1- The Villainess' Death

441 24 0
                                    

Rachel's POV

Minulat ko ang mga mata pero blurry ang paningin ko. Ang naririnig ko lang ay sigawan ng mga tao.

Nang naging okay na ang paningin ko ay bumungad sa'kin ang maraming tao mukha galit na galit na nakatingin sa'kin.

Luh? Ginawa ko sa kanila?

Naramdaman ko ang sakit sa pulsohan ko at doon ko na napagtanto na tinalian ako. Nilibot ko ang paningin ko dahil wala akong ideya kung bakit ako nandito.

Ano to? Ginagawa nila sakin?

Nahagip ng mata ko ang dalawang taong nakaupo sa isang magandang upuan at isang lalaking nakatayo sa gilid ng isang babae.

Napatulala ako dahil ngayon lang ako nakikita ng ganitong kagwapong nilalang. Ang nakaupong lalaki ay may mala diyamanteng mga mata at yung nakatayo naman ay may mala emerald.

Nalihis ko lang ang atensyon ko sa dalawa nang mapansin ang babaeng pinagitnaan nila na may awa sa mga matang nakatingin sa'kin. Nakaramdam ako ng galit sa hindi ko malamang dahilan pero nawala naman ito.

Mabuti pa siya, siya lang yata yung nakita kong walang galit na ekspresyon sa mukha. Tapos yung dalawang pogi sana ay walang emosyon sa kanilang mukha.

Nawala ang atensyon ko sa kanila nang may isang kawal na tumikhim.

"Ehem... Lady Veronica Luishall committed a felony by attempting to poison the future queen of Kingdom Dersoul. The lady will sentence to death by executing her." Anunsyo ng isang kawal.

Nanlaki ang mga mata ko at ang butas ng ilong dahil sa narinig.

Pucha! Anong executing her? Ako ba ang tinutukoy niya?

'Tanga ka self! Sure na ikaw yung titigokin lahat na ata ng tao dito nakatingin ng masama sayo.'

Pero iba yung tinawag niyang pangalan, hindi naman ako si Vero- wait bakit familiar sa'kin yung pangalan?

Bago ko pa kalutkutin ang utak ko kung saan ko narinig ang pangalan yun ay bigla nalang akong kinaladkad ng dalawang kawal. Gusto kong pumiglas pero wala yatang lakas ang katawan ko para gawin yun.

Patungo kami sa hindi pamilyar na kagamitan. Kahoy ito at yung shape niya ay parang pintuan. Wait- blade ba yung nasa taas?

 Wait- blade ba yung nasa taas?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

https://www.britannica.com/topic/guillotine

Tumaas ang balahibo ko nang mapagtanto ang mangyayari sakin. Parang bumalik ang lahat ng enerhiyang nawala sa katawan ko kanina. Pinatunog ko ang buto ng daliri sa isa sa mga kawal kaya nakabitiw ito. Sinapak ko naman ang mukha ng isa dahil wala siyang suot na bakal na helmet.

Dali dali akong tumakbo papalayo sa kamatayan ko at tumatawa na parang nasisiraan ng bait sa isipan ko.

Mga mahihinang nilalang! Pinatunog ko lang yung buto niya napa aray na tapos yung isa sinapak ko lang hindi pa ako gumagamit ng one percent na lakas ko nabungi na yung mukha wahahaha!

Nawala ang maipagmalaking ngisi ko nang may malaking katawan ang humarang sa'kin.

Tiningala ko ang ulo ko para tingnan kung sino ang walang hiyang humarang sa'kin nang magsisi din ako.

Biglang nanginig ang tuhod ko at hindi na nakayanang suportahan ako kaya napaluhod ako.

Gagi self! Yun na yun eh! Nanghina ka na nang makakita ng mukhang fafa- erase erase mamamatay na nga ako kalokohan parin iniisip ko.

"Do you really think you can  escape hell, my Veron?" Mas lalong nanginig ako nang marinig ang napaka husky niyang boses- ehem.

Imbis na ibaba ang tingin ko ay tila hini-hypnotize ako ng mala ruby niyang mga mata.

Hindi ko namalayan na sinasakal na pala niya ako dahil nawawalan ako ng hininga.

Gags iba yung alam kong 'Choke me daddy' huhu bakit. Choke to hell itong nangyayari sakin.

Naluluha ko siyang tiningnan pero grabe tinitigan lang ako nito na parang walang kwentang bagay na nagawa sa mundong ito.

Nanlabo na ang mga mata ko at parang akong hinihigop ng antok kaya unti unti nang pumikit ang mga mata ko.

Huling nakita ko ay ang matamis niyang ngiti.

"See you again in the past 5 years,





...my Veron."

The Unexpected Twist Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon