A/N: hi po isisingit ko lang po ang pag-promote ko sa new story ko. Check it out, The Reason Why the Duchess Ran Away ang title :)
No one's POV
"Your next target is this woman."
Ibinagsak niya ang isang sobre sa lamesa kaya kinuha ko ito at binuksan.
Naramdaman kong tumaas ang sulok ng labi ko nang makita ko ang isang napakagandang mukha.
My Veron... this is now our time.
"Watch her moves closely. Wag kang magpadalos-dalos, L. Hindi ka dapat ma distract sa mga kwentang bagay. I will only give you a short period of time."
He stares at me like he wants to catch an emotion in my eyes but give up cuz he knows masasayang lang ang oras niya.
Did this fxker just gave me a warning? He should be thankful I like this mission or else siya ang magiging next target ko.
I just nodded at ibinulsa ang larawan ng mahal ko. Tumalikod na ako at umalis sa lugar na yun.
May malaking ngisi ang nakapaskil sa mukha ko habang ini-imagine ang pagkikita namin.
Wala ka ng takas sakin ngayon. Akin ka na.
Rachel's POV
Achchiing! Pucha bakit ba ako palaging nag aacho hindi naman malamig ang lugar. Siguro may secret admirer ako wahahaha!
"Ohmyghad mag st-tart na!!!" Napatakip ako sa tenga ko dahil nagsimula ng mag ingay ang mga unggoy sa arena.
Iisipin ko nalang na mag co-concert ang TWICE dito at hindi violence ang makikita!
"Good Day Students! This is the day y'all waiting for! I know everyone are very excited."
Well not everyone, ako lang ata ang hindi.
"Ipapakilala na namin ang mga makakalaban niyo. Una ay ang Warrior Heartthrob, Lord Echos Manzue!"
Lord Echos? Yung human typhoon sa empire na to na makakalaban ng third male lead? Shessh rest in hell nalang in advance erp.
Tagos hanggang buto ang tilian ng mga babae sa arena lalo na itong bruhang nasa tabi ko na grabe maka hampas sa'kin!
Easy ka lang Rachel, kahit gusto mo ng baliin ang buto nito wag pls dahil baka tayo ang mababalian ng katawan.
May lumabas na mukhang gorilla at kumakaway kaway pa with matching with kindat na mas lalong nagpasakit sa hampas ni Alessatan.
Yuwa! Ma i-injure yata ako bago pa ang laban ko sa hampas ng babaeng to!
"The next is the University's Goddess, Lady Beruha Dimwit!"
Pft! Ano yun? Beruha as in Bruha? Parang ewan ang pangalan, hindi man lang ineffortan hindi siguro siya mahal ng magulang niya joke. Pero sino ba tong taong to?
Hindi naman nag ring ang utak ko nang marinig ang napakabantot na pangalang yun so it means hindi siya importante- wait! Dapak! Lady Beruha ang makakalaban ni Veronica sa laban niya so it means.... mamamatay siya!
Hah! Kala niya ako ang matatalo anong silbi pa ang training ni kamatayan, kailangan kung manalo dahil hindi mawala wala sa'kin yung death threat ni Benedevil.
Pinakilala na ang iba na hindi pamilyar sakin. Mukhang mg background characters lang sa kwento kaya hindi ko gaanong pinansin.
"And the last but not least The Charming Duke of the Empire, Duke Benedict Olivier!"
Mas lumakas ang hiyawan ng ilan at tong bruhang na sa tabi ko ay inaabuse na ako.
"Ha?!" Nanlaki ang mga mata kong nakatingin sa demonyong ngayon ang nakatitig sa'kin at ngumisi panandalian at may binulong na mukhang ako lang ang nakapansin at nakaintindi.
Speaking of the Devil- hindi na dapat ako magugulat na sasali since siya ang kilala siya bilang one of the greatest warrior ng Empire pero shet! Wala to sa story! What if magbago ang plot tapos siya ang makakalaban ko pls wag sana!
Benedict's POV
Nilibot ko ang paningin ko hindi pinapansin ang malakas na hiyawan sa arena at kusang umangat ang sulok ng labi ko nang makita ang babaeng kanina ko pa hinahanap na ngayon ay parang nakakakita ng multo.
"Nice to meet you again, my dear student."
BINABASA MO ANG
The Unexpected Twist
Fantasía"Rose with Three Thorns" is a typical romance novel I read just because of its beautiful book cover. I realized how foolish I am and wasted my time on reading some childish novel instead of embracing my bed early. Fast-forward to the situation I'm f...