Morlee Diaz’ Point of View

CHAPTER ONE

"Hay naku, 'Te! Gulo 'yang pinasok mo!" ani ng kaibigan kong si Timothy, habang nakakunot ang noo at nag-aalalang nakatingin sa akin. Naikwento ko kasi sa kanya ang nangyari kagabi.

"Correction! Gulo ang pinasok ng kung sino mang lalaking 'yon!" sabi ko habang sinusuot ang sapatos ko, ang mga mata ko'y nagliliyab sa inis.

Totoo naman e. Bakit ba kasi ang init ng ulo niya? Parang nabangga lang e. I said sorry then he refused to accept my apology, tapos nanghusga pa siya. He went below the belt! Sino ang hindi iinit ang ulo ro'n?

"Ay, perfect! Ang tapang niya, oh! Sinong Disney princess ka? Si Mulan? Panain mo nga ako," sabi ni Timothy, hindi inaalis ang tingin sa laptop niya. Mukhang abala sa pagtapos ng activity. "Remind ko lang ha, 10 PM ang dinner niya. Itinapon mo pa 'yong pagkain! Sinong hindi maiinis do'n? Nakakainit kaya ng ulo ang gutom."

"Naitapon, hindi itinapon. Aksidente 'yon, hindi ko sinasadya." Hininaan ko ang boses ko, "Pasensya na kung takot akong mabunganga ni Lola Baby." Napangisi si Timothy. "Humingi naman ako ng sorry. Hindi pa ba sapat 'yon?"

Okay, fine! Tama naman si Timothy. It is because of the Carbonara, ang naitapong pagkain niya. Willing naman akong palitan 'yon e kung hinayaan niya lang ako. Kahit 'yong natitira kong pera ay ibibigay ko na sa kanya para iwas na sa diskurso pero ano? Hinusgahan niya pa ako, 'di ba?

"Paano kung balikan ka? Paano kung suntukin ka? Oh my gulay, hindi nakakaganda ang pasa sa mukha!" Habang sinasabi niya 'yon, nakakunot-noo siya at nag-akma ng suntok, pero sabay bawi rin agad. Tapos bigla siyang tumingin sa 'kin, may ngiting mapagbiro,  "Alam ko na! Bigyan mo ng BJ kapag binalikan ka!" Parang ang saya-saya pa niya sa sarili niya, 'no?

"Gago!" sabi ko sa kanya, pero hindi ko mapigilang matawa rin.

"What I mean is buko juice! Buko juice, relax! Bigyan mo ng masarap na BJ para goods na kayo. Masarap kaya ang buko juice sa labas ng CelestialCrest! Ikaw talaga, kung ano-ano ang iniisip mo! Bet mo pa yata si Carbonara guy! Gusto mo pa yata siyang bigyan ng blow-"

"No! Hindi ko siya type at hindi ko magugustuhan ang kagaya niya, okay?" mariing sabi ko sabay irap sa kanya.

Binuklat ko na lang ang bag ko kaysa tuluyan pang mainis dito kay Timothy. Sinigurado kong dala ang lahat ng mga kailangan. Mahirap na at baka ay may makalimutan. Halos isang street lang naman ay CelestialCrest na pero kahit na, nakakatamad maglakad pabalik ng dorm kapag may nakalimutan. Mainit!

Okay, checked! Physics and Integral Calculus book ay nasa bag na. Everything is good. Ready to go na ang princess.

Tatayo na sana ako para umalis nang pigilan ako ni Timothy.

From Clashes to Kisses |ONGOING| boyxboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon