ako sa sarili ko dahil hindi ko inakala na magiging kami. Halos dalawang taon ko siya naging crush, pogi, mayaman, at sikat sa school namin.
Lagi kong pinapanood ang mga laban niya. Ang paglalaro niya ng basketball. Bawat laban niya ni wala akong na miss sa laro niya or hindi napuntahan. Kaya nung nalaman ko ang lahat, parang sinisi ko 'yong sarili ko. Hindi ko pwedeng tanggapin nalang ang lahat ng 'yon at mamuhay ng masaya. Siya ang first love ko, na naging crush ko, na naging boyfriend ko. Pero siya din ang kauna-unahang sumira ng tiwala ko. Ginawa ko ang lahat, pero hindi enough 'yon para tumagal kami. Hindi din enough iyon para sabihing gusto niya nga ako.
Iniisip ko parang ang bilis niya naman mag move on, oh sadyang mabagal lang talaga ako?
Ang sakit para sakin dahil halos siya lang ang nakakaalam ng buong buhay ko. Sa kanya ko lahat sinasabi. Sa kanya ko din naranasan kung paano ma-inlove. Pero hindi ko alintana na mahirap pala akong mahalin. Mayaman siya. Alam ko. Mayayaman lang din ang gusto niya, katulad niya.
Kaya ngayon, natatakot akong sumugal sa alam kong umpisa pa lang talo na ako. Hanggang ngayon, hindi ko alam kung kaya ko pa bang maniwala o kaya ko bang magtiwala.
YOU ARE READING
Her Shattered Heart
RomanceBakit may mga taong pinaglalaruan ka kahit alam nilang masakit na? Pero, bakit may mga taong okay lang sa kanila kasi mahal nila? At 'yon ang pinakamalaki kong kahihiyan sa buhay ko. Discover the heartwarming love story of, Luna, a young woman with...