Chapter 3: A Father's Plan Unveiled
Nang maka-uwi kami sa kaniya-kaniya naming bahay, nang pagka-uwi ko nagulat ako sa nakita ko sa aming bahay...
Puno ng pagkain ang mesa, na para bang mayroon na namang bisitang darating.
Mayroon ding isang buong Lechon, Filipino Foods at ang iba ay pang Thai.
"Nariyan ka na pala, Ada. Magbihis ka na roon at tayo ay kakain na" saad ni Daddy.
"Sawadee kha" bati ko sa kaniya.
"Sawadee khrap, Lei." saad nito... "Umakyat ka na at magbihis, kakain tayo" dagdag nito.
Naisip ko lang na kakakain ko pa nga lang pala, pero kung sasabihin ko naman kay Daddy na busog na ako tiyak na magagalit iyon sa akin.
Nang matapos akong magbihis, may mga narinig akong salita na purong-thai. Iniisip ko kung sino na naman iyon, hindi kaya sila ulit?
Biglang may kumatok sa aking pintuan, at iyon ay si Tita Shee.
"Sawadee, Khun Leigh. Can I come in?" saad nito.
"Yeah. Please come in" I answered her softly.
Pinapasok ko siya sa kwarto ko, at kina-usap ako tungkol doon.
"Nariyan ulit si Mr. Chakrii, kasama na ang pamilya niya. Naroon na rin si Ms. Aom at Mr. Chaisee"
"Isa pa, mag-ingat ka sa Daddy mo. He's trying to get your attention, para sa huli maipakasal ka kay Mr. Chaisee. Para in the end, may maisumbat siya sa iyo na hindi pwedeng tumanggi ka. May salo-salo tayo mamaya, please be careful, Adaleigh okay?" dagdag pa nito.
"Thank you so much sa warning mo, Tita Shee. You're the best among the rest. Now, since you really love my Father and Me. Can I call you, Mom?" I answered.
"Ada..." she cried in joy... "Seryoso ka ba? You're now accepting me as a your Mother?" she added.
"Yes. You look like my Mother. Palagi niya rin akong pinapaalalahanan, pinoprotektahan sa mga bagay na hindi ko kayang labanan. Game ka po ba sa offer ko bilang maging Mommy ko?" I answered.
"Of course, Ada..." she sniffed.
She hugged me very tight, and even kiss my forehead. And it makes me warm and comfortable.
Bumaba na kami, upang tumungo sa mesa. Tama nga, nandoon ang pamilyang Chakrii.
Bago kami umupo, binati muna namin ang isa't isa kung paano bumati ang mga taga Thailand.
Kinausap ako ni Daddy sa lengwaheng Thai, nakaka-intindi rin naman ako kahit papaano.
"อดาลี นั่งข้างชายสีได้ไหม?" saad ni Daddy.
(Adaleigh, can you sit beside Chaisee?)"ใช่ นั่งข้างฉันเอด้า และนั่นก็ไม่เป็นไรสำหรับฉัน" sagot naman ni Chaisee.
(Yes, you can sit beside me Adaleigh. That's alright with me)Wala akong magawa noong oras na iyon, kung hindi ay umupo sa tabi ni Chaisee. Pinicturan din kaming dalawa ni Chaisee, si Daddy at ang Mommy ni Chaisee.
"Khrap, 1...2...3... Smile khrap" saad ni Daddy.
Hindi ako maka-ngiti nang naayos na iyon, dahil din sa hindi ako komportable na may katabing lalaki lalo na kapag hindi ko ito masyadong nakakasalamuha sa buong buhay ko.
"Adaleigh! Smile properly!" sigaw ni Daddy.
"Sorry kha" saad ko.
Wala akong magawa kung hindi ay ngumiti kahit na napipilitan lamang ako. Baka kasi, i-post din ni Daddy iyon sa Social Media at isipin ng mga tao na mayroong akong Boyfriend.
Kami ay kumain na nang maayos. Hindi talaga ako komportable, lalo na at binibigyan ako ng pagkain ni Chaisee sa aking plato.
"คุณต้องการสิ่งนี้ไหม?" saad ni Chaisee.
(Do you want this?)"ไม่เป็นไรขอบคุณ. ฉันอิ่มแล้ว." saad ko.
(No, thank you. I'm full)"Khrap." saad nito.
(Okay)Nang matapos akong kumain, nagsasalo-salo pa rin sina Daddy. Habang ako, ay hindi pwedeng umalis sa kinauupuan ko dahil isa itong halimbawa ng pagiging bastos na bata kung aalis ako.
"Guys, can we take a picture? This will be our remembrance here in Chankimha Mansion" saad ni Mr. Chakrii.
"Yes, please. Open your camera" saad ni Daddy.
Kumuha na namin kami ng litrato, at tiyak ako na ipo-post talaga ito ni Daddy. Iniisip ko na lang, kung ano ang ica-caption nito. Masyadong magulo ang utak ko, puno ng what if's.
Makalipas ang ilang oras...
Tapos na ang salo-salo sa aming tahanan, nagpaalam muna ako kina Mr. Chakrii at sa kaniyang pamilya. At agad na akong umakyat sa taas, upang tapusin ang takdang aralin namin.
Nag scroll-scroll lang ako sa Facebook at Instagram noong oras na iyon, dahil hindi pa naman tumatawag si Dahlia upang sabay kaming gumawa ng takdang aralin.
Nang makita ko ang post ni Daddy. Tama nga ang hinala ko, na ipo-post niya ito sa Social Media.
Heng Kornnakok Chankimha posted a picture.
"ขอบคุณมากครับที่มาเยี่ยมเยียนคุณจักรี
นี่คือลูกสาวของฉัน อดาลี และนายจักรี บุตรไชยศรี พวกเขากำลังแต่งงานกัน" caption ni Daddy sa post niya.
(Thank you so much for visiting us, Mr. Chakrii. Guys, this is my daughter Adaleigh and Mr. Chakrii's Son, Chaisee. They are getting married)Agad akong nagulat at nagalit sa caption ni Daddy. Sa kadahilanang, nagpapahayag ito ng maling impormasyon at balita sa Social Media niya.
Masyado pa akong bata, at may pangarap ako sa buhay. Wala 'kong balak magpakasal sa lalaki.
Dahil sa inis ko, agad akong bumaba at kinausap si Daddy.
"Ano ito, Dad?" saad ko na may halong sigaw.
"Picture ninyo ng husband mo" sagot nito.
"Are you out of your mind? How could you do that!? Daddy pa naman kita. But you're forcing me to that boy na hindi ko naman mahal at kilala, ni-hindi ko nga iyan nakasama e. Tapos ipagpipilitan mo ako sa kaniya?" sigaw ko.
"Do not answer me with that tone, Adaleigh. Stop acting like you owned me" he answered.
"Stop acting like I owned you? Then, better to stop spreading some of fake news na ikakasal na kami ni Chaisee. Dahil never naman akong pumayag"
"I have goals in my life and this is for my future. Kung wala kang ganoon para sa akin, then please just respect my decision" I added.
Sa sobrang lakas ng sagutan namin ni Daddy, narinig kami ni Mommy Shee.
"Bakit na naman kayo nagsisigawan?" saad nito.
"Iyang anak mo, napakatigas ng ulo. Ayaw sundin ang gusto ko, para rin naman ito sa kaniya" saad ni Daddy.
"Para sa akin? O para lang sa kasiyahan mo?" sigaw ko.
"Stop! That's enough!" sigaw ni Mommy Shee.
"She's right, Heng. Stop forcing her. May plano siya sa future niya, and she's focusing in her studies and life. You cannot force her, just wait for the right time" she added.
Nang sinabi ni Mommy Shee iyon, nagalit at nagwala si Daddy. Halos masira na ang maliit na lamesa roon sa likod ng Mansion, binasag niya lahat ng Wine roon.
Dahil ganoon ang kaniyang ugali kapag ang isa sa mga gusto niya ay hindi nasusunod o nasunod. But all I have to do, is to understand him and still be patience.
Isa lang ang pinag-tataka ko, bakit kailangan akong ipagpilitan sa taong hindi ko naman mahal?
YOU ARE READING
Fading Echoes: Love Lost in Silence
RomanceIn the quiet solitude of her thoughts, she found solace amidst the chaos that surrounded her. The echoes of her unspoken words reverberated through the hollow chambers of her heart, unheard and unacknowledged by those who should have listened. As th...