Chapter 2 - Stranger

33 1 0
                                    

Nasa kasarapan na kami ng inuman namin ng mga kaibigan ko nang biglang nag-ingay ang mga tao sa club. Pagbaling ko sa gawi ng stage ay nalaman ko ang rason ng pagkakagulo ng buong audience. Sa ibabaw ay gumigiling ang isang gwapo at matipunong lalaking tanging blue tattered jeans lang ang suot at pinaresan lamang nito iyon ng itim na leather boots. Mas lalong tumindi ang hiyawan nang may isang babaeng sa tantiya ko ay nasa fifty years old na ang umakyat sa stage at sinabayan sa paggiling ang batang-batang macho dancer habang hinahaplos ang hubad nitong dibdib. Muling nagsigawan ang lahat nang hinawakan ng babae ang waistline ng suot na jeans ng lalaki at akmang ibaba iyon. Kahit ako man ay nagulat at nahigit ko ang aking hininga nang makita kong nasa loob na ng waistline ng pantalon ng dancer ang mga daliri ng babae. Ngunit sa halip na ibaba ang jeans ay may inilagay ito roon na ikinamulagat ko. Dahil nasa harapan kami ng stage ay kitang-kita ko kung ano iyon.

"Rish, Lizzy, t--tama ba ang nakikita ko? D--Dalawang makakapal na bungkos ng tig-iisang libo ang inipit ng babae sa pantalon ng dancer?" ang hindi makapaniwala kong tanong.

"Oh yes, sissy. Ganyan kagalante ang mga customers sa club na ito. Matagal ka na kasing hindi nakakasama sa amin kaya hindi ka na masyadong updated sa mga ganap dito," tila balewalang sagot ni Clarish.

"Holy s-hit! Sobra-sobra naman yata iyan? Is she out of her frigging mind?"

"Hay nako, Toni. Maliit pa nga iyan eh. Minsan ilang milyon din ang ibinibigay ng ibang customers lalo pa't gwapo at magaling na pole dancer ang nasa stage," rinig kong sabat ni Lizzy na nagpaawang ng bibig ko. Bigla akong nakaramdam ng pagkahilo. Siguro ay dala rin ng aking nainom.

"Girls, I'll just go to the washroom. Maghihilamos lang ako at magre-retouch. Pakiramdam ko kasi ay amoy usok na ako," paalam ko sa dalawa.

"Do you need company?"

"I'm alright, Rish. Dito nalang kayo. Babalik din ako kaagad."

Pagkasabi ko niyon ay may pagmamadali kong dinampot ang dala kong purse at tinungo ang washroom. Nakayuko akong naglakad dahil pakiramdam ko ay masusuka ako. Nasa aking bibig ang isa kong kamay habang ang kabila ay itinukod ko sa dingding na nadadaanan ko. Pagdating sa harap ng pinto ng washroom ay walang salita ko iyong binuksan at itinulak. Dumiretso ako sa pinakadulong sink na nasa likod ng dingding na may malaking salamin. Pumasok ako sa cubicle na naroon at isinuka ang lahat yata ng nakain at nainom ko ngayon-ngayon lang. Paglabas ko ay kaagad akong naghilamos at kinuha ang dala kong toothbrush at toothpaste sa loob ng aking purse. Nang maayos na ang hitsura ko ay nag-apply ako ng vanilla flavored lip gloss. Muli kong sinipat ang sarili ko sa salamin bago mabibilis ang mga hakbang kong lumabas mula sa puwestong iyon ng washroom. Ngunit tila nanlamig ako nang dumako ang paningin ko sa nakatalikod na bulto ng lalaki na nakatayo at may kinakalikot sa harapan nito. At natagpuan ko na lang ang sarili kong malakas nang tumitili dahil sa sobrang pagkagulat.

"Ahhhhhhh! Bastos!" sigaw ko habang mabilis na naglakad palapit sa lalaki at walang babalang inihampas sa ulo nito ang bitbit kong purse.

"Aray!" rinig kong daing nito bago mabilis na umikot paharap sa akin. Natulala ako nang masilayan ko ang gwapo nitong mukha. "What the f-uck is your problem, woman? Bakit ka nanghahampas?" mababa ang tono nitong tanong na halata ang pinipigilang galit. His low-pitched voice spoke of dominance and strength which added to his oozing s-ex appeal.

"Aba't gago ka pala! Bakit nandito ka sa loob ng washroom? Mamboboso ka, ano? Binosohan mo ba ako kanina?" galit na galit kong sigaw sa lalaking kaharap ko habang hinahampas ko siya sa braso ng aking dalang purse.

"Hoy! Huwag ka ngang mambintang! Maganda ka pa naman sana kaso feelingera ka," nang-iinsulto nitong saad sabay hagod ng tingin nito sa akin mula ulo hanggang paa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 07 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PLAYING RUSSIAN ROULETTE (AGE GAP SERIES 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon