Chapter 12: Birthday Party (Season 2)
It’s May 15. Sydney’s 18th Birthday, it’s her debut. Pero nagsabi siya sa akin na, hindi raw siya magpapa 18 roses sa 18th Birthday niya.
Mas gusto niya raw ang simple, at basta raw makadalo ako at ang pamilya ko. Iniisip ko, kung ano ang mga magiging pangyayari na iyon.
She messaged me, dahil ang usapan namin ay 9 AM ay pupunta na ako roon kasama sina Mommy. Na late ako ng gising na iyon, dahil halos 3 am na ako nakatulog. Nagising ako ng 9:30 AM, habang sina Mommy at Daddy ay tapos ng magbihis.
“Leigh, where are you na? Na late ka na naman ba ng gising?” message nito sa akin.
Nag reply naman agad ako... “Ah oo, sorry. Don’t worry, I’ll be there give me 30 to 40 minutes, okay? Tapos naman na sina Mommy at Daddy, ako na lang ang hindi pa” reply ko sa kaniya.
She just reacted heart emoji sa message ko. While me, nagmamadaling kumilos. Kumatok si Mommy Shee sa kwarto ko, habang nagsisipilyo ako ng ngipin ko.
“C... come in!” sigaw ko.
Pumasok si Mommy Shee, at tinanong kung nasaan ako. At sinabi ko na nasa bathroom ako, at nagsisipilyo.
“You’re still not done, Leigh? It’s already 9:40 in the morning. Hurry up! Sydney is waiting for us, especially sa iyo” saad nito sa akin.
Nang matapos akong magsipilyo, nakasagot na rin ako ng maayos.
“Give me more minutes, Mommy. Please? Sydney can wait. Na late po kasi ako ng gising” I answered politely... “I’ll be there at susunod ako, maliligo lang po ako.” I added.
“Okay. We will wait you downstairs, okay? Hurry!”
Nagmadali na ako noon, at noong aking pagtapos nakalimutan ko pang itali ang sapatos ko dahil sa kamamadali.
“You’re done, Leigh?” saad ni Daddy.
“Yes, Dad. Tara na po” saad ko.
Nauna na akong sumakay ng sasakyan, at dinahan-dahang bitbit ang bouquet na regalo ko kay Sydney kasama ang teddy bear.
Habang nasa sasakyan kami at nagba-byahe na, may itinanong si Daddy.
“Kakaiba ang regalo mo ah? Mukha kang mang liligaw riyan ah” saad nito.
“Hayaan mo na, Heng. Kung iyan ang gusto niyang iregalo kay Sydney, let her be” saad ni Mommy.
“This is her favourite, Dad. Why not na ibili ko ito sa kaniya?” saad ko.
Noong sumagot si Daddy, hindi na ako muling sumagot sa kaniya at hinayaan na lamang siya.
I bought butterfly bouquet for Sydney, and teddy bear na may kasamang chocolates. It’s her favourite, lalo na ang mga matatamis.
Nakarating kami sa bahay nila Sydney ng 11 AM na, at noong pagdating namin... nagulat ako dahil nandoon sina Dahlia, Ruxe at Niña.
“Pati ba naman dito, nandito pa rin kayong tatlo?” saad kong pagbati sa kanilang tatlo.
“Imbitado ka pala?” tanong ni Niña sabay tawa nilang tatlo.
“Mukhang malaki-laki ang gift ah? Kami nga pinag-ambagan namin ito, maliit pa rin ang nabuo... hays” saad ni Dahlia.
“Kuripot kasi itong isa na ito, pangalan ay Ruxe na nag-ambag ng singkwenta pesos” dagdag nito.
“Ano ba kayo! Ang mahalaga, may gift kayo sa kaniya. Okay na iyon” I answered.
YOU ARE READING
Fading Echoes: Love Lost in Silence
RomanceIn the quiet solitude of her thoughts, she found solace amidst the chaos that surrounded her. The echoes of her unspoken words reverberated through the hollow chambers of her heart, unheard and unacknowledged by those who should have listened. As th...