Lumipas ang araw puro ganon parin ang nangyari. Kung minsan naman ay wala ang babae sa doorm ni Lanvin. Ilang araw pa ang lumipas hindi pa din kami nag uusap, wala naman kaming dapat pag-usapan. Tama lang siguro yung ganto.
Usap-usapan parin sa buong building na dinadala parin ni Lanvin ang babae niya sa doorm. Maraming nagagalit pero ang iba naman ay nagulat, hindi daw din nila maintindihan bakit naging ganon si Lanvin. Kung dati naman ay hindi ganon.
Wala akong trabaho ngayon pero si Gette naman ay dinalaw ako sa bahay. Nakaupo kami ngayon sa rooftop. Namalengke kami kanina at niyaya naman ako ni Gette na uminom.
"Hindi ko din maintindihan. Nung dati naman hindi naman siya ganon. Kung baga masyadong malandi na ang kuya mo." aniya habang nginunguya ang chitchirya.
Kahit ako din. Pero ang alam ko gusto lang ipaliwanag ng maayos ni Gette ang mga nangyari kahit ramdam ko sa tono niya ang inis. Gusto niya lang sabihin na siguro nga tama na din yon.
"Alam mo Gette. Hayaan na lang natin siya ang importante ngayon ay nandito tayo nagsasaya. Wag mo na siyang isipin diba nga mahirap lang tayo, hindi niya tayo pwedeng alalahanin o isipin kung kumain na ba tayo o hindi. Ang isang katulad niya walang problema sa mundo puro pera at yaman lang ang mga pinoporblema 'non hindi tayo."
Siguro nga tama siya. Hindi na dapat pinoproblema ang ganong tao. Empleyado niya lang kami. Hindi naman siguro tama kung dadagdag niya pa kami sa problema niya.
"Pero Luna.. hindi naman ganong tao si Sir Lanvin. Alam kong iba siya kumpara sa ibang tao." paliwanag niya.
Sa narinig ko'y napatayo ako. Humakbang ako ng ilang beses at inabot ang nakalapag na inumin sa lamesa. Bumaling ako sa kanya bago umupo ulit.
"Hindi parin natin masasabi 'yun ngayon Gette, ano kaba! Nahihibang kana ba? Porket lang ba sa mga nakikita mo ay akala mo mabait na siya? Na kaya kana niyang santuhin kung tama ka nga."
Isang tikhim ang pinakawalan ni Gette. She moved a bit. She obviously starring at me. Ano bang point namin dito? Hindi ko na alam.
"Oo na Gette. Sabihin na nating mabait nga siya pero isipin mo mayaman siya. Ano na lang ang mafe-feel mo kapag nalaman mong talo ka? Diba parang ang laking tanga mo don, kasi alam mong mayaman siya pero pinipilit mo parin yung sarili mo sa kanya."
"Alam mo girl, medyo oa na tayo ngayon. Ano na? Mag aaway pa ba tayo dahil sa kanya. Nako naman." aniya.
Nakita kong uminom siya ng juice at pilit na ngumiti sa akin. "Alam mo tama ka. Hayaan na lang natin siya."
Sinubukan ko siyang pigilan pero ang sabi niya okay lang naman daw siya. Hawak niya ang alak na kanina niya pa iniinom. Halos paika ika siya maglakad at kung ano-ano pa ang sinasabi. Hinayaan ko siyang magsalita hawak ko ang bewang at ang dalawang kamay niya ay nasa balikat ko. Hinintay kong makasakay siya sa taxi bago ako umalis. Ilang oras din kami naghintay dahil gabi na. Inalalayan ko siyang makasakay sa loob at agad lumapit sa driver na ibaba siya sa address na binigay ko. Nakakapagod ang araw na 'to. Mabuti na lang at nag Day Off ako para bukas.
Natapos ang araw namin na puro kwentuhan. Gabi na ngayon at nakauwi narin si Gette. Sabi ko sa kanya mag text siya kapag nakauwi na pero ilang oras na ay wala parin akong natatanggap na text mula sa kanya. Baka siguro ay nagpahinga na o pagod lang dahil nakainom ng marami.
Umuwi ako ng pagod at bagsak. Ang mga sumunod na araw ay nag linis lang ako ng bahay at nag pahinga. Hindi ko alam kung pumasok parin ba si Gette gayong marami siyang nainom kagabi. Nandito ako ngayon sa palengke at namimili ng ingredients para gumawa ng Tuna Pie.
Gusto ko sanang i-try yung napanood ko sa Fb na Tuna Pie. Bumili ako ng rapper at keso yung century tuna ay sa tindahan nalang ako bibili mamaya.
"Salamat po." ani ko nang nakabiling rapper.
Bitbit ko ngayon ang plastic na may laman ng sangkap ko mamaya. Habang naglalakad ako sa kalsada ay namukhaan ko si Lanvin malapit sa baker shop may kasamang babae. Bigla akong natigilan ng bigla niya akong lingunin hindi naman kalayuan sa baker shop.
Kumaripas ako ng takbo at dali daling tinahak ang bahay papasok. Sobrang bilis ng tibok ng puso na parang mamatay sa kaba at pagod. Bigla kong naalala ang suot ko! Nakashorts akong maiksi at mahaba ang damit ko oversize ito sakin na parang wala akong short pambaba.
Nakita niya ba 'yon? Ugh! Nakakainis. Bakit don pa? At anong ginagawa niya doon? Sino yung babaeng kasama niya?
Habang nag ro-roll ako ng rapper iniisip ko parin iyon. Bakit siya nandito? Hindi kaya taga dito yung babaeng kasama niya? Hindi ako mapakali. Gusto kong kalimutan pero letche, parang magnet sa akin ang lahat. Bumabalik balik parin. Tinapos ko nalang ang ginagawa ko naging successful naman nung naluto ko na.
Ngumiti ako, parang tanga lang. "Grabe ang sarap pala nito."
Nakaupo ako ngayon sa sofa sa harap ng tv nanonood. Sakto at hapon na kaya umpisa na ng favorite kong palabas. Nakakagigil nga dahil puro patalastas. Nakakabitin.
Pinapanood ko ngayon ay yung sa mga Sharknado yung sa blockbusters tuwing umaga at hapon. Naging favorite ko nga ito dahil hindi muna kailangan manood sa netflix dahil dito sa tv ay libre naman.
Dati nung bata ako inaabangan ko talaga 'yon dahil mahilig ako sa movie. Gusto yung may mga thrill. Katulad ng mga horror at kung ano-ano pa.
YOU ARE READING
Her Shattered Heart
RomanceBakit may mga taong pinaglalaruan ka kahit alam nilang masakit na? Pero, bakit may mga taong okay lang sa kanila kasi mahal nila? At 'yon ang pinakamalaki kong kahihiyan sa buhay ko. Discover the heartwarming love story of, Luna, a young woman with...