Morlee Diaz' Point of View
CHAPTER THREE
"I am sorry, Dean Oliveros and Mr. Martinez. Hindi ko po kayang gawin 'yang pinapagawa ninyo sa akin."
Hindi ko tinitingnan si Carbonara guy. Ayokong makita ang reaksyon niya sa sinabi ko. Siya ang gumawa ng pagkakamali. Siya ang nagpahamak sa imahe ng Centurion University kaya dapat niya itong ayusin nang mag-isa.
"I understand where you're coming from, Morlee, and I know your reasons. But please, can't you reconsider and give Dan another chance?" wika ni Mr. Martinez.
Wow! No'ng humingi ako ng sorry sa kanya, pinatawad niya ba ako? Binigyan niya ba ako ng chance? Hindi, 'di ba? Ano pong karapatan niyong ihingi sa akin ng second chance 'yang si Carbonara guy gayong hindi niya ako mapatawad? At bakit kayo po ang humihingi ng second chance? Si Carbonara guy dapat ang gumagawa niyan.
"Morlee, please, for the sake of Centurion University! It desperately needs your help!" pakiusap pa niya, habang hawak ang aking mga kamay, tanda ng kanyang pagmamakaawa.
Para akong isang estatwa sa mga sandaling ito. Hindi kumikilos at walang reaksyon. Hindi ko alam kung paano tumanggi nang maayos kaya mas pinili kong huwag na lamang umimik.
"Mr. Martinez and Mr. Falcon, would you kindly excuse Morlee and me for a moment? I need to speak with him," sabi ni Dean Oliveros.
Thank you, Dean! Maaalis na rin ako sa sitwasyong ito! Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin o sabihin, pero sa ngayon, sigurado akong hindi ko kayang gawin ang hinihingi nila sa akin. How can I deal with someone who has a negative view of someone like me?
"Okay!" tugon ni Mr. Martinez. Lumapit siya kay Dean Oliveros, gamit ang mahina niyang boses ay sinabing, "Please, convince him."
Nginitian ako ni Mr. Martinez at sinabing, "Morlee, I hope you'll change your mind. I'll wait for your final decision until later. Thank you!"
Lumabas na si Mr. Martinez, at ito namang si Carbonara guy ay sumulyap muna sa akin ng isang tingin na hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin. Nagmamakaawa ba siya sa akin o pinagbabantaan niya ang buhay ko?
"Dean, hindi ko po talaga kaya. Nararamdaman ko pong hindi siya sincere sa mga sinabi niya kanina. Iba na lang po ang i-assign niyo na makakasama niya, 'yong pagtatiyagaan siya," pagmamakaawa ko kay Dean Oliveros.
"Are you scared of him?"
"Hindi po ako natatakot sa kanya. Alam niyo naman po kung paano ko siya kinalaban kagabi. Takot po ako para sa CelestialCrest, para po sa university natin. This university is built po to provide a safe space for us, for LGBTQIA+ people. Alam ko pong aware kayo rito. Ngayong dito na siya mag-aaral, will this university still be a safe space para sa atin?"
"Wow, Morlee, that's really kind of you! I appreciate it, and our university does too. Besides being a safe space for LGBT folks, we're also open for anyone curious to learn about us. Let's give him a chance," tugon niya.
"Pero po..." Natigilan ako sa pagsasalita.
"This will benefit Mr. Falcon and you too."
Ha? May benepisyo akong matatanggap dito? Ano? Wala itong magandang maidudulot sa akin, actually. I can't deal with someone who has a negative opinion of me. Lagi lang kaming magtatalo.
"Hindi ko po kayo maintindihan," sabi ko habang nakakunot ang noo at nakatingin sa kanya nang malalim.
"Mr. Martinez wants to give you a scholarship. I don't know how they found out that you still have a balance on your tuition fee. They are ready to pay it all off. They also want to provide you with financial assistance, but in return, they want you to help improve Centurion University's reputation."
BINABASA MO ANG
From Clashes to Kisses |ONGOING| boyxboy
RomanceMorlee Feniz Diaz, enrolled at CelestialCrest University, confronts the challenging endeavor of altering Dan Val Guzman Falcon's negative view of the LGBT community. In addition to safeguarding his scholarship and ensuring his own future, Morlee is...