Chapter 1

27 3 0
                                    

Naomi Point Of View

"Hoyyyy Nerd linisin mo nga to."

"Ayoko ko nga kayo ang nagkalat nyan." Sabi ko ng hindi nakatingin sa kanya

"Aba sinasagot sagot mo na ako ngayon ha?" Hinawakan niya ang kwelyo ko at hinila ito kaya napatingin ako sa kanya

"Sinasabi ko lang naman na ikaw ang dapat maglinis yan kasi kayo namn ang nagkalat nyan." Sabi ko.

"Pwede bang wag kang maarte? Pag sinabi kung linisin mo yan linisin mo. Baka nakakalimutan mo kung sino ang kaharap mo?" Sabi niya.

How could I ever forget her face and even her name?

Margarrite. Pangalan palang, dyosa ng kasamaan

"Kaya pwede ba Nerd, linisin mo na yan kundi malilintikan ka sakin!" Sabi niya.

Kinuha nya Yung mga gamit nya at lumayas na. Hayyy buhay, Bakit ganito?

Bakit pa ba ako pinanganak sa mundo kung kanito namn Yung nagiging buhay ko.

Kung mabubuhay pa ako sa next life sana hindi na ganito!.

Nilinis ko nalang ang kalat nila margarrite kasya naman mag imot pa ako dito wala namn mangyayari.

Tapos naman kasi talaga Yung klase kaya lng maypahabol pang pinagawa sa amin yung teacher namin na bakla. Yung mga design para sa gagamit sa decorations sa stage para sa papalapit na Graduation.

Well hindi naman talaga ako aattend sa Graduation. Bakit ba? Maboboring lang ako dun at isa pa wala naman ako friends dito. After ilang minutes natapos na rin ako.

Habang naglalakad ako sa hallway. Nakita ko yung ibang friends ni margarrite papalapit dito siguro maygagawin namin sila. Di ko nalang sila pinsin tuloy lng ako sa paglalakad hanggang sa....

"Ouch!" Sabi ko

Napaupo ako sa sahig ang lakas kasi nong nag bunggo sakin.

"Omg! Look what you did to my uniform!"

Napatingin ako sa nagsalita habang hinihimas ko yung pwet ko ang sakit kaya.

"Di ko yan kasalan.." Sabi ko.

"What did you say?" Tanong nya sakin. Bingi bato?

"Sabi ko di ko yan kasalanan." Sabi ko

"If you are not at fault, then who's at fault? Don't tell me it was my fault. I'm not stupid to mess up my uniform."Sabi nya sakin habang hawak hawak ang kwelyo ko.

*paaaaaaaaak*

Lintek. Ang sakit nun ah! Ikaw kaya sampalin ko?!

"Hindi ko naman talaga kasalanan ikaw kaya ang ng bumunggo sa akin."

"Ah ganun?" Kinuha rin niya ang fruit shake ng isa sa kasama niya at ibinuhos sakin.

"Oops? Sorry. Hindi ko rin kasalanan." Sabi nya kasabay ng malakas na tawanan sa paligid

Napatingin ako sa paligid.

Nakita ko yung mga studyante dito, pinagtatawanan ako..

Ng binitawan nya ang kwelyo ko agad akung tumakbo palabas sa school nato. Hindi na ako nagabalang punasan pa yung binuhos sa'king fruit shake. Para san pa?

Habang naglalakad ako, di ko mapigilan ang di mapaiyak.

Palagi nalang ganito.

Kasalanan bang mabuhay sa mundo?

Ano bang porpose ko sa buhay para mabuhay ako?

Ito ba yun porpose ko sa buhay Yung lait laitin nila?

Nagmamadali akong maglakad hanggang sa nalaglag yung glasses na suot ko tumilapon yung sa gitna ng kalsada pupulutin ko na sana kaya lang maydumaan na kotse at ang masaklap pa sinagasaan nya yung glasses ko.

Hinayaan ko nalang ko lang at nagpatuloy sa paglalakad bibili nalang ako non. Habang naglalakad ako maynarig akong maysumisigaw

"HOOYYY BABAE TUMIGIL KA!"

May humila sa braso kaya napatingin ako sa likod. Napatingin ako sa lalake na hawak-hawak ang braso ko hmm matangkad sya maputi tinignan ko yung mata nya naglilisik na nakatingin sa akin kaya yumoko ako bata makita nya kung gaano ako kadungit nakakahiya naman sa kanya.

"Anong Bakit? Looks like my car, did you see that my wheel has a hole?"Sabi nitong lalaki na ang higpit ng pakakahawat sa braso ko.

"Huh?" Ano naman ang kinalaman ko sa kotse n'yang butas ang gulong?

"Di mo ba alam na mahal ang kotse ko huh?" Sabi nya

Tinignan ko naman yung kotse nya. Mukang mahal nga.

"Eh ano naman ang kinalaman ko dun?" Sabi ko

"Bayaran mo yan." Sabi nya

Ano daw? Bayaran ko? Eh Wala nga akong kapera pera

" Ano bang ipagsasabi mong lalake ka huh?" Tanong ko sa kanya lalo na man n'yang diniinan ang pagkalahawak sa braso ko.

"Ouch bitawan mo nya ako." Sabi ko kanya agad Naman nya akong binitawan.

"Look nabutas yung gulong ng kotse ko ng dahil sa glasses mo." Sabi nya

"Pano ka naman nakakasiguro na sa akin yun na glasse huh?" Sabi ko sa kanya

"Ikaw lng naman yung nakita ko tumatakbo kanina, so hindi ako pwedeng magkamili na sayo yun." Sabi nya

"Hindi akin yun." Sabi ko sa kanya

Pagsisiningaling ko sa kanya. Kung Sabihin ko naman sa akin yun Wala akong pambayad mahirap na mukang mamahalin pa Naman yung kotse kaya hindi ako pwedeng magkamili na mahal din yung gulong ng kotse nya.

"Anong hindi sayo, sayo yun." Abat ang kulit naman nito

"Hindi nga akin yun." Sabi ko sa kanya aalis na sana ako dahil masasayang lang Oras ko dito marami pa akong gagawin sa bahay.

"Hoyyyy saan ka pupunta? Kailangan mo pa akong bayaran."

"Uuwi." Sabi ko

"Hindi ka pa pwedeng umuwi kailangan mo pa akong bayaran." Sabi nong lalake

Akmang hihilain nya yung braso ko kaya lang bigla akong tumakbo ng mabilis. Hahabulin nya sana ako kaya lang bigla syanng tumugil.

Hingal na hingal ako pagdating sa bahay. Oohh nakakapagot.

"Oh apo anong nangyari sayo?" Nagulat naman ako ng biglang sumulpot si lola sa harapan ko.

"Lola naman nakakagutan ka naman eh." Sabi ko

"Anong nagyari dyan sa damit mo at Bakit ka hinihingat?" Sabi ni lola hindi nya inintindi yung sinabi ko kanina.

"Wala po to!" Sabi ko

"Anong wala tignan mo nga yung sarili mo mukha kang pulubi." Sabi ni lola

"Grabe ka naman la pulubi talaga? Ang ganda ganda kaya ng apo nyo!" Sabi ko sabay pacute

Habang papasok kami sa bahay kinukulit parin ako ni lola kung anong nagyari sa damit ko sinasabi ko nalang na nadapa ako kanina pero ayaw naman maniwala.

Si lola na lang yung tunatayong magulang ko. Yung mama ko sabi ni lola namatay raw nong pinanganak ako yung tatay ko naman nangapit bahay na di ko alam kung saan. Simula bata palang ako si lola yung laging na dyan para sa akin.

**********

Sana magustuhan nyo po yung first chapter!!!!

The Gangster PainWhere stories live. Discover now