Chapter 8

6 1 0
                                    

Umaga ng nagising ako dahil sa ingay sa baba. Sa taas ako ng double deck natulog dahil dito ako inassign ng matanda. Meron na daw kasi sa baba.

"Bago ba siya?"

"Nako, ikaw Gette tigilan muna ang pakikipagkaibigan dahil sa dinami dami halos hindi ko na lahat mabilang."

"Ano kaba! Syempre mabait ako, no! Gusto ko lang naman makipagkaibigan, ah."

Tumayo ako para umupo at dinig ang kaluskos ng bakal dahil sa pag galaw ko. Nakita ko sila na nagtatalo sa baba.

"Ang ingay mo, ayan nagising mo." sabay silang tumingin sa akin at ngumiti.

Umiling ang isa at umakyat sa taas para tumabi sa akin. "Ako nga pala si Gette. Sorry, nagising ka ba namin?" ngumiti siya. "Saan ka pala galing? Working student ka din?"

Naalala ko na umalis pala ako sa Cebu at hindi ko alam kung balak ko pa bang mag aral. Mukhang malaki ang gagastusin ko kung mage-enroll ako ngayon. Kailangan ko munang makaipon ng malaki laki para kapag meron na ako, mag e-enroll na lang ako sa malapit na school dito sa maynila. Kamusta na kaya si tita? Siguro, hindi niya na ako mahagilap ngayon umuusok narin siguro ang ilong nun.

"Ako si.. Luna." sagot ko. "Hindi, eh. Lumayas kasi ako sa amin." hinablot ko ang unan at niyakap iyon.

"Huh? So, paano ka ngayon? Ikaw lang mag isa? Buti kabisado mo itong maynila. Nako girl! Anlaki nito."

Tumungo ako.

Napatingin ako sa babaeng kausap niya kanina pero ito ay may hawak na ng libro ngayon. 10:30 na ng umaga pero parang hapon na dahil sa sobrang init sa labas. Napirmi ang titig ko sa labas. Ang labas nito ay nakikita ang kalsada pero may malaking puno na nakatayo malapit sa bintana.

"Hindi nga, eh. Sa totoo lang hindi ko talaga alam ang lugar na 'to. Kailangan ko din maghanap ng trabaho. Naghahanap nga ako pero hindi naman sila tumatanggap ng hindi graduated."

"Nako, ganon ba. Meron kaming alam ni Violet! Pwedeng pwede ka dun diba, Violet Ano bang nangyari at bakit dito ka napadpad?" aniya

"Hoy, Violet. Halika nga dito. Puro ka nalang libro." hinagis niya sa baba ang unan na nasa tabi ko.

Nakita ko na tumawa lang ang kaibigan niya at hindi ito pinansin.

"Ang KJ! KJ! mo Violet! Hindi ba pwedeng staka nayan? Kaya ang boring mo eh!"

Lumipat ang tingin niya sa akin. "Nako, pagpasensyahan muna 'yan si Violet.. mahilig lang talaga siya magbasa at mag-aral ng mag-aral. Ewan ko nga kung bakit andaming nagkakagusto diyan samantalang ang boring niya kasama."

Pinasadahan ko ng tingin ang kaninang nakikipag-usap kay Gette na si Violet at napagtantong tama nga siya. Wala itong pake at patuloy lang sa pagbabasa. Maganda din naman siya kaya normal lang na may magkagusto sa kanya. Mahaba ang buhok at singkit ang mga mata at mapula ang kanyang mga labi. Ang isa naman na katabi ko ang cute, mataba ang kanyang mga pisnge at maiksi lang ang buhok niya.

Pinasandahan ko ng tingin ang sarili ko habang nagsusuklay sa tapat ng salamin. Hapon ngayon at naisipan kong sumama kay Gette para malaman kung anong trabaho ang inooffer niya. Gusto ko din iyon.

"Bakit ka nga pala lumayas sa inyo?" ani Gette.

Tinignan ko siya at nakitang handa na siya para umalis. Wala si Violet ngayon umalis siya kanina kanila lang. Niyaya naman ni Gette ang kaibigan niya para sana sumama sa amin pero tinanggihan niya ito.

"Gusto ko lang magkaroon ng maayos na buhay." ani ko habang pababa kami ng hagdan.

She laugh a little. "Ha? Kaloka ka girl! Lumayas ka sainyo kasi gusto mo ng maayos na buhay? Hello? Hindi ba maayos ang trato sayo ng mga magulang mo, uhm?" ngumuso siya. "Kung sa bagay marami na ang nanay ngayon na wala ng ginagawa kundi sumbat sumbatan ka na lang. Pero minsan kailangan mo na lang din talaga silang intindihin."

Tama nga siya may mga bagay din na hindi lahat kaya mong labanan. Minsan kailangan mo din tanggapin na mali ka at sila ang tama. Sumakay kami ng dyip at hindi din nagtagal ang byahe nakarating din kami agad. Malaking building ito kumpara sa pinagtrabauhan ko nung nasa Cebu pa ako. Pumasok kami sa napakalaking gusali.

"Hi Gette. Ganda mo today ha." ngiti ng lalaking mestiso. "Sino siya?" tanong ng lalaki.

Tama nga ang inaalala ko ibang iba ang Cebu kumpara sa Maynila. May iba't ibang ugali meron ang mga tao. Sa katunayan, mas maganda dito, sabi ng iba. Kaso, patibayan nalang ng lakas pag dating sa mga bagay bagay kasi kung mahina ka at hindi marunong lumaban.. isa kalang itatapon.

Napansin ko ang mga titig niya sa akin. "Oo. Same door kami naghahanap siya ng trabaho kaya dinala ko siya dito." nilingon niya ako. "Luna, si Harvey nga pala. Harvey si Luna." pagpapakilala niya sa amin.

"Luna." sagot ko.

He bit his lower lip. "Uhm.. hi, Luna. Wag kang palasama dito kay Gette masyadong gala 'yan." humalakhak siya.

Tumungo ako. Napagtantong matagal na siguro silang magkakilala. Pumunta kami sa Headquarters ng Maintenance department. Meron din sa first pero madalas ay mga lockers lang ang naroon. Kung saan dito nakaassign lahat ng mga janitress at kung ano ano pa.

"Hi Manang Fei. Ito nga pala si Luna bago siya dito at alam muna kailangan ng trabaho. Ako ng bahala kay Miss. Mia. Hayaan muna yun Manang Fei matatauhan din yun balang araw." ngiti niya.

Hindi ko alam kung ano yung sinabi niya. Hindi ko naman kailangan alamin ang kwento pero kita ko sa mga mata ng matanda na malungkot ito bigat na bigat sa nararamdaman. Medyo may edad na ang matanda. Pero dahil sa hirap ng buhay ngayon kailangan mo nalang talagang lumaban kahit mahirap, okay lang. Normal lang naman mapagod pero habang humihinga ka dapat natututo ka din kung paano gawin o lampasan yung problema mo. Hindi naman tayo perfect at pinanganak agad na mayaman kundi ginawa ito sa atin at binigay upang lumaban.

Her Shattered HeartWhere stories live. Discover now