Chapter 31

6 0 0
                                    


"Salamat, Lanvin." nahiya pa ako sa tono ko.
"Thank you din sainyo, Gette at Violet."

Ngumiti sila. Kumain kami sa napakadaming pag-uusap namin. Pero hindi ko pa din magawang maging masaya may takot parin akong nararamdaman.

"Ayos ka lang ba Luna?" si Gette.

"Oo. Oo naman. Bakit?"

"Para kasing tulala ka. Huwag muna isipin 'yon total tutulungan ka naman ni Lanvin, diba Lanvin?" tumingin siya dito, kita ko ang pagtungo ni Lanvin don.

"Yeah."

Natapos ang usapan at kainan namin. Nag ayos na din ako ng mga gamit ko dahil sa kagustuhan nilang kanila Lanvin muna ako pansamantalan. Sa totoo lang nahihiya parin ako hanggang ngayon.

Dahil hindi naman kailangan manatili ako doon, kaya ko ang sarili ko at hindi ako natatakot sa kanila.

Nakarating kami sa bahay niya at sa sobrang pag-aalala ko nakalimutan ko ang mga bagay na 'yon. Ang ganda ng bahay nila, este mansion na ata ito. Napakalaki kasya buong barangay. Ngayon lang ako nakakita ng ganito. Napagtanto ko na dapat ba akong manatili sa gantong bahay.

He smiled at me. "It's okay Luna. Make your self comfortable. You can do whatever you want."

Tumakbo ako papuntang sofa nila. Hinaplos ko ito at sobrang sarap sa palad. Halos nakalimutan ko ang lahat. Pumunta ako sa kusina nila tinignan ko ito at wala lang ito kumpara sa kusinang meron ako. Puro glass ang nakikita ko at ang aliwalas ng kulay ng bahay niya. Ang mga pader at kagamitan sa loob sobrang ganda.

Ngayon ko lang napagtanto na kanina niya pa pala ako tinitignan. Iniisip niya sigurong baliw ako. Pero syempre, ngayon lang ako nakakita ng ganto 'no. Wala kaya nito samin. Walang ganto sa amin.

"Ah, pasensya na. Ngayon lang ako nakakita ng ganto. Wala kasi neto samin eh. Haha. Taga bundok kasi ako." tumawa ako.

"Really? Oh, come on. I didn't know that I wished I could give you some of my things."

"No, I'm just kidding. Ito naman hindi mabiro."

He laughed too. Maski ako matatawa. Sino ba namang maniniwala sa ganon. Alam ko mahirap lang ako pero hindi ko pa naranasan manirahan sa bundok. Grabeng lalaki 'to hindi alam ang sarcasm. Totoong seryoso sila sa lahat ng bagay, kaya siguro pati love life nawawalan sila eh.

"Why are you laughing? Am I a clown to you? I just said that I don't live in a forest because I'm scared in the dark." ngumuso ako, pambihira 'tong tao na 'to.

"Okay. Just forget it." aniya at natawa parin.

Ang cute niya. Sa sobrang cute niya magagawa ko na siyang hampasin. Joke lang. Baka palayasin pako neto dito. Nakakatakot naman.

"Are you hungry?"

"No. Busog pa naman ako."

"Are you sure? Or do you want me to bring you to your room first?"

"Talaga?"

Sa sobrang excited ko, napalakas ang sigaw ko. Agad kong tinakpan ang bibig ko, nilingon ko siya, at nakita kong tumatawa ulit. Anong problema niya? Ngayon lang ata siya naka-encourage ng gantong katulad kong excited sa lahat. Sorry, alien kasi ako eh.

Tinignan niya ako, tumatawa parin siya. "Oo naman. Pero wag kang maingay ah."

"Bakit naman? Kinakahiya muna ba ako?"

Sige, ilabas mo tawa mo.

"Nope. I.. I just said that. I mean, because.. damn it. Just forget it, okay? I'll take you to your room."

Bakit siya nauutal.

Habang naglalakad kami hindi ko maiwasang tignan siya. Simple lang ang suot niya ngayon pero ang linis niya tignan palagi. Nakita ko ang isang babaeng bumati sa kanya. Nakasuot ito ng kulay puting pangkasamabahay.

Malayo layo din ang nilakad namin. Siguro kung tatakas ako ngayon maliligaw ako. Sobrang laki nito ang isang kwarto na meron sila bahay na namin 'yon ng mga mahihirap. Nakapasok ako sa loob, normal lang naman ang ayos nito at ang kulay. Sa guest room niya ako dinala.

"So, I'll leave you now. May kailangan lang akong ayusin. If you need anything just call Manang or si ate B. Nasa baba lang sila."

Ngumiti siya, ganon din ang ginawa ko. He started walking while everyone bow at him. Apaka rich kid. Magkano kaya sahod ng mga 'to? Balak ko sanang mag apply. Wala namang masama kung susubukan ko diba.

Bago pa siya makababa hinila ko na agad ang kamay niya. Tinignan niya iyon pero nasa kanya parin ang atensyon ko. Bahala na si batman.

"Pwede ba akong mag apply?" tanong ko sa kanya.

"What?"

"Katulad sa kanila." tinuro ko ang mga kasambahay na nakayuko parin hanggang ngayon.

Binitawan ko ang kamay niya. "Hindi naman pwedeng nandito lang ako, at feeling disney princess. Syempre, kailangan ko ding tumulong. Gaya nila."

Ngayon ang dalawang kamay niya ay nasa bulsa na ng pants niya. Ang mga mata niyang tirik na tirik. Nakakakaba. Papayag kaya siya?

"No. I don't want you to be my maid." simple niyang sagot at umalis ng walang pag aalinlangan.

Ano? Ayaw niya ako maging maid? Pero doon sa hotel kung saan ako nag tra-trabaho hindi niya sinabi 'yon? Ano bang trip neto? Bukas pipilitin ko siya baka naman pumayag na.

Nagising ako sa katok. Narinig ko din ang boses ni Lanvin. Tinignan ko ang wall clock malapit sa closet at nakita kong tanghali na.

Nako, para naman akong Disney Princess neto. Nagmadali akong tumayo at inayos ang buhok ko. Inamoy amoy ko pa ang bunganga ko baka sakaling mabaho, nakakahiya naman. Hindi pa ako nag to-toothbrush.

Tumayo ako at pinagbuksan siya ng pinto. Nakita ko kaagad ang galak niyang ngiti ng makita ako.

"Hi. Good afternoon. Mukhang kakagising mo lang, ah."

Akala ko nung una masama siyang tao. Pero ngayon, parang isang malaking milagro na nandito ako ngayon sa bahay niya. Nandito siya ngayon sa harap ko tinutulungan ako. Siya yung dahilan kung bakit nagagawa ko pang lumaban sa mga bagay na alam kong wala ng pag-asa. Alam ko naging mean ako sa kanya nung umpisa.

Kinusot ko ang mga mata ko. "Oo, tinanghali na kasi ako ng gising. Pasensya na, ah. Sa susunod maaga na ako magigising."

"No worries, Luna. It's okay with me. I know you have a hard day last night."

Inabot niya sa akin ang paper bag. Kinuha ko ito at binuksan. Nagulat ako ng nakita ko ang dress sa loob. Anong gagawin ko dito?

"Ano 'to?"

He smiled at me. "It's a dress. A special dress because your coming with me."

Tinignan ko ang mga kasambahay, nakita kong umiwas sila ng tingin. Nakakahiya naman. Bakit ba niya sinasabi dito? Agad ko siyang hinila at pinasok sa loob. Sinara ko ang pinto.

Nagulat siya. "What are you doing?"

"Wala 'no. Ano ba sa tingin mo hahalikan kita?" tanong ko.

"I don't know. Bakit mo ba ako hinila?"

"Eh, kasi nakakahiya. Hindi mo ba nakita 'yong mga tingin nila satin?"

Her Shattered HeartWhere stories live. Discover now