Morlee Diaz' Point of View

PROLOGUE

All seems serene this evening. Strolling back to my dormitory, I am entranced by the soft glow of the streetlights and the harmonious symphony of the night. The quiet hum of the city is a lullaby, soothing both sight and sound.

Wala sanang panira sa gabing 'to.

A quick glance at my wristwatch shows it's 9:40 PM. Oh fudge, 9:40 PM na? Last twenty minutes ay curfew na! Ito ako at in-game sa ganda-gandahang paglalakad!

Iniisip ko pa lang ang sermon ni Lola Baby, ang landlady ng dorm ko, ay naririndi na ang mga tainga ko! Oh shet, nangangamoy may rap battle na naman for today's video!

Dashing like a comet, I race against time, until I bumped someone. Ang pagkain na sa tingin kong binili niya ay nagkalat na sa sidewalk. Carbonara pa naman, favorite ko 'yon!

Kinakabahan akong tumingala para magtama ang aming mga mata, nauutal habang humihingi ng paumanhin. Pero nang mapansin ko ang kanyang kilos, nakita ko ang kanyang nakatikom na mga kamao at kunot na noo, tanda ng kanyang nag-aalab na galit.

"Hey, watch where you're going!" Singhal niya, halatang iritado "Do you have any idea what you've done?"

Napaatras ako sa mga salita niya, ramdam ang bigat ng pagkakamali ko sa mga balikat ko. "So-Sorry," pautal kong sabi, halos bulong na lang ang boses ko. "Hindi ko sinasadya..."

Kumunot ang kanyang noo na tila ba ay hindi makapaniwala sa narinig habang tinuturo ang kalat sa sidewalk. "Hindi sinasadya? Look at this! My dinner's ruined!"

Ngayon pa lang siya maghahapunan? Late na. Kaya naman pala mainit ang ulo. Kaunti na lang ay mukhang mananapak na siya.

"I know, I know," sagot ko, namumula sa hiya. "Aksidente lang talaga. Palitan ko na lang at tulungan na kitang linisin 'to."

Umiling siya, halatang may inis sa higpit ng pagkakakuyom ng kanyang panga. "No, just... just be quiet. Your effeminate voice irritates me." Hinagisan niya ng tingin nang may panghuhusga ang wristwatch kong may rainbow strap. "You'd better rethink your choices, scourge of society!" bulalas niya.

His words hit me like a punch to the gut, transforming my initial feeling of remorse into a boiling rage.

Ano ang sabi ng gagong 'yon? Iritado siya sa boses ko? Ano 'yong ibigsabihin ng mapanghusgang tingin niya sa wristwatch ko? Rethink my choices? Scourge of society? Aba ang tigas naman niya! Humingi na nga ako ng sorry, nakuha pa niyang manghusga! Hindi na 'to tama!

Habang papalayo na siya, biglang sinabi ko, "Hold on! What did you just say? Scourge of society? Salot ng lipunan? You're going too far! Tanggap ko na may pagkakamali ako sa 'yo at nauunawaan ko na hindi mo matanggap ang paghingi ko ng paumanhin, pero hindi mo ba kayang ipakita man lang sa akin ang simpleng respeto bilang tao?"

"People like you are not even worthy of my respect. I cannot give it to you." Tumalikod siya at tuluyan nang umalis, habang ako ay nanatili sa aking kinatatayuan.

Napansin ko ang isang bagay tungkol sa kanya - may nakasulat na "CU" sa kanyang ID lanyard, na nangangahulugang siya ay nag-aaral sa Centurion University, isang kilalang all-boys school na kilala sa kanilang epektibong engineering program.

Nang tuluyan na siyang mawala, naramdaman ko ang isang kakaibang pakiramdam na parang may nagmamasid sa akin. Lumingon ako sa aking paligid at napansing may nag-record sa amin. Nakaramdam ako ng takot. What began as a private argument is about to become a public spectacle.

From Clashes to Kisses |ONGOING| boyxboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon