"Hali ka, sali ka sa amin!" Saad ng batang babae sa akin.
Lumapit ako sa kanila kahit hindi naman kami magkakilala. Bagong lipat palang kami, at mabuting may kalaro na ako.
"Dito ka sa kanila" Tinuro niya ang pwesto ko, magkakampi kami ng kabila, magkalaban kami nung tumawag sa akin.
"Kailangan natin silang mabihag," bulong sa akin nang lalaki. Agad ko namang tinanguan, sumasang-ayon.
Kumapit ako nang mahigpit sa puno, iyon ang base namin sa laro, habang sa kabila ay upuan.
Sinubukan kong abutin ang isang kalaban, at agad na umiwas nang sinubukan akong hawakan ng isa.
"Taya, bihag kana namin!" Natawa kong saad.
"May bihag na kami! Paano ba 'yan?" pagmamayabang ng grupo namin.
"Ayan, isa na naman. Ang galing mo bata!" Turan ng kakampi ko sa akin, ikatlong bihag ko na 'to, at wala pa rin silang nasagip kahit isa.
"Kumain muna kayo mga bata!" Natigil ang lahat nang may matandang babaeng lumapit sa amin. May dala siyang kaldero at nilapag iyon sa isang mesang gawa sa kahoy.
Umupo kaming lahat sa mesa habang ang puno ang siyang nagsilbing harang ng araw sa amin.
"Ito sa'yo," binigyan ako nung nagyaya sa akin ng kutsara at mangkok, nag-unahan ang mga bata kaya siya na rin ang sumiksik, at nilagyan ang mangkok ko ng tsamporado.
Pagkatapos makakuha ang lahat, inayos namin ang amin mga upo at nagunahan sa pagihip ng pagkain. Natatawa pa kami sa katangahan ng iba.
Nang matapos, nagpahinga lang kami saglit at bumalik sa paglalaro.
"Aray," biglang nanghina ang tuhod ko, may nadapang bata at nagkasugat ang tuhod nito.
Naramdaman ko rin na nanginig ako, tila ako rin ay nadapa sa naramdaman ko. May tumawag sa ina ng bata, habang ako ay umupo muna.
"Mahina ka, matatakutin!" Sabi ng lalaki sa akin, sinabi ko lang naman na nanghihina pa ako.
"Ano ka ba, tara na," depensa ng kasamahan niya at tumingin sila sa isa't isa. Nakikipag-usap sa mga mata.
Sumali ulit ako, may lata ng nakahanda sa gitna, ako ang taya.
Natatamaan nila ang lata kaya habol ako nang habol! Pawis na pawis na rin agad!
"Aray!" Reklamo ko nang tumama sa paa ko lata, dumugo rin 'yun ng kaunti.
"Dali na, ang oa," saad nang isa.
"Oo nga," agad akong pinalo at binatohan ng tsinelas. Napa-upo ako at tinakpan ang mukha gamit ang kamay. Nagtataka.
Pinalibutan nila ako, nagsasaya. May ibang tumatawa at pinapalo ang ulo ko.
Hindi man ako nakatingin ngunit alam ko nasa sentro nila ako, iniikutan at sinasaktan.
I cried my heart out, the memory of it didn't vanish in my mind. I tried to breathe, but it didn't get better. It's happening again! My classmates are recreating the scene in my memory.
I am surrounded by them; they are hitting my head and back and even slapping me in the face. "Tama na!" I shouted, kicking my feet, hoping to stop them.
"I didn't do anything; I'm not the one who broke your mirror!"
"Sinungaling," a girl hit me again!
I bawl, it hurts so damn much! It's so unfair!
No one stops them! No one tries! Unfair! Unfair!
It's unfair... If they were in my shoes, I would feel empathy.
I can feel their cries and sorrow, but they can never feel mine. Worse, they are the reason why.

YOU ARE READING
Cure in His Soul
FantasiA girl from a town grows up uniquely among the people in her small village. She hates being different from the children she grew up with. An unknown and explainable malady tangled in herself. It is her secret. Each day she prayed for a visible cure...