Morlee Diaz' Point of View
CHAPTER FOUR
Nangyari na ang inaasahan ko. Wala pang isang araw ay nagsimula na 'tong si Carbonara guy na gumawa ng gulo. Paano na ang CelestialCrest University at ang mga mag-aaral nito?
"Grabe ka naman! Ganyan ka na ba talaga kalala? Kagabi, ako. Ngayon naman ay 'yong kaklase ko ang ginulo mo. Ganyan ka na ba talaga kasama? Ganyan na ba talaga kababa ang tingin mo sa mga kagaya namin?" galit na galit na bulalas ko habang nakatingin kay Carbonara guy.
"Kanina no'ng nando'n tayo sa office ni Dean ay para kang anghel, napakabait mo. May pasabi-sabi ka pang, 'I apologize.' E ano 'to, ha? Nagsimula ka na naman ng gulo!" Panandalian akong huminto sa pagsasalita. Hingal na hingal ako, dala ng sobrang galit. Napansin kong ang mga taong nakapalibot sa amin ay nakatingin sa akin ng may pagtataka.
"Tama nga ako! Hindi nga ako nagkamali na hindi ka sincere sa mga sinabi mo. Talaga bang nagsisisi ka sa ginawa mo o ayaw mo lang sa naging parusa sa 'yo at dahil nakasama natin sina Dean Oliveros at Mr. Martinez? Mapagpanggap at makasarili ka! Iyang mga kagaya mo, malabong magbago pa! Sadyang makitid 'yang pang-unawa't pagtanggap mo!"
Nagpumiglas si Carbonara guy sa pagkakahawak sa kanya nina Avi at Timothy. Binigyan niya ako ng isang matalim na tingin saka tumalikod at ramdam kong hirap na hirap siyang naglakad palayo.
Deserve mo 'yan! Buti naman at hindi na siya nagsalita pa, mas pinili niya na lang na lumayo at huwag nang umimik. Guilty siguro!
"Sis, binabawi ko na ang sinabi ko kanina na bigyan siya ng chance. Hindi niya pala deserve. Now, I know him. Pasensya na kung hindi kami nagsalita kanina. Ikaw naman kasi, laban na laban! Sino ka sa Mean Girls?" sabi ni Timothy.
Hindi niya talaga deserve! He is a trouble-maker, an asshole!
"You know him? Hindi natin alam what really happened." Tumingin si Avi kay Arvin at sinabing, "How did it start and why did it happen?"
Hindi pa ba malinaw sa 'yo, Avi? Ayaw niya sa mga kagaya natin. Maybe, nakabunggo niya rin 'tong si Arvin at dahil napansin niyang nag-aaral ito sa school for the LGBTQIA+ students ay kung ano-ano na ang mga sinabi niya tulad ng ginawa niya sa akin no'ng nakita niya ang wristwatch kong may rainbow strap. Ito namang si Arvin, for sure and knowing him, ay pinisikal siya.
"That guy isn't the one who started the fight. Si Arvin, si Arvin ang unang nanuntok," wika ni Jamie habang papalapit sa amin. "I don't know the reason, bigla niya na lang ginawa."
Nabigla ako sa narinig ko. Binigyan ko si Arvin ng isang tingin ng pagtatanong kung totoo ba ang sinabi ni Jamie. Iniwasan niya lang ako ng tingin. Oh fudge, si Arvin nga! Bakit, Arvin? Bakit?
"See! Oh my gulay, Morlee! You jumped to conclusions too soon!" Napahawak si Avi sa noo niya. "You should have asked how it started and why before making assumptions!"
Shet! Ang lala ng mga sinabi ko.
"Apologize, Morlee! You need to apologize. You said too much! Some of it was below the belt," dagdag pa niya.
"Bakit ako mag-so-sorry e may kasalanan din naman siya sa akin? Parehas na kami, parehas na nagkasala sa isa't isa."
"Is that really what you think, Morlee? You were wrong about him, you judged him too early. You didn't like what he did to you, but you did the same to him, and you hated it. So maybe he hates it too. If he wasn't sincere when he apologized to you earlier in Dean Oliveros' office, be sincere when you apologize to him. If you think he doesn't know how to apologize sincerely, teach him how!"
BINABASA MO ANG
From Clashes to Kisses |ONGOING| boyxboy
DragosteMorlee Feniz Diaz, enrolled at CelestialCrest University, confronts the challenging endeavor of altering Dan Val Guzman Falcon's negative view of the LGBT community. In addition to safeguarding his scholarship and ensuring his own future, Morlee is...