"Aray!" magkasabay na sigaw namin ng kaibigan ko. Nakita ko sa kaniyang mga kamay ang dugo, habang wala naman sa akin.
"Ayos ka lang?" tanong nito sa akin. "Oo naman, masakit lang ang kamay ko," sagot ko.
"Bakit naman masakit ang kamay mo? Sa akin naman ang may dugo?" pagtataka niyang tanong.
"Anak! Anong nangyari?" agad lumapit sa kaniya ang kaniyang ina at tinignan ang sugat. "Gamotin natin 'yan sa loob," ani ng ina ko na ngayon ay nasa gilid ko na.
Iniwan kami nito at agad na pinagpantay ni ina ang aming tangkad. "Ayos ka lang ba?" Tumango ako bilang sagot. "Puntahan ko muna sila? Dito ka muna?" tumango ulit ako.
Naglakad ako sa patungo sa may puno na nasa unahan ko lang, agad akong napahawak rito nang biglang nanghina ang aking kanang kamay. Masakit pero natitiis, nanghihina ako kasabay ng mga naririnig kong iyak mula sa kaibigan.
Bigla ring sumakit ang tenga ko, parang nadudurog sa sakit! Gusto ko mang-iangat ang dalawang kamay at ilagay sa tenga ay hindi ko magawa!
Hindi ko alam pero may tumulong pawis sa aking mukha pagkalipas ng ilang minuto.
Naging maayos din naman nang wala na akong narinig na iyak, ngunit nakaramdam ako ng pagod.
Anong nangyari?
Hindi lamang iyon isang beses, nasundan ulit iyon nang nasundan, hanggang pati ang mga magulang ko ay nagtaka.
"Sinampal daw siya at kinulong sa kwarto" rinig kong pag-uusap ng mga kaklase ko.
Mahigpit ang hawak ko sa ballpen, dinadama ang pait ng damdamin. Sa aking imahinasyon ay nakita ang batang babaeng tinutukoy nila, tulala, nasa gitna ng madalim na sulok, may pasa at mahina.
Sumakit ang dibdib ko at lahat ng lakas ko'y tila hinihigop ng hindi ko mapagtantong bagay.
"Miss, nilagnat si Daniel!" Sigaw ng kaklase ko.
Inangat ko ang tingin at nakitang matamlay nga si Daniel, inalalayan siya ng mga kaklase ko.
Bago ko muling mamulat ang mata mula sa pagkurap, agad ko ng naramdaman ang aking katawan sa sahig.
"Mahal, hindi na ako komportable, parang hindi na coincidence ang lahat, ilang beses na ito," rinig kong pakikipag-usap ni papa kay mama nang mamulat ako.
"Ako rin, anong gagawin natin?"Matamlay na sagot ni mama.
Pinikit ko ang mga mata para makakuha pa ng impormasyon.
"Sinabi ng doctor ay baka sa pagod, paanong mapapagod, bata lang siya...Wala rin naman siyang ginagawa sa bahay," tugon ulit ni mama.
"How about, try natin 'yung kakilala nila mama?" Hanggang doon lang ang narinig kong pag-uusap nila, dahil may dumating.
"Kumusta ang apo ko?" Si lola 'yun.
Hindi ko na rin sila marinig kaya dumilat na ako. Tulala kong pinagmasdan ang kisame, hindi naintindihan ang mga nangyayari.
"Hija, gising kana pala," napangiti ako nang makita sila lola na papalapit sa akin. Dahan-dahan niya ring hinalikan ang aking noo.
"We are going to go somewhere. Gusto mo ba?" Masayang sabi niya. "Saan po?" tanong ko naman.
"Probinsya," biglang pagsagot ni mama.
"Really?" I said, a little bit excited.
"Tara?" nilahad ni lola ang kaniyang kamay para makababa ako ng kotse.
Sumalubong sa akin ang maginhawang hangin. "Dito ka muna, okay? May tatawagan lang na bisita si lola," paalam ni lola.
Dumating si mama kalaunan at naglaro kami saglit ng habulan, samantalang si papa ay inaayos ang aming mga gamit.
"Hali na kayo, nandito na siya," tawag ni lola.
Pumasok kami sa loob ng bahay at umupo sa sahig at may isang matandang babae ang nasa gitna, meron siyang mga gamit na hindi ko mapagtanto kung para saan.
"Siya ba?" tanong niya at tumango si lola. "Love, don't be scared; she's a great friend of your lola; she just wants to pray with you. So, close your eyes," and I did what my mama said, kahit walang alam.
"A future ahead for someone's undone love and suffering will arise and form a stronger and unbearable torment. The choice is the door to a new beginning," ani nito.

YOU ARE READING
Cure in His Soul
FantasyA girl from a town grows up uniquely among the people in her small village. She hates being different from the children she grew up with. An unknown and explainable malady tangled in herself. It is her secret. Each day she prayed for a visible cure...