Chapter 6: The Blooming of Affection

159 60 0
                                    

Chapter 6: The Blossoming of Affection

Iniwan ko na si Sydney sa baba at hinabol niya ako.
At narinig ko pa siya na sumigaw ng... "Adaleigh, wait lang!"....

I locked my door, at hinayaan ko siyang kumatok sa pinto. Habang ako, natatawa na lamang sa ginagawa niya.

"Adaleigh! Trip mo na naman ako, buksan mo itong pinto. Please!" sigaw nito.

"What? I can't hear you eh." saad ko.

"Fine. I'll stay here na lang sa labas!"

At dahil hindi ko matiis ang makulit na babaeng ito, pinagbuksan ko siya ng pinto.

"You're still here pa pala?" I asked her then I laughed.

She pouted her mouth... "Hindi tayo bati" she answered.

"Halika na. Pumili ka na ng gusto mo" I answered her softly.

"Ikaw".

"What do you mean ako?" I answered her indecisive.

"Wala, ang slow mo. Papasok na nga"

"Hays... ang kulit talaga ng babaeng ito"

Siya ang unang pumasok sa room ko, dahil dalawa ang kwarto ko sa loob. Isa para sa tulugan, at isa naman para sa art room ko.

"Ang ganda! Para akong nasa museum‚ ang gaganda ng gawa mo" saad nito.

"Oo naman. Ako ang gumawa eh, kaya siyempre dapat lang na maganda iyan" I answered.

Noong oras na iyon, nakatitig ako kay Sydney while she's looking at my pieces. At biglaang lumingon sa akin at nagtanong. At ako naman, umiwas ako ng tingin.

She asked me.. "Can I get this, Leigh?"

"Leigh!" she added.

"Hmm? Sorry, what?" .... "Yeah sure, pwede mong kunin iyan kung ayan ang gusto mo" I added.

"Ano ba ang tinitingnan mo riyan? At kanina ka pa nakatitig diyan?" tanong sa akin.

"Wala. Nevermi-"

"Patingin ako. Please?"

"Don't give me that look, Sydney. Kung gusto mong tingnan, tingnan mo. Huwag naman iyong ganiyang titig sa akin" I answered then I left.

Sydney POV:

"Anong nangyari roon, tiningnan ko lang naman siya. Anong masama roon?" saad ko.

Hindi na ako nagdalawang isip at tiningnan ko ang kaniyang tinitingnan kanina pa.

Nakita ko ang dalawang babae na nasa park, sunset ang background nito at may mga puno sa gilid. At may dalawang pusa sa bawat gilid nila. At mayroong nakalagay na flag doon, na pang bisexual which is it is rainbow.

"Ada? You're ga-" paputol kong saad.

Dahil paglingon ko, wala na pala roon si Adaleigh sa tabi ko. I took a picture of it, dahil nagandahan ako sa gawa niya.

Lumabas na ako roon sa art room niya, at pumunta sa bedroom niya. And I saw her, na natutulog na.

"Tulog ka na ba talaga? O kagaya mo rin akong tulug-tulugan lang?" saad ko.

At dahil sa papansin ako, ginaya ko iyong trend sa tiktok.

"Hmm...." saad ko... "Kung tulog ka talaga, itataas ko ang kamay mo at kapag nanatili itong nakatayo isa lang ang ibig sabihin, tulog ka" dagdag ko.

Unti-unti kong inangat ang kanang kamay ni Adaleigh, at noong naitas ko na ay bigla itong... nanatiling nakataas.

"Aba, loko ka rin ah. Tulog nga" saad ko.

Fading Echoes: Love Lost in Silence Where stories live. Discover now