Rachel's POV
"Everyone, I have an announcement!" Pagkukuha ng attention ng manager sa amin.
"The boss have a good news and bad news delivered to us. Anong gusto niyong unang marinig?"
"Edi yung good news!"
"Hayys sana maganda yung good news."
"Hahh sobrang sakit na ng likod ko."
"Namamanhid na nga yung daliri ko kakapindot ng keyboard."
"Eh ako nga halos maduling na kakabasa ng mga reports."
"Gusto namin ng bakasyon!"
"Oo nga, one month lang or more. We would really appreciate that, manager!"
Napatawa nalang si Ms. Kim sa mga hinaing namin.
"Alam kong mawawala lahat ng pagod ninyo kapag narinig niyo ang good news." Nakangiting sabi nito sa amin.
"Oyy gusto ko yan!"
"Sabihin niyo na manager!"
"Sana nga mawawala tong pagod ko sa good news na yan."
"May 3 months rest kaayo!" Masayang sabi nito sa amin na nagpahiyaw samin.
"At last, may long rest na!"
"Anong nakain ni Boss at binigyan tayo ng three months vacation?"
"Shh! Manahimik ka nalang! Baka bawiin kapag narinig ka nila."
"Nagtatanong lang naman eh pero pinagsasalamatan ko ang nangulam sa boss natin mwehehehahe!"
"Yan ang naging resulta sa walang pahinga, naalog ang utak kakatrabaho eh!"
"But! Baka nakakalimutan niyong may bad news pa?" Nakangising sabi ni Ms. Kim.
"Uh-oh parang hindi maganda ang pakiramdam ko sa ngisi ni manager ah."
"Gagsh may bad news pa pala ano bayan panira ng moment psh!"
"Kahit may three months vacation kayo, kailangan niyo pa rin tapusin ang trabaho niyo. It means work from home."
"NAAAAHHHH!!
"Nani?! Only an heartless person can do that– ay expected na pala si bossy boss yan eh."
"Pucha anong kwenta ng vacation kung mag tatrabaho parin!"
"Huhuhuhu paasa si Boss, heartbroken na nga ako mas winasak pa ni Boss!"
"Ay yawerrss! Ang sakit sa tenga at sa puso!"
"Well anyway, your work-from-home vacation will start tomorrow. Enjoy everyone." Malaking ngiti ang ipinakita ni Manager bago lumisan sa mundo.
Ginulo ko ang buhok at parang baliw na bumubulong. Wala na akong pakialam sa paligid dahil lahat kami ay ganto ang ginawa.
***
Papunta nako pauwi sa boarding house ko. Gabi na at hindi gaanong matao ang dinadaanan ko. Nakaramdam ako ng parang may tumitingin sa'kin kaya mabilis kong tiningnan ang paligid pero waley.
Yan ang napapala sa pagiging assuming ko.
Mabuti nalang at buo pa ang body parts ko na nakauwi sa boarding house ko.
Binuksan ko ang ilaw at nakitang walang tao dahil ako lang mag-isang naninirahan dito. Bobo ka ba self?
Dumiretso na ako sa kwarto at sabay bagsak sa higaan. Nakatitig lang ako sa kisame kakaisip paano sasabihin sayo gusto gustong gusto kita~
Okay stop na tayo, nasobrahan yung pagka saltik natin. Kinuha ko ang phone at nag open ng PADWATT. Naghanap ako ng mga recommend stories at nakuha ng attention ko ang isang mala manhwang story cover kaya binasa ko.
Mahigit isang oras kong natapos basahin. Same typical love story kung saan maraming fafa ang female lead tapos may kanya kanyang ending kada fafa. Yung kontrabida naman ay natigok as usual dahil tinangkaan niyang lasunin ang bida.
Napakatangang gawain diba? Sana diniretso nalang niyang pinatay gamit ang espada para diretso tigok hayst. Pero anyways, sayang lang pa sa oras ko basahin yun sana natulog nalang ako.
Humikab muna ako bago niyakap ang pinakamamahal kong unan.
At yun. Yun ang pagkakamali ko. Kung hindi lang ako natulog, hindi sana ako mapupunta sa isang sitwasyon na nakakapagdulot ng mas malaking stress sa'kin.
BINABASA MO ANG
The Unexpected Twist
Fantasy"Rose with Three Thorns" is a typical romance novel I read just because of its beautiful book cover. I realized how foolish I am and wasted my time on reading some childish novel instead of embracing my bed early. Fast-forward to the situation I'm f...