"Rose with Three Thorns" is a typical romance novel I read just because of its beautiful book cover. I realized how foolish I am and wasted my time on reading some childish novel instead of embracing my bed early.
Fast-forward to the situation I'm f...
A/N: Hi po, sa mga nagbabasa sa walang patutunguhang storyang to ay maraming arigathanks po dahil ginawa ko lang to out of boredom kaya ang hina ng update kaya pasensyahan niyo na po. Hindi ko din po alam kung matatapos ko ba to or hindi ko nalang papansin. Yun lang babosh.
This chapter is dedicated to jerah091303 for becoming my first follower and chucker_23 for the votes arigathanks po talaga >3<
Rachel's POV
Minulat ko ang aking mga mata at hinawakan ang puso ko para pakalmahin ito. Huminga ako ng mabilis na para bang mauubusan na ako ng hininga. Ramdam ko na din yung lagkit ng pawis sa buong katawan ko.
Unti unting kumalma ang tibok ng puso ko at nabalik na ang normal kong paghinga. Hindi ko na naalala ang napaginipan ko pero mukhang nag ma marathon yata ako sa tulog ko.
Babangon sana ako sa kama nang malayan na nagbago ang mukha ng kwarto ko.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Credits to the rightful owner.
Luh? Nananaginip pa rin ba ako?
Sinapak ko ang sarili ko kung hindi pa ba akong gising pero napangiwi ako nang maramdaman ang hapdi.
Parang akong tangang nakatunganga habang pinoproseso pa ang nangyayari nang mahulog ako sa kama sa gulat dahil biglang bumukas ang pinto.
"Lady Veronica!" Napatingin ako sa taong tumulong sa'king makatayo.
Nakatingin sa kin ito with teary eyes tapos parang may sparks sa mga mata niya.
Omg ang kyut! Ang sarap tusukin ng mamulamula niyang pisngi.
"Milady? Okay ka lang po ba?" Tanong nito with matching puppy eyes.
Hindi ko na napigilang tumayo at kurutin ang matambok niyang pisngi.
"Kyahhh ang kyut kyut mo!" Ngumisi ako at pinanggigigilan ang pagpisil ng pisngi niya habang nanlaki lang ang mga matang nakatingin sa'kin at mas lalong pumula ang magkabilang pisngi niya.
"A-ano pong n-nangyayari sa inyo, Milady? May sakit ka po ba?" Inosenteng tanong nito na nagpadagdag sa kakyutan niya kaya bago ko pa siya yakapin na parang stuffed toy ay lumayo siya sa kin kunti.
"Tatawagin ko muna ang doktor para ipatingin ka, milady." Bago pa ako nakasagot ay yumuko na ito at dali daling lumabas ng kwarto.
Wait- hindi ko pa alam kung saang parte ng universe ako. Pero hindi naman ako nanaginip dahil nga sinapak ko ang sarili ko tapos nakaramdam ako ng sakit.
Habang nagmumuni-muni ako ay bumukas ang pinto at nakita ko si Kyuti na may kasamang matandang lalaking mukha yatang galing siya sa mundo ni Harry Potter sa suot niya.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Credits to the rightful owner.
Lumapit ito sa kin kaya napaatras naman ako dahil biglang lumiwanag ang kamay niyang nakabuka sa harap ko na parang gustong makipag apir sa'kin kaya ginawa ko yun.
Nanlaki ang mga mata ni Kyuti at yung liwanag sa kamay naman ni Lolo Harry ay biglang naging abo.
Okay- baka nasa Harry potter world yata ako nakidnap.
Tumalikod na sa akin si Lolo Harry at humarap kay Kyuti na para bang nag uusap sila sa kanilang mga mata.
Uyy baka may sparks na mangyayari ha.
Umalis na yung si Lolo Harry at tinignan naman ako ni Kyuti na para bang inapi siya.
"Alrighty ka lang, kyuti?" Nginitian ko ito para pagaanin ang loob niya pero may tumulo ng luha sa mga mata kay napatayo ako.
Mukha ba akong demonyo nung ngumisi ako?
"M-milady... h-hindi niyo na ba ako maaalala?" Sumisinghot pa ito habang nagsasalita.
"Ha? Di ko gets."
Dahil sa sinabi ko mas lalong bumuhos ang luha niya at mas namula ang mga pisngi niya.
"Sabi ng doktor nawalan kayo ng memorya dahil sa pagkakahulog mo sa ilog." Patuloy parin itong umiiyak.
Parang yun ay key para bumalik ang lahat ng memoryang di naman pamilyar sakin at napaluhod ako sa sakit habang nakahawak sa ulo.
Narinig ko ang sigaw ni Kyuti pero hindi ko yun pinansin at nanlaki ang mga matang binanggit ang pangalan ng pinakamalas na karakter.