CHAPTER 1
VICTORIA POV:
"Vic sama ka samin mamaya huh may pawelcome party yung anak ng business partner ni dad invited ako kaya sasamahan niyo ako." Saad ni Cyril.
"Oo nga Vic sumama kana samin minsan ka na nga lang namin ayain ni Cy pero pahirapan ka pang sumama." Gatong naman ni Anabelle.
Sila ang kasama ko ngayon dito sa room dahil ayaw ko pumunta sa canteen tinatamad ako.
"Hindi ako pwede eh malalagot ako kina Papa at saka galit pa ang nga yun sakin dahil sa ginawa kung pag takas nung nakaraan." Paliwanag ko.
Ayaw ko na kasi dagdagan pa ang problema nila mama at papa na aawa na kasi ako.
"Sige na ipag papaalam ka namin sa papa mo saka wala namang inuman dun kasi kakain lang tayo." Pamimilit pa ni Cy sakin.
Napa buntong hininga naman ako dahil alam ko naman na hindi na ako makakatanggi sa kanila knowing them mapalit kahit ayaw ko.
"Sige basta uuwi din agad ako pagkatapos kung kumain." Pag sangayon ko sa gusto nila.
Nagtatalon naman yung dalawa sa subrang tuwa at dipa na kuntento yumakap pa sakin.
"Thank you Vic the best ka talaga." Natutuwang saad ni Anabelle.
Natawa nalang ako sa mga reaction nila. Sanay na ako sa kanilang dalawa sa tagal naming mag kakaibigan simula pa nung high school kaya malaki din ang tiwala ko sa kanila na hindi nila ako pababayaan sa mga ganung party. Hindi kasi ako pwedeng uminom dahil mabilis lang ako malasing.
Nag sibalikan na din ang mga ka klase ko dahil susunod na ang klase namin kay Ms. Alvarez. Balita ko maganda daw ito at mabait. Ganun din ang sabi nila Cy tuwang tuwa pa nga sila dahil madami daw ang magagandang nag tuturo dito.
Kahapon kasi ang unang araw ng pasok namin dito sa AU kasi hindi ako naka pasok kahapon dahil madami pa akong inasikasong papel para maka pasok dito.
Abala ako sa pag kalikot ng bag ko habang yung dalawa kung kasama ay abala din sa mga phone nila nag check siguro ng social media.
Maingay na din ang room dahil nandito na lahat ng mga kaklase ko. 2nd year college na pala ako and I'm taking BSCrim dahil yun ang gusto ni Papa. Gusto niyang sumunod ako sa yapak niya.
Ayaw ko sana kaso naki usap si papa dahil nag iisang anak lang niya daw ako kaya kaylangan kung sumunod sa mga yapak niya. Wala naman akong magagawa pa kaya pumayag nalang ako kahit gusto kung mag architecture dahil magaling ako mag drawing. Pero para sa ikakasaya niya pumayag nalang ako.
Inayus ko muna ang bag ko bago umupo ng maayus at yumuko para maiidlip wala pa naman si Ms. Alvarez.
Ang kaninang maingay na paligid ay biglang tumahimik kaya nag angat ako ng tingin. Halos kaposin ako ng hangin ng bumungad sakin ang mala diyosang babaeng nag lalakad sa unahan.
Jusko totoo nga ang ganda niya.
Lumunok ako kasi parang pakiramdam ko tuyo na ang lalamon ko.
Jesus Christ wala ba siyang matinong damit kaya ganyan ang suot niya halos kita na ang hinaharap niya.