Chapter 18

6 2 0
                                    



"Sama ka mamaya Luna? Bar naman tayo oh! Puro nalang work, work, party naman." aniya, inuubos ang pagkaing dala ko.

"At staka, holiday naman bukas, ah. Wala tayong work kasama naman sila Avery, Sadie kasama din ni Luke yung katrabaho natin na si Cole. Nagyayaan lang kami kahapon sinabi din nila sa akin na isama ka total wala namang work tomorrow, eh." sabi ni Gette.

Nagdadalawang isip pa ako kung sasama ako pero tama naman siya. Work nalang ng work hindi ko na din natreat ang sarili ko kahapon dahil narin nag ayos ako ng bahay.

"Diba, mahal don?" tanong ko.

"Oo, pero hindi naman tayo pupunta sa mahal syempre pipili tayo ng mga mura lang. Ano, g kaba?" ngumiti siya at nanatili ang tingin ko sa kanyang damit.

"Wala akong pera Gette. At staka kayo na lang." sabay lingon ko sa lalaking palapit sa amin.

"Hay nako, Luna. Isasama ba kita kung wala akong pera. Libre na kita, basta sumama ka ah."

"Pero..."

"Ops! No more excuses kasama kana." ngumiti siya at umalis.

"Hi Luna. Ano 'yung pinag-uusapan nyo?"

Oh! Damn... again... He's here again. Of course! Gusto niya nga makipagkaibigan sakin.

"Bakit ka nandito? Wala kabang trabaho?" ani ko at naglakad papunta sa locker.

Sinundan niya ako pero hindi ko padin siya pinapansin. Ang sipag niya talaga. Nagagawa niyang umaligid sa akin at ngayon lahat ng tao ay pinagkakaguluhan siya.

"Grabe, ang pogi niya talaga."

"Kita mo yung ngiti niya. Diba parang anghel."

"Anong ginagawa niya dito? Bakit niya sinusundan si Luna?"

"Ugh! Nakakainis. Bakit sila magkasama?!"

May iilan pa akong narinig pero hindi ko nalang iyon pinansin. Nang nakarating ako sa taas ay umalis na din siya dahil pinapatawag daw siya ni madam.

Parang bumagsak ang puso ko. May naramdaman akong sakit pero hindi ko nalang din iyon pinansin. Nagpatuloy nalang ako sa paglilinis dahil alam ko hindi iyon mahalaga para pansinin ko pa.

Natapos ang araw ko ng puro paglilinis at pagod na tinahak ang locker room para magpalit. Nakita ko si Gette na lumapit sa akin at pinagmasdan ang suot ko.

Hinila niya ako palabas ng building habang bitbit ang gamit niya at paper bag. Ngayon ko lang narealize na totoo nga yung sinabi niya.

"Saan tayo Gette?"

Umikot ang mata niya. "Saan pa ba? Edi sainyo girl. Kailangan mong mag ayos hindi pwedeng ganyan ka. Malay mo nandun pala yung para sayo."

Nakauwi kami at nakahawak parin siya sa akin. Dinala niya ako sa CR. Binigay niya sa akin ang pulang dress na ngayon lang ako nakakita ng ganon kaganda. Natapos akong maligo at suot kona ngayon ang pulang dress na binigay niya.

Ni hindi ako mapakali sa suot ko dahil sobrang iksi nito para sa akin. Nakita ko siya sa salamin at nag-aayos. Kulot ang buhok niya at ang mukha niya ay puno ng kolorete sa mukha.

"Oh, my god. Ang ganda mo." sigaw niya.

Ngumiti ako. Pinaupo niya ako sa tabi niya. Hindi parin ako mapakali sa suot ko. Parang onting hangin lang ay makikita na ang pang baba ko.

"Ano kaba, Luna! The more na maiksi the more na maraming lalaki." tumawa siya.

Sa totoo lang naasiwa ako sa sinabi niya. Hindi ko alam ang sinasabi niya. Iniisip ko nalang ang mangyayari kung sakaling ganto nga ang suot ko.

Nagsimula siyang ayusin ang buhok ko. Nilabas niya sa pouch niya ang mga make-up na galing sa kanya. Halos ilang oras niya akong inayusin para magmukhang tao. Hindi naman kasi ako mahilig sa ganto, eh. Hindi ko nga din alam kung kaya ko ba 'tong pasukin basta ang alam ko masaya ito.

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Natapos niya na akong ayusan at nagulat ako sa kinalabasan nito. Ibang iba kumpara sa normal na ako. Nagkaroon ng buhay ang buhok ko at ang mukha ko. I saw my face on the mirror like I was dreamin.

"Okay na." ngumiti siya. "Ang ganda mo pala kapag inaayusan. I'm pretty sure maraming mag-aayaya sayo mamaya."

Pinahiram niya sa akin ang sandals. Sa lahat ng suot ko ngayon ay kanya kaya hindi na ako nagtataka kung bakit may nagkakagusto sa kanya. Medyo nahihiya ako pero wala akong nagawa dahil pilit niyang pinagamit sa akin yon.

Pumasok kami sa BAR na puno ng mga kantahan at sobrang ingay. Maingay ang buong BAR at marami nang nagsasayawang tao sa Dance floor. Nakita namin sila Sadie at ang iba nasa malaki silang sofa at ang lamesa ay puno ng iba't ibang alak. Kinawayan kami ni Sadie para ayain na lumapit sa kanila. Hindi ko mapigilang mahiya sa sobrang daming tao. Ang iba ay naghahalikan at iba ay nagtatawanan.

Siguro ay normal lang ito sa kanila. Ganto ba ang pakiramdam ng first time sa Bar. Hindi ko alam kung anong istura ko ngayon o mukha naba akong tanga dahil panay ang hila ko pababa ng dress.

"Come on, Luna. Let's have fun! Tama na ang pagbaba ng dress mo. Ang ganda mo kaya ngayon." sigaw niya.

Hindi ko masyado narinig dahil sobrang lakas ng tugtog. Pero tama siya. Dapat akong mag saya, ito ang chance ko para gawin ang gusto ko. Wala ng magbabawal sa mga gusto ko at walang pwedeng makapagpigil sa akin.

Lumapit kami sa table nila. Medyo dumami sila dito ngayon. Nakita ko ang iba na hindi naman namin kakilala siguro ay kaibigan nila. Umupo ako sa tabi ni Gette. Hiyang hiya talaga ako ngayon dahil ang iba sa amin ay nakatingin sa akin.

Kalma, Luna.

Kapag tinitignan nila ako ngumingiti lang ako. Ayoko din naman maging KJ kaya kinuha ko sa harap ko ang nakalapag na alak. Nilagok ko 'yon at naramdaman ko ang mainit na alak na dumaloy sa lalamunan ko.

"Whoa, grabe. Hindi ko alam ganto pala 'yon kalakas." I whispered.

Nakita iyon ni Gette ngunit hindi niya 'yon pinansin. Binaling ko ang mata ko sa kausap niyang chinito niyaya niya ito na sumayaw. Nakita kong tumungo ito at umalis sila.

Ako ito, nag-iisa. Iniwan niya ako. Kinuha ko na lang ulit ang isang alak na nasa tabi nito. Sunod sunod kong nilagok 'yun.

No KJ, Luna. Kailangan mong maging City Girl pansamantala. Wala na 'to bukas, kaya sulitin muna.

Her Shattered HeartWhere stories live. Discover now